pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Sunday, November 27, 2011

good for ONE YEAR :]

                       NOVEMBER 25, 2011 official one year na kami.. Official kasi NOVEMBER 25,2010, yun ung first time usap namin, sa chat pa nian at eto ung time na sure kaming kilala namin ang isa't-isa. As what I've said to him, eto ung simula ng lahat, ng buong kwento namin.


                      One year na pala yun, ambilis at andaming nangyaring changes, actually lahat nagbago. Sabi nga namin ni Dhine "nangyayari pala talaga yun." Relate natin sa LOVE CYCLE ang kwento kasi almost ganun naman talaga ung nangyari sa'min except sa naging bf/gf nga.


        Within one year nagyari lahat yan, dumaan din kami sa ganyan, nakakatuwa. Stranger->friend->bestfriend/closefriend->love???->MU daw sabi nila-> heartbreak->strangers ulit. Akala ko yung cycle titigil nalang dun sa STRANGERS AGAIN ang drama, happy kasi natapos ung one year na friends ulit tayo. Pahabol pa talaga si papa god sa exact date na yun.  Akala ko ung day na yun it would end up like that, yung tipong "start na ng one year ng lahat, ang korni ganito nalang pala lilipas ung araw na 'to" tapos surprises nga naman ni papa god nagpunta ka ng school tapos di ko alam pero nakaya kitang pansinin sa harap nila at nagawa nating magusap ng normal, walang ilangan, tumabi ka pa sa'kin sa upuan. Nakakatuwa na possible pa din palang mangyari yun, kahit panu di na tayo conscious na andaming tao who would watch our action. Namisss kita, namiss ko yung kaibigan ko. :)

                Back sa love cycle, it quite funny na dati wala naman akong pakialam at wala din naman akong alam sa mga ganito. May ganun pala talaga sa buhay, ung kwentong napapanood ko lang, ung tipong ung taong nasanay ka na laging anjan bigla nalang magbabago tapos akala mong walang pinagsamahan. It hurts to feel dumped by someone you value so much, pero aminado ako na may nagawa din akong mali para umabot pa tayo sa ganun. Napakaimmature ko kasi, insensitive, at siguro nga I expected so much from you at hindi mo nameet yun kaya ganun. I never thought na magiging ok pa ulit tayo, andami na din talaga kasing nangyari, pero pwede pa din naman palang maging friend ulit, nangyayari din pala yun. Kailangan lang maging OK kayo pareho, pag wala na ung PAIN at anjan na ung ACCEPTANCE.

                 New phase na ng kwento, FRIENDS ulit. :)) Kahit di na tayo tulad ng dati, happy ako kasi the only thing that i wanted to keep, the friendship, was retained. Yun lang naman ung gusto ko kahit nun pa e. Naging special ka nga pero hindi enough yun para isacrifice ko ung friendship na meron tayo. Minsan natatawa pa din ako sa dahilan mo, nakakainis din kasi ganun kababaw para magbago lahat ng meron dati. Ang feeling ko nun, di ba enough na di ko pinansin kung anumang meron tayo dati kasi ayokong may magbago tapos ganun din naman pala. Sometimes, I still miss the way we used to be, pero alam mo ung alam ko na sa sarli ko na hanggang reminisce nalang ako, acceptance nga di ba? :] Kapag nakikita ko how much I've been better mula nung April, masaya ako kasi nagawa ko yun. Di na ako ganun ka-weak. Proud ako kasi nagiging matured na ako in dealing with things at utang na loob ko yan sayo at sa mga nangyari.

                 Advance anniversaries sa mga moments pa natin. :)) Naiisip ko nga, kung ganun pa din tayo, panu kaya? Siguro pag naalala natin mga pinaggagawa natin dati matatawa nalang tayo at mag-aasaran sa kakornihan natin, ansaya sana. Ayan nabubuhay na naman ang mga WHAT IFs ko, ikaw kasi talaga e, pinuno mo ako ng madaming first time nun. Bukod-tangi ka kasi, lahat ng nangyari at mga ginawa mo nun. Ung kwentong meron tayo na andami kasi atang nanguna sa kung anong mangyayari, telenobela ang dating? haha.

