Hindi 'to drama, kilig moment ko 'to this day. hahaha! i'll show some pictures.
As the title implies, about nga sa notebook. hahaha!! hmm..
DESCRIPTION: Corona notebook ang brand nito, manufactured by Paper Products Mfg,Ent.,Inc. 1829 Donata St., Pasay City, Philippines, 80 leaves, color blue, 102x152 mm ang size nito. haha!
Paano ko nakuha? Ganito yun, pumasok ako mga 11 na tapos nagtext ako sakanya, sabi ko magtago n siya kasi papasok na ako. haha! tapos ayon sabi niya kunin ko daw sa guard house, iniwan niya dun, umalis na ata kasi siya school. Tinablan ako ng hiya nito,haha! Akala ko nga hindi niya tinotoo e, expected ko di niya ginawa. Pagdating ko ng school kinapalan ko na muka ko dun kay manong guard. ayun sabi ko "kuya may notebook bang iniwan dito?" (kaba much) sabi sa'kin kaninong notebook daw sabi ko kay DHEEJAY po, tapos ano daw itsura , describe ko daw. Sabi ko gwapo tapos matangkad. Niloko pa ako sabi ni manong gwapo ba yun? tapos kinuha ung notebook tapos binuklat may pic pala nga sabi eto gwapo? hahaha! Ayan ang 2x2 picture niya, pagkaabot sa'kin sabi pa ni manong, crush mo yan noh. hahaha!! Pag-abot sa'kin grabe ung kaba ko, hahah! diretso nga agad sa bag ko e.
Niloko niya pa ako ng umaga nito, kasi sabi niya bago siya matulog nung gabi paalala ko daw tapos sabi ko magaalarm ako ng maaga para maremind ko. Ayown di tumalab ung alarm ko, lapit na mag9 nung nagising ako tapos pagbasa ko may GM siya sabi 8 daw dapat nasa school na sila, tapos bumati gudmorning 6:30 ata yun. E di tinext ko siya nun, tinanong ko kung nasa school na siya sabi niya oo daw., tinanong ko agad ung notebook, expected ko di niya dinala e. Sabi skin "nadala ko ata, nadala ko nga ba? :P" haha. tapos ayon sabi niya na nadala nga daw niya.
Expected ko wala siyang message, as in plain na notebook lang niya talaga. Sabi ko kasi nung gabi nito pakilagyan nia message kahit hu u lang, pang-asar niya kasi yun sa'kin. tapos sabi niya tinatamad na nga daw siya magsulat tapos message pa daw. haha! Sabi pa kasi niya nung gabi yung lecture niya nalang daw basahin ko,haha! Saka may lettering naman daw sa likod saka picture nga ata para daw pag nawala maibalik sa kanya. haha!
Tapos kanina, ayown pagtingin ko may message naman pala. haha! Ayan ung simpleng message na nakasulat sa notebook niya. Di ko pa yan napansin agad. Baka di nababasa, ang nakalagay: OCTOBER
---------
MARAMING SALAMAT AT BELATED HAPPY BIRTHDAY SAYO! MS. TINA MARIE "TM" BALDEMOR
(curly arrow? haha)
DHEE-JAY CARBONEL tapos may pirma niya. :))
wee!! haha.. Ewan ko ba, ansaya lang. haha! Tinutubuan ako ng kilig sa nangyari. haha! Sarap kaya sa feeling na may gamit yung crush mo na binigay sayo.haha! Ayan ang itsura oh, haha! sa baba ng pic niya nakalagay yung message.
Eto ung nasa likod ng notebook niya:
lettering niya :) |
pirma saka info niya. haha! |
Eto siya, baka kasi malabo yung 2x2 niya e. hahaha!
Siya si DHEE-JAY "MC" CARBONEL. bakit mc? short for mycrush yun. haha! yan ang tawag ko sakanya at xiempre alam nia yun. Nagstart 'to ayon sa pagkakatanda ko May 2010 ata, May 10 nga kung di ako nagkakamali. haha! kaya ayon tawag niya sakin TM short for tinamarie lang yun. haha! Crush ko 'to mula second year ako hanggang ngayong fourth year na ako. haha! Two years na din pala, haha!! April 19, 2010 nakuha ko number niya sa facebook (pinaalam ko yun bago ko kunin at pumayag siya.) that date ko rin siya una nakatext. haha! Tagal ko na din pala nakakatext 'to at minsan sa sobrang kulit niya katext nakakalimutan ko ng crush ko siya. haha! Kahit mukang mayabang ang aura niya, pag nakilala mo hindi naman pala. haha! Siyempre thankful ako na ganito siya kabait sa'kin. :)) Minsan lang ang ganitong opportunity, haha! Tulad nga ng sabi ko sa Gm ko kanina "SALAMAT ulet sa pinakamabait kong crush, DHEEJAY CARBONEL." Kahit di mo to mababasa tulad nung GM ko. haha! The end na :D