It’s funny how can someone push you to the point where it
is no longer possible for you to continue understanding them. I think andito na
ako. Sa lahat ng nalaman ko, eto palang talaga ung breaking point, ung napuno
na ako, ung napasabi na ako ng “gago
siya”, ung hindi nalang basta pain, may anger na, ung umiiyak ako hindi na lang
dahil sa masakit pero dahil sa naiinis na ako sa kanya--- that’s exactly how I felt
a couple of weeks ago. Ung mas malala pa
pala ung malalaman ko kesa sa ineexpect ko lang. Honestly it washed everything that
was set on my mind, nabalewala lahat ng valid reasons na meron ako bakit
nangyari un. Tama talaga si Papa Jack e, pag inubos mo ung pasensya niya sayo mauubos
din pati pagmamahal nian, so I guess you know what I mean with the title alone.
Dahil masama loob ko, gopo ka sa’kin sa post na ‘to,
makabawi man lang sa mga ginawa mo. Dahil ako si Tinamarie, magdusa ka sa
kakadrama ko, wala kang magagawa nasaktan mo ako e or should I say sinaktan mo
ako? Haha, ang mean ko . :D Haaay, sana pede nalang ‘to tawanan palagi para di
ko feel masyado. Di ko na sasabihin pa sayo lahat ng nalaman ko, baka pag
ginawa ko un magulat ka tapos mahiya ka sken bigla kasi you have no idea na
alam ko ung totoo. Feeling mo ba naniwala ako sa mga dahilan mo, tsss sabi mo
nga di ba researcher ako, bakit di mo naisip un nun, sana sinabi mo nalang ung
totoo hindi ung pinaganda mo pa ung dahilan mo.
Imagine kung pede idemanda ung mga taong nanloloko ng
bf/gf nila, tingin mo guilty ka? Siyempre for you hindi, kasi nga ano ba namang
ginawa mo? E ang reason of breakup natin according to you is ayaw mo muna ng
commitment, wala kang time for me, gusto mo maenjoy ung single life. So hindi
nga naman, but try to put yourself in my shoes, ano sa tingin mo, siguro maawa
ka din sken dahil sa ginawa mo. Ayan andito na ako sa point na nakakaramdam na
ako ng inis sayo, kasi naman sinagad mo ako e. Aish, andami kong gustong isumbat
sayo which I know hindi naman tama pero for once gusto ko lang isampal sayo
lahat ng hard feelings ko for you. Kung pwede nga lang e, pasapak lang ng isa
alam mo un.
Am I the type of a person who’s worth to be cheated on? Hindi
ko maexplain, pero nakakainis sa pakiramdam na niloko mo ako. Actually normal
lang naman sa panahon ngayon ung kahit in a relationship e nakikipagflirt pa sa
iba. Bakit nga ba naman big deal sken ‘to?
I failed, nakakadisappoint sa feeling na pinatunayan mo lang sken ung
perspective ko sa ganyan, it will always be a sudden hello and goodbye. One
more thing,I trusted you enough, you’re my first tapos ganun gagawin mo sa’kin.
Nagkulang ba ako sayo o sumobra ako ng tiwala para wala akong kaalam-alam na
ganun katagal na pala nagsimula un? Kung hindi mo ako ganun kamahal para di ka
magloko sana naawa ka nalang sken , sana inisip mo what would be the effect of
doing that to me. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa mo, bakit ba hindi
ko agad nalaman, tsss.. epic fail ako. Akala ko nung debut lang nagsimula ung
sa inyo nung girl na un, November
11,2012. Alam mo ung kaya di ko magets bakit ganun mo nalang ipagtanggol
un kung dun lang kayo nagkasama ng ganun. Akala ko ang malalaman ko lang e kung
ano talaga nangyari nung debut, un pala mali ako. Kung nababasa mo man ‘to at naiinis ka na sa
mga sinasabi ko at iniisip mong nagjump into conclusion na naman ako mali ka
dun, you know me, I always have supporting details bago maniwala. A friend of
yours, told me this: “yung si charm, chinichiks nya yun kahit nung
kayo pa tapos nung debut naman nakita nya si karmia, yun naman next na tinarget
nya.. bale pinagsasabay nya yung dalawa.” Ano ba dapat ko mafeel nung
sinabi yan sa’kin? Di ba nakakaloko sa pakiramdam. Ano gwapo ka para gawin un samin? Naisip mo ba ung
pakiramdam pag ginawa sayo yan ha? Kulang pa nga yan sa lahat ng nalaman
ko at di para ishare ko ng buo dito, kahit panu naman ayokong mag-iba ung tingin
ng iba sayo. Two months lang naging tayo nagawa mo
pa yan, grabe naman. Masakit na nga yan e, kamusta pa ung nalaman kung August
23,2012 pala nagstart ung “charm thing” na un. Nakasama mo lang sila sa
panonood ng UAAP, natripan mo na kaya pinahingi mo number agad number. Wow
naman, di pa nga tayo pala nun, September pa naging tayo e, so meaning lang
that early pa pala. I remember pa, sinabi ko sayo nun behave ka lang, aish!! Sana
pala sumama nalang ako nun, para di ka nakapaglandi. Masama pa palang bigyan ka
ng time to be with your friends. Bakit di mo nalang sinabi agad para sana hindi
ko giniveup ung NBSB title ko sayo, feeling ko kasi hindi na worth it.