              Sweet nga siguro ung kwentong nagsimula sa friendship, ung part na nagiging matino ung guy dahil sa girl, kaya ganun sila magreact nun. Sabi nga ni Kaye "pag anjan ka naman, nagbabago siya". Haaay, everytime i hear things like that, ung feeling na nakita din pala nila ung changes in you dati it made me feel fulfilled na kahit panu nagawa ko yun. Sabi nila nakakakilig daw ung kwentong friends-to-lovers pero pag ikaw ung nasa sitwasyon ang hirap din pala kasi nasayo ung options. 
              When you choose friendship over love tulad ng ginawa ko, mahirap din kasi kapag nawala andun ung regrets mo. Andun ung hindi ka clear kung naging ano ka ba sa kanya, kahit alam mong special ka, iba pa din talaga ung nagkalinawan kayo. Dapat may limitation ka din, at un minsan ung ayaw ko kasi un kadalasan ang simula ng mga tampuhan, nakakalimutan naming hindi kami magboyfriend. Minsan pinag-aawayan namin ung mga nonsense na bagay, na di naman dapat pag-awayan ng normal na magkaibigan. Ang awkward din na you both acting something special tapos di niyo pag-uusapan kung ano na ba meron kayo kahit alam niyong more than friends na kayo. Sabi nga nila MU daw.
               When you choose love over friendship, pag nagbreak, sayang lang lahat ng pinagsamahan niyo at damay na dun ung friendship. Siguro eto din ung dahilan kung bakit nakuntento nalang kami sa kung anong meron kami dati, no assurance, pero andun ung commitment, un nga lang limited kung ano pwede mong idemand. Andun lang kami sa comfort zone, kumbaga playing safe. Saka andami kasing nakaabang sa kwento nun, sa dami ng mga boto sa kwento nakakapressure gumawa ng moves.
               When you choose to give up both like what he did, in my perspective lang yan sa ginawa niya, unsure kung ganun nga. Eto siguro ung pinakamahirap na choice kasi aware ka na may mawawala sayo. Ang selfish ko nga kasi nung nangyari yun, bonggang tampo at super sama ng loob ung nafeel ko. Feeling ko kawawa ako that time, so damn stupid na ganun2 nalang. Ano yun ganun ba ako kaunworthy, nakakaloko lang kasi. Pero nung tumagal naisip ko mas mahirap sakanya kasi di niya din naman ginusto yun---na masaktan ako at alam ko nasaktan din yun. Makapal na muka ko pero may right naman ako para sabihin yun, di naman ganun2 lang ung nangyari para di siya maapektuhan. Worst,nasakanya ung burden kasi siya ung pumili ng path nung kwento. Ang unfair ko pa na dinagdagan ko lng ung guilt na nafifeel niya kasi nakikita niya na hindi ako ok sa nangyari. 

              Kahit madami pa ding questions kung ano ba talaga ung nangyari. Malayo man 'to sa happy ending na tulad ng ibang kwento.  Kahit andaming nanghinayang na hindi nga tayo naging ganun. Hindi man eto ung expected ng iba na mangyari sa'tin, happy ending pa din naman di ba?? kasi friends na tayo ulit. This time pure friendship, nothing less, nothing more. :))

Saturday, November 19, 2011

para po sayo 'to :)


It doesn't matter who my father was; it matters who I remember he was.
- Anne Sexton

