10 days to go May 05
na, and on that particular day 11 years na din mula nung umalis kami sa La
Union at iwan si papa. I am 11 years old that time and now I am twice of that
age. Gaano kahaba yan? Well, that was a half of my life, an equivalent to 11
long years of asking why did they have to separate, kung bakit hindi sila
nagkabalikan. I never failed to recall what happened on that date and no matter
how long it has been, the feelings never changed. Siguro kaya ayoko ng
goodbyes, siguro kaya ayoko ng iniiwan kasi I was able to experience one in my
life. Para sa isang anak, hindi mawawala ung mga tanong na paano kung hindi
sila naghiwalay, paano kung di kami umalis dun. Tanong ko yan noon na hanggang
ngayon tinatanong ko pa din. There were
so many questions left na siguro wala
naman na talagang sagot. Maybe there are certain things that you have to
understand not because you have the answers but because you have already
accepted the fact. Maybe that’s what I come to realize nung umuwi kami ulit sa
La Union, hindi na ako ung dating batang hindi naiintindihan kung ano ung
dahilan at kung bakit kailangang mangyari un. I am now this 22-year old girl
who has a better perspective about it.
Dati pag tinatanong
ako kung bakit sila naghiwalay, ang alam ko lang kasi palagi silang nag-aaway.
Kasi si papa ayaw ng ginagabi si mama sa pagseservice sa pagmamanicure. I have
few memories of those, ung tipong ako lang mag-isa sa bahay dahil ung mga
kapatid ko sinundo si mama then suddenly dadating si papa galing Baguio at
magagalit siya kasi wala sila. Then ipapalock niya sa’kin ung mga pinto para di
sila makapasok. Pag dumating na sila, start of those unwanted memories na naman
sa buhay ko. For sure kasi mag-aaway na naman sila, sometimes there are
physical one, and madami ung nagsasagutan sila, nagsisigawan. Madaming beses
kong nakitang umiiyak ang mama ko, ang mga kapatid ko, ako? I really can’t
remember kung umiiyak din ba ako nun o pinagmamasdan ko lang sila. I was really
that type of person, palaging walang reaksyon sa paligid, weird isn’t it? I
remember that one time na nag-aaway na naman sila at sasaktan ni papa si mama,
sasampalin niya ata un and ung apat kong kapatid nagsuguran kay mama and they
hugged her to protect her from papa and I was completely standing there
doing nothing but to watch them. Ilan lang yan sa painful memories na meron
ako. Minsan bigla nalang akong ginigising ng ate ko at sasabihin niyang
nag-aaway na naman si mama at si papa. Minsan magugulat nalang ako na umalis
akong okay pa sa bahay at pagbalik ko nag-iiyakan na sila. Dati hindi ko
naiintindihan kung bakit sila nag-aaway palagi. Akala ko nagsawa nalang si mama
sa palaging away na nangyayari, na napuno na siya kaya hiniwalayan niya si
papa. Naaalala ko pa un, Monday yun e at si papa bumalik ng Baguio dahil dun
ang work niya at nagulat nalang ako na iiwan na pala namin siya. I just can’t
imagine the pain my papa felt when he discovered it. Alam mo ung tipong bago
kami umalis, naiiyak na ako iniisip ko palang ung magiging reaksyon ni papa
pagbalik nia ng Wednesday ng gabi only to find out na wala na siyang pamilyang
uuwian sa bahay? Damn, that thought was really heartbreaking up until now. Ilang
beses din sinubukan ni papa makipagbalikan kay mama, pinupuntahan niya kami dito
sa Cavite para bawiin kami pero hindi pumayag si mama. There was a time na sabi
ni mama babalik na daw kami La Union kaso may kumontrang epal na nilalang na
hanggang ngayon sinusumpa ko, kung di dahil sa kanya siguro nabuo ulit kami.
Can you blame me na pag nakikita ko ung taong un dati, all I feel is that
hatred na dahil sa kanya nasira ung family namin? Pwede pa sana e, baka sana naging
buo kami ulit. Hanggang sa hindi na talaga ginusto ni mama bumalik dun,
hanggang sa napagod na din siguro si papa. Siguro kasi nasasaktan na din siya
sa pambabalewala ni mama sa kanya dati pag dinadalaw niya kami at naiitindihan
ko si papa kung bakit hindi na siya bumalik at dumalaw ulit sa’min. 2004un, new
year nian nung huli siyang nagpunta sa Cavite and that was also the last new
year in my memory that we celebrated together and after nun di na bumalik si
papa dito. Sumobra din kasi si mama nun, never niya man lang kinausap o pinansin
si papa. Nagkulong pa siya sa kwarto nung paalis na si papa at halatang ayaw
makipag-usap. Ayaiii, ayoko ng memory na yan talaga, too painful to recall.