Nakakainis, bakit ba hindi ko nalaman agad na nagloloko ka nun, kaya pala iba
nararamdaman ko pag nakikita ko sa inbox mo ung pangalan na un dati, I should
have listen to my instinct, kaya pala di ako ganun kacomfortable with it kasi
siguro there’s something going on. Ok let’s just say nung naging tayo naman di
ko agad nafeel na may iba na, I’ll just give you the benefit of the doubt about
it. Feeling ko di naman nagtuloy na nung naging tayo at nagbalik lang ulit nung
nagkita kayo sa debut. Sana ganyan nga, para hindi masyadong masakit sa part ko. Hindi ko alam kung bakit ba
ginawa mo yun, for keeps naman ako di ba? Kahit pano naman alam ko na there’s
something to be thankful for by having me, bakit di mo nakita un?
Sabi nila never regret the things that made you happy,
pero minsan nafifeel ko yan dahil sa ginawa mo. Alam mo ung feeling na andun pa
ung love pero wala na sa point na pag gusto mo may babalikan ka pa. Nung una, I
still hope na marealize mo kung ano ung pinakawalan mo tapos bumalik ka at ngaun
mas eager ako na mafeel mo yan, but this time I don’t want you back in my life, I just want you to be
sorry for yourself for not having the chance to have me again. Tinamarie
Baldemor ‘to oh tapos pinakawalan mo pa, tsss.. sana nakikita mo ung value ko,
kaso sino ba naman nga ako compared sa mga girls na un, they’re a lot more
prettier, ano pa laban ko. Sana mas pinapahalagahan mo ung pinagsamahan natin,
kesa sa mga ganda nila. I hope one day it strikes you how it feels not having me
around and regret it. Sana ganun kadali yan pero masaya ka naman sa ginawa mo,
at di ko nafeel that you ever cared for me mula nun at siguro enough na un para
mapamuka ko sa sarili ko na you’re not worth crying for.
Sometimes andun ung
feeling na sana nagstay ka nalang sa anong pagkakakilala ko sayo back then, na
hindi ko nalang nakikita ung ganyang side mo. Sa totoo lang ang selfish mo
sobra, siguro bata ka pa nga, there’s a lot of time for you to be matured for
at makakita ka din ng katapat mo at sana pag dumating ung time na un, marealize
mo na kung bakit hindi tamang manloko ng taong nagmamahal sayo. Hindi options
ang mga babae, hindi rin ginagawang reserved. Hindi lang naman kasi
ako ung niloko mo e, niloko mo din pati ung family ko who trusted you so much
para ipagkatiwala nila ako sayo. Kung hindi mo man gets kung bakit ganun sila
kaconcern sken pagdating sa love, intindihin mo nalang kung bakit naiinis sila,
kasi sinaktan mo ako e. Sabi nga ni mama sa mga kapatid ko, “Alam niyo namang
sa inyong lahat yan ung pinaka ayokong nasasaktan sa ganyan.” Si mama kahit di
ako tinatanong nun alam niyang in pain ako at alam ko masakit din sa kanya na
ginawa mo un sken. Sana pinahalagahan mo muna ung tiwalang un ni mama, bago ka
gumawa ng ganun siguro kahit panu nakonsensya ka, kahit un nalang e kahit wag
na ung trust ko sayo. Kung hindi ka nahihiya sa akin mahiya ka nalang sa
kanila, kasi kahit sila ramdam ko ung disappointment nila dahil sa nangyari.
Isipin mo ung happiness nila nung finally nagboyfriend ako, see how supportive
they are? Pagdating sa ganyan ako ung baby nila dito, kaya ganun sila kaconcern
kung ano nangyayari,kung ok ba tayo, nakita mo namang masaya sila for us di ba?
Kasi it was my first try at actually di ko gets bakit ingat na ingat sila,
pare-pareho lang naman kaming girls, siguro ayaw lang nila akong masaktan kasi
alam nilang weak ako. Yan ung gusto kong marealize mo dati pa, na kapag
sinaktan mo ako sinaktan mo na din sila. Don’t worry di nila alam ung buong
kwento, dahil alam ko na pag nalaman nila maaawa lang sila sa’ken at ayoko nun,
at dahil ayoko na ding masira ka pa sa kanila, tama ng sken nalang atleast
kahit panu kaya pa kitang intindihin. I wonder what if magkita tayo ulit or
makapag-usap, sasabihin ko pa ba sayo na alam ko na ung totoo o hahayaan nalang
kita na maniwalang nakalusot ung mga dahilan mo.
After all, kahit
sobrang sakit pang malaman na ganun nga thankful pa din ako kasi it pushed me
to the limit,kung saan alam kong tama na. Ung feeling na when I look back,
there's no hanging question on my mind kasi alam ko na ung sagot. There would
be no "what if we made it that day?" only "That's why we
never made it."