                Ang papa ko? Hindi siya ung ideal father na tulad na nakikita sa mga palabas.Siya ung tipong super strict at seryoso, nung bata ako tanda ko lagi akong takot sakanya lalo na pag meron akong nakakalimutang gawin sa mga utos niya. Ako yung lagi niya inuutusan magpakain nung mga alaga niyang manok (take note, alam niya kung nagskip ako ng pakain at pagpapainom sa kanila), maghanda ng susuotin niyang pambahay pagtapos maligo, magsindi ng sigarilyo niya, magtimpla ng kape, magbunot ng puti niyang buhok pati baby balbas at bigote, pati na din magtanggal ng balakubak niya sa ulo, kumbaga ako ang kanyang secretary. :) Pag lasing yun ako din ung nagpupunas at nag-aasikaso sakanya, minsan tinatawag niya pa pangalan ko, pag lasing siya kinakabahan na ako baka kasi mag-away na naman sila. Madalas pa nian pag nagsuka siya pati ako nakikisabay din, arte ng sikmura ko e. Madalas din siya makatulog kapag pinapalaro niya ung ulo niya, at dati naiinis ako kasi di ako makapaglaro kahit tulog na siya kasi nakahiga siya sa lap ko. Hindi ako malapit sa papa ko, loner na kasi ako bata palang ako. Madalas nun ako pagalitan pag sobrang gabi na tapos gising pa ako at nanonood kasi nga ako nalang naiiwan sa sala namin. Sasabihin nun "Rhea patayin mo na yung tv, bukas hirap2 mo na namang gisingin." ako sasagot lang ako ng oo, pero di ako nasunod kasi trip ko talaga magpuyat kahit noon pa lalo na pag friday ng gabi. Minsan pa magigising siya ng magigising kasi ang ingay ko kakatawa sa pinapanood ko, bubble gang yun. Madalas din gawin ni papa dati, bubuhatin niya ung higaan ko tapos ibibilad na ako sa arawan nun, kasi ang hirap ko talaga gisingin dati. May dalawang way lang para magising ako, una pag tinatanggalan ako short at pangalawa pag naiinitan na ako sa labas. haha!

               Ang childhood ko, wala akong memories na super malapit ako sa kanya, kasi ang childhood ko di naman tulad ng typical na bata na puro laro ung ginagawa. Kaya din siguro ganito ako ngayon kasi madalas ako mag-isa dati. Ang dalawa kong ate magkasunod sila kaya sila lagi magkasama, ung dalawang kasunod ko magkasunod din kaya sila din yung madalas kasama nila mama at papa. Ang tanda ko, mula grade 4 ako naging ganun na. Highschool na kasi ung dalawa kong ate nun. Tuwing uuwi ako nun galing school may nakasulat na agad sa pinto namin "Rhea, dito kami ng papa at mga kapatid mo sa laud(sa baba yan, dun sa lola at mga pinsan ko) ung baka nasa abagatan(kanluran yun, mejo gubat na bukid dun) ipastol mo, painumin mo din ng tubig." Ganyan ang welcome note sa'kin lagi, medyo nakakainggit din na sila magkakasama tapos ako ayon kapiling ng aming baka. Ganun halos lagi kong gawain pag pauwi, kaya madami akong memories na ako lang at yung baka nakakaalam. :)) Kailangan pag ganun mabusog ung baka dahil kung hindi patay na naman ako, ilang beses kaya akong nasaktan dahil sa ganun. Madalas din ako maiwan sa bahay mag-isa lalo na pag nagmamanicure mama ko at gagabihin siya, lahat ng mga kapatid ko susunduin siya at ako ang maiiwan sa bahay. Wala ang papa ko nun kasi nasa work sa Baguio. Dahil sa mga ganun, madalas akong ma-out-of-place sa bahay. Meron pa nun umaga tapos dinala ko muna ung baka sa abagatan, tapos habang pauwi ansaya ko pa nun, nakanta pa nga ako e. Pagdating ko ng bahay antahimik nilang lahat tapos ako walang idea kung bakit, kanta pa din ako tapos inaya ko pa sila kumain nun. Yun pala nag-away na ung mama at papa ko, sinampal pa daw ni papa tapos binasag ung mga gamit niya sa pagmamanicure at ewan ko pa kung anong klaseng commotion ung naganap kasi pagdating ko mejo kalmado na ang lahat. Meron ding nakita sila nun ni papa sa bahay ng pinagmamanicuran ni mama, e biglaang uwi ni papa, ayon galit much si papa, ayaw nia kasi ung ginagawa ni mama nun. Pagdating niya bahay e di gulantang much ako,yun pala gulo na naman ung nangyari, pinasarado sa'kin ni papa lahat ng pinto nun at wag ko daw papapasukin sina mama at siyempre patay ako pag nakapasok sila. Minsan ipit ako sa sitwasyon. Madalas ko makita na magkaaway si papa at mama. Si papa feeling ko dati lagi magagalit kaya takot ako dun.  whew! ilan lang yan sa dahilan kung bakit di normal ang childhood ko.