Tanda ko pa nian, sa sobrang ayokong makita ung ginagawa ni mama kay papa nun,
naghugas ako plato habang sila ng mga kapatid ko magkakasama dun, lagi kong
nilalayo ung sarili ko pag ganyang moment kasi alam kong ako ung unang iiyak sa
harap nila at di sila sanay na ganun ako. That was the last time na dinalaw
kami ni papa dito and after 7 years dun ko siya nakita ulit. November 2011 nung
pinayagan na ako ni mama sumama sa mga kapatid ko umuwi ulit dun. Seven years
before seeing my papa again, and tumanda na siya at naiiyak akong isipin na ang
tagal nung panahong hindi niya ako nakita, up to the point na akala niya galit
ako sa kanya kaya di ako sumasama sa mga kapatid ko pag umuuwi sila dun. If he
only knew how much I yearned to see him, kung gaano ako naiinggit sa mga
kapatid ko pag nakakauwi sila at ako di pinapayagang sumama.
Then finally, this
April nakauwi ulit ako, nakita ko ulit si papa at mas tumanda na siya, mas
tumanda pa siya lalo, ampayat niya na din. Tapos sabi namin nung nasa Baguio
kami kain muna kami sa Jollibee tapos ang sabi niya “mahal naman jan anak” and
hinawakan ko si papa and told him “ok lang yan, ililibre ko kayo.” Naiiyak ako
nun na those simple things in life hindi man lang niya naeenjoy, na parang on
that very little way gusto kong mafeel niyang this time naman ako ang babawi sa
kanya, na ngayong may pera na ako pwede na namin siyang dalawin dun kahit hindi
niya sagutin ung pamasahe namin pabalik. Alam niyo ung no amount of money I
spent could amount to the fulfillment I felt and that happiness we brought to
him. Iba lang ung saya kapag nakakasama namin siya, ung parang napupunuan ung
childhood naming nawala. Then pagdating naming La union, he asked us kung ano
gusto naming kainin at siyempre puro gulay ang pinabili namin. Wala lang, I
really find it sweet for him na pagbigyan kami sa mga gusto naming kainin dun. Nung
andun kami ang lambing niya sobra, he kissed us before kami matulog na never
niyang ginagawa dati sken. We know naglalambing siya nun, kahit nakainom siya
nun at feeling ko talaga naglalambing siya sa’min lalo pag nakainom siya, we
understand naman kung lumalakas loob niya talagang yakapin kami pag ganun. And
I will never forget, April 16(Wednesday night) I kissed him on his cheek, that
was the first time na ginawa ko un sa kanya. Wala lang masaya lang ako that I
was able to, hindi talaga ako showy kay papa. Never akong nagging malambing sa
papa ko. Then Thursday morning ginising niya kami and he kissed us again, sarap
lang sa feeling na alam kong masaya siya na andun kami. Alam mo ung kahit
dalaga ka na, ang sarap lang sa pakiramdam ng nilalambing at binibeybi ka ng
papa mo. Every hug he gave me, ramdam ko kung gaano siya kasaya at kung gaano
niya kami namiss. Although very observable na mas malambing talaga siya sa
dalawa, masaya na ako na nilalambing na din ako ng papa ko, sa wakas. J Thursday din ata un nung binigyan ko
siya ng pabango, mahilig kasi si papa sa ganun, eee wala lang I know napasaya
ko siya dahil dun kahit simple things lang, alam ko naappreciate niya ng sobra.