             Balik na kay papa ang topic, despite naman sa pagiging istrikto nia nun may ilang bagay akong di makakalimutan sa kanya. Dati binigyan niya ako alagang manok, PANDAKA ung name niya kasi hindi siya nalaki kahit lahi siya ng mga malalaking manok, binigay niya sa'kin yun kasi kasing liit ko daw. :) Ako lang meron nun kasi ako naman nag-aalaga sa mga manok niya. Nakarating pa dito sa Cavite si pandaka kaso si mama binigay dun sa magbobote :( Pinagmamalaki niyang kakulay niya ako, kasi saming magkakapatid ako ung pinakamaiitim at pang-asar niya yun skin lagi. Kahit di active yun sa school, siya lagi umaakyat sa stage para sabitan kami ng medal. Meron pa nung nagkatampuhan sila ni mama nun, siya ung namalengke, natuwa ako nun kasi nakita ko ung soft side ng papa ko at ang kyut niya lang mamalengke, bingo tuloy ulit kay mama.
Isa sa pinakasweet na bagay na ginawa ni papa, nung una naming uwi ulit dun magkakapatid na hiwalay na sila, Christmas vacation yun year 2003, isang araw lang kami dun. Tapos siyempre limas na pera nun pamasahe palang namin pauwi nun pati binigyan pa si mama. Nung andun na kami nagrequest sila nun gatas kaya ayun ung 40 pesos pinambili niya ng gatas namin. Then dumating ung maniningil ng kuryente, 70 pesos ung bill e nsa 50 pesos nalang ung natira sakanya nun. Sabi niya nun "pambayad ko sana kuryente ung natira kong pera e, nabawasan pambili ng gatas." Super touched ako nun kasi di niya sinabing pambabayad niya pala dapat ng kuryente un pero binili nia pa din kami ng gatas. ayai, nakacrylalu naman ako tuloy. At yung summer vacation namin dun, almost one and a half month, un ung last na punta ko nun na bata pa ako. April-May 2004. At yun ung last moment ko as a child sa province namin. Eto ung tumakas kami nun kasi ayaw kami pabalikin ng Cavite, I understand why my papa had done it, kasi walang matitira sa kanya that time, all he wanted was kahit man lang sana may matira sa kanya dun. December 31, 2004 dumalaw siya sa'min dito and i would never forget how my mother ignored him at un ung pinakamasakit na part sa'kin. Imagine we celebrated new year na parang wala lang siya dun,binati niya kami lahat except kay papa at alam ko kung gaano kasakit for him na balewalain siya ni mama nun and i admit na galit ako nun kay mama, ang unfair lang kasi. Nung natulog nun, tinabihan ko pati ni lala si papa sa sala, we don't want him to feel alone kasi that time. Then nung morning nito, it was the last time that i saw him cried. Babalik na nun siya ng province tapos nagpapaalam na siya kay mama tapos si mama ni ayaw man lang siyang harapin at labasin, andun lang siya sa kwarto at nakakainis yun. Ako naghugas ako nun, alam ko kasing iiyak lang ako pag nakita ko ung nangyayari, kahit boses palang ni papa naririnig ko nun naiiyak na ako at iniiwasan ko siya makita pag aalis siya kasi di ko talaga kayang pigilan ung iyak ko. Ayoko kasing makita niya na umiiyak ako. Ako yung huli niya nilapitan nun, niyakap niya ako habang naghuhugas ako ng baso, hinayaan ko lang siya nun tapos iyak na ako ng iyak at ayoko na siya tignan nun tapos binulong niya sa'kin "alis na ako ha, mag-aaral kang mabuti." Di ako sumagot nun, never ko siya nilingon nun kahit alam kong paalis na siya kasi iiyak lang ako lalo. bakit ganito, same pa din ung sakit pag naaalala ko at di para nakikisimpatya ang mata ko ngayon. )):

             Then this year, after almost seven years, nakita ko ulit si papa. Anong pinagbago niya, tumanda na siya at pumayat pero mas masaya na siya ngayon. Nung andun kami, napansin ko na malambing siya kina lala pero sa'kin distant siya kasi di naman talaga siya close sa'kin dati. Si papa joker din pala, lagi siyang nagjojoke nung andun kami, siguro kasi masaya din siya. Sa kanya pala ako nagmana ng pagkanta ng wagas, kasi pag kumanta siya damang dama din kahit di maganda boses, at ganun daw ako sabi ng mga kapatid ko. Madami na akong hindi alam sa papa ko,at siya din naman samin. Di niya na alam kung ilang taon na kami pero alam niya bday namin. Ung simpleng di ko pagkain ng seashells di niya din alam. It made me think, gaano kaya kadami ung hindi niya pa alam. Ni hindi niya kami nakitang magdalaga lahat, nakakasad na wala siya nung mga time na yun. Ako particularly 13 years old ako the last time i'd seen him, tapos 20 years old na ako nung makita niya ulit. Yung anak niya dalaga na.
Kung kaya ko lang sana sabihin 'to ng personal:
              Papa, si rhea po dalaga na.Di na po ako ung batang lagi niyo napapagalitan kasi pasaway, level up na din po pagkatao ko. Andami niyo pong namiss na mahahalagang events sa buhay ko at lahat ng yun lagi ko winiwish na sana andun kayo. Nung sinabitan ako ng medal nung grade 6,pati nung high school, sana kayo pa din ung kasama kong umakyat sa stage. Nung graduation ko nung high school, sana po nakapunta ka para narinig mo magspeech ung anak mo sa harap na madaming tao. Sa lahat po ng mga simpleng achievements ko sana isa kayo sa naging proud sa'kin at siguro pag nafeel ko yun, dun ko masasabing fulfilled ako. :)
             Sa lahat ng pasko, new year, birthdays, father's day, sa lahat po nung time na di ko kayo nakasama para icelebrate yun, gusto ko lang po malaman niyo na never ko kayo nakalimutan. Sana dumating pa ung time na magkakasama ulit tayong icelebrate yun.
            Alam niyo po ba, naiinggit ako lagi pag nakakakita ako ng ibang tao kasama ang papa nila, feeling ko ang swerte nila. Sana andito kayo nung teenager pa ako. Sana andito kayo para pagsabihan ako na umuwi na maaga, wag magpapagabi, at mag-aalala kapag gabi na tapos wala pa ako. Sana andito kayo para pagalitan ako kapag mali na mga ginagawa ko. Nung nainlove at nabroken ako sana anjan kayo para bigyan ako ng father's advice. Sana may nagtatanggol sa'min, kahit ung feeling lang na safe kami kasi andiyan kayo.Sana po andito kayo kapag nagdala ako sa bahay ng first suitor ko. Wish ko yun e, na kayo ung haharapin niya, at gusto ko po pag nagkafirst boyfriend ako andito kayo at sayo ko siya unang ipapakilala. Pag grumaduate ako ng college, punta po kayo ha?? Ung sinabi nio sa'kin nung huli na bumalik ako, gagawin ko po yun at sana this time mas mahaba pa ung time.
           Alam ko akala niyo ayaw ko na kayo makita, sorry po kung yun ung naramdaman niyo nung di ako nakakasama sa kanila pag nauwi jan. Hindi po talaga ako busy, ayaw lang ni mama na umuwi ako jan dati, sorry po kung nafeel niyo ayaw ko na sa inyo. Gets ko po kung bakit ganun kayo nun, medyo distant sa'kin, di niyo lang po alam kung gaano ako naiinggit sa kanila pag nilalambing niyo sila pati pag niloloko. Sorry din po dahil di ako showy, mahirap po talaga sa'kin na magpakita ng emotions sa iba. Sorry po kung minsan nagtatampo ako sa inyo, feeling ko kasi nakalimutan niyo na kami. Sorry dahil wala po kami jan para alagaan ka, at wala kami nung time na kailangan mo kami. Ang hirap po lumaki ng walang papa, may part po sa 'kin na alam kong kulang at alam ko pong mas mahirap ung sitwasyon niyo kasi nawalan ka din ng chance maging father di lang sa'kin kundi sa'ming lima. Minsan iniisip ko, kung andito kayo hindi siguro ganito kalaki yung emptiness na meron ako pero alam ko pong mas malaki yung nawala sa inyo. Thank you po kasi lahat ng ginawa at tinuro niyo dati, part po yun kung bakit ganito ako ngayon. Thank you po sa love at higit sa lahat thank you dahil kayo ung po ung naging papa ko, hindi din ako magiging ganito kung di dahil sa inyo. Proud po ako kasi si Romeo Baldemor ang papa ko. :))  Miss ko po kayo lagi.