Pinagluto niya din kami ng mga gusto
naming kainin which is puro gulay haha!! Then aun Friday night na, uuwi na kami
kinabukasan, we planned na ipagluto si papa. Dahil ang galing ko magluto pancit
canton lang alam ko kaya un ang niluto namin, buti may gulay din, at habang
nilalaga ko ung talbos ng kamote nagulat nalang ako nag-iiyakan na sila dun. Ok
left out na naman ako nun haha! Then aun pala, nagserious talk sa loob nun,
kasi nga uuwi na kami kinabukasan at alam kong nalulungkot si papa na aalis na
naman kami. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila nun sa loob, but the
moment na nakita ko si papa wiping his tears, hindi ko na napigilan ung sarili
kong umiyak. Nagbiro pa nga ako nun na di pa sila artista nag-iiyakan na sila
just to stop my tears from falling kaso wala e bumigay na din ako nun. My papa
will always be my tear-popper, kaya umiiwas akong magkaseryosong usapan kasi
alam kong iiyak lang ako. Tapos nung di ko na mapigilan lumabas ako ng bahay
kasi baka di na ako tumigil at sinamahan ko ung mga kaibigan ko dun, kasama din
kasi sila sa treat naming pancit canton haha! Aun niloloko pa nila akong pogi
daw ako pero napakaiyakin ko. Ewan ko ba pero nasasaktan ako pag nakikita ko si
papa na ganun, pakiramdam ko kahit di siya magsalita nararamdaman ko where he’s
coming from. At the same time naaawa din talaga ako sa kanya, for all the times
na wala ni isang anak niya sa kanya, na wala kami dun nung nadisgrasya siya,
nung akala ko mawawala siya, kung gaano kahaba ung time na hindi niya nagampanan
ung pagiging ama niya sa’min na kahit ganu niya itry bumawi we both know that
it will never be enough, kung paano niya kami hindi nakitang magdalaga ganun
din namin siya hindi nakitang tumanda. Nasasaktan ako pag naririnig ko siyang magsabi
ng thank you kasi dinalaw namin siya dun, kasi akala niya daw nakalimutan na namin
siya, na balewala nalang siya sa’min. At the same time, I feel guilty din
siguro kasi nasanay akong hindi magreach out sa kanya, ni kamustahin hindi ko ginagawa,
na masyado akong naghold back ng feelings pagdating sa kanya, na hindi ako
kasing expressive tulad ng mga kapatid ko. Ung parang it’s too late to realize
what I made him feel and it’s really too painful to see it with my own eyes. I
know sobrang nasasaktan si papa na pakiramdam niya nakakalimutan namin siya, I
can’t blame him naman ‘coz the truth is he has the all the rights to feel that
at ayokong dumating ung time na hindi man lang kami makabawi at hindi man lang
maalis sa papa namin ung pakiramdam niyang un. I’m sorry papa kung naging selfish
akong intindihin kayo dati, na nakaramdam ako ng tampo sa inyo nung hindi na
kayo dumadalaw dito, inisip ko nun binalewala niyo kami e, na hindi niyo man
lang punan ung responsibility niyo sa’min. Nakalimutan kong masakit din sa inyo
ung ginawa niyo, na mas masakit sa inyong tiisin na hindi kami makita, na mas
masakit sa pakiramdam niyo na akala niyo binabalewala namin kayo, na ayaw namin
kayong makita. Hindi ko alam kung ano ung pinag-usapan niyo nila lala at yel
nung nagkakaiyakan kayo dun sa loob, hindi dahil sa wala akong pakialam nun
kaya hindi ako sumama pero kasi ayokong makita talaga kayong ganun, hindi ko
talaga kaya un. Then aun nga, Saturday
na at uuwi na kami. Kung pwede lang sanang magstay pa dun, kung sana ang isang
araw hindi lang 24 hours, sana mas mahaba pa ung time na makasama namin siya.
Then nung hinatid niyo na kami sa loob ng bus nun, di na ako tumitingin sa inyo
kasi ayokong makita ung muka niyo, I don’t wanna see that sadness in your eyes again
kasi weakness ko un e. Ayoko nung pakiramdam na iiwan na naman namin kayo, at
mag-iisa na naman kayo. Then pagbaba nio nun, sabi ko sa kanila “dapat dalasan
natin pagdalaw kay papa e” then I wasn’t able to add more words kasi umiyak na
ako. Para nga kaming tangang nag-iiyakan nun e. Then pinabasa ni yel ung part
nung sinabi niyo sa kanya nung nagkakaiyakan kayo nung gabi nun, “mahirap lang
kasi ako kaya ayaw sa akin ng mama niyo. Malalaki na kayo ngayon, mas
naiintindihan niyo na…” That broke my heart. That caused more tears on us. Those
simple words na anlalim ng ibig sabihin, that when you think of it, you’ll
realize na jan lahat nagsimula kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami. Si papa
kasi kuntento na sa simpleng buhay na meron kami dati, si mama naman hindi,
kaya siya nagttrabaho pa ng extra which is hindi nagugustuhan ni papa. Si mama
kasi. she wanted a better life for us, for our future, not like papa who’s
contented kung ano ung status ng buhay namin. Hanggang sa naging ugat na din un
ng mas malalim na dahilan para tuluyan silang maghiwalay.
Siguro nga tama si
papa, malalaki na kami at mas naiitindihan na namin. Masakit man na hindi kami
lumaking may buong pamilya, pero siguro may purpose kung bakit. As simple as
wala sana ako dito,at hindi niyo ako kilala kung hindi sila naghiwalay. Siguro
hindi ako nakapag-aral at nakapagtapos ng college. Siguro hindi ganito ung
naeexperience namin sa buhay, but if I could trade everything I have right now
to have that complete family again, I probably will--- no buts and second
thoughts. Pero eto ang reality, magkahiwalay sila at broken family kami. What
important is to see what’s good in it, dahil hindi naman lahat nag nangyayaring
pangit sa buhay mo ay para masaktan ka lang, lahat yan para matuto tayo and
maybe this is God’s way of bringing his lesson to us. And I guess with what
happened to them, they are both now a better person, a better parents to us,
hindi nga lang sila magkasama.