pic namin ni papa
naglambing lang ako nian :)
        

Thursday, November 17, 2011

after 7 years :))



OCTOBER 30,2011


         - sa wakas pumayag na din si mama na umuwi ako ng province. Nung nagpapack ako ng damit, super excited ako talaga. Makakauwi na ako ng province after 7 years din tapos makikita ko na din yung mga tao dun na i admit naman di ko na tanda mga mukha. 8:46 pm nakasakay na kami ng bus going to La Union, wee!!!8:53 pm gora na ung bus, nung time na yun iniisip ko lang ano na kaya itsura ng La Union, ung papa ko kaya magiging happy ba siya pag nakita na ako, mga ganyan kaya siguro di din ako nakatulog sa byahe nun. :D


OCTOBER 31, 2011
picture namin sa loob ng jeep :)


 - ayun, nakarating na kami La Union  around 2:13.  Eto na yun 2:19 AM nakita ko na si papa. Malayo pa siya nung nakita ko, tapos tinuro ko pa siya sa mga kapatid ko. Ako huli nun tapos si papa sinalubong kami tapos unang-una niya akong nilapitan tapos niyakap niya ako mejo tapos pinisil niya ung tenga ko. That time naiiyak na ako nun, xiempre pigil lang, di para lumabas ang kadramahan ko that time. Then ayun sumakay na kami jeep at umakyat na kami ng bundok. ang happy ko lang nun, ung feeling na nandun ako ulit sa place kung san kami lumaki, basta!! tapos ayun nakarating kami bahay, nalito pa nga ako nun e, di ko nakilala ung bahay namin, nag-iba kasi itsura nung labas, tumaas ung lupa. Pagpasok ko ng bahay alam mo ung feeling ko lumiit lahat ng bagay dun, pati ung bahay. Nakakatuwa kasi anliit ko pala dati at antagal ko pala talagang di nakauwi dun para ganun kalaki ung paninibago ko, iba kasi ung naiwang image sa isip ko e.
pic namin papunta sa baba
 - gutom nun sina Lala kaya pinakain kami, e ako busog nun tapos pinipilit ako kumain ni papa tapos ang ulam halaan, natawa ako nun kasi wala siyang idea na hindi ako kumakain nun, sabi ko pa nga nun "di na talaga ako kilala e, di kaya ako kumakain nian." Tapos nian natulog na kami. zzzzzzzzzzzzzzz. ;)) tapos almost 10 ata yun ginising kami. kain na daw breakfast, yiee sabay2 kami nian, ansaya kasi ginagawa din namin yun dati e. Iba talaga pag sabay2 kayo, ansarap pagmasdan. Tapos nun antok pa kami ayun at nakaidlip kami konti tapos mga 12 ginising na naman kami ni papa at lunch na daw, ayaw pa nga namin magsibangon nun e, haha!! ayun at wala kami nagawa, dapat kasi sabay2 kumain ang pamilya. haaaaaaaaaay ansaya talaga, ganyan lang naman kasimple ung iniexpect kong meron kami ee, sana . Nung nakaupo kami nun sa sala, papa ko kagigising lang, paglabas niya kwarto lumapit siya sa'kin tapos humiga siya sa lap ko, buti nalang marunong ako magpigil ng luha. xiempre tinignan ko agad ang time nun. Dati kasi ugali yun ni papa e, hihiga sa lap ko tapos papatanggal siya puting buhok o kaya papalaro ng ulo para makatulog. nung time na yun, ewan ko ba pero ang saya ko lang talaga, antagal ko kaya winish na mangyari ulit yun. Tapos nun mga bandang hapon pumunta kami sa bahay ng lola namin, naligo muna kami at nakaligo ulit ako dun sa shower-showeran naming gripo dun, ansaya, feeling ko nun bumalik ako sa pagkabata. :)) 
ung manok na kinatay namin
then ayon nagpunta na kami dun ayon at pagkakita sa'kin ng lola ko, patakbo pa nga siya nun e tapos niyakap ako. (umiyak kasi yun dati, bakit daw lagi akong wala.) Kakatuwa, andami nakamiss sa'kin dun. Nakita ko din mga pinsan ko dun, grabe anlaki na nila, ung iba matangkad na sa'kin. haha!! Saglit lang kami dun, madilim na kasi at di para paakyat pa ang daan pauwi sa'min. Nung andun na ulit kami sa bahay nagkatay sila manok para sa dinner at siyempre umeksena ulit ako, namiss ko kaya mga ganung gawain. Tapos kumain ulit kami sabay2. Then natulog na.




NOVEMBER 01, 2011
          Araw ng mga patay. Nakadalaw ulit ako kay lolo after 8 years at nakasama ko ulit mga kamag-anak namin dun. Naglakad din kami nun pababa ng bundok. wehehe!! ayun paguwi namin nun sumakay kami jeep, tapos ung mga tao nalilito na sa mga muka namin, twice pa ako napagkamalang bunso, tapos ung ibang tinuturo ni papa di ko na kilala. waha!! Bago pala yun nagpunta kami dun sa public restaurant dun at natikman ko ulit ang halo2 nila na super gusto namin dun. 








lakad pababa

sa cemetery






halo-halo,yumminess






Then ayun nakauwi na nga kami nun. kain ulit sabay2.. tapos bangdang hapon nun, nagpunta mga pinsan ko sa house tapos nag-inuman sila. Bandang pagabi na nun, gumala pa kami magkakasama.. Sabi ni papa nun " wag kayo masyado pagabi ha" natuwa ako nun, naisip ko kasi sana nasasabi niya yun samin lagi. Then kinagabihan natulog ung 2 kong pinsan sa bahay, wee ganun kasi sila dati.. Tapos natulog na kami.



NOVEMBER 02, 2011
           Pumunta kami nito ng BAGUIO. First time ko yan. kasama sina papa, ate pinsan, kapatid, saka stepmother namin. Super ganda ng sceneries papuntang Baguio, super fascinated ako as in. Then ayun nagpunta kami sa lourdes grotto muna. Nagpray kami dun, that time wala si te bernz( stepmom) nagluto siya for our lunch, sweet noh?? :)) Then next stop BURNHAM PARK wee!!! ayun dun kami nagpicnic.. Para lang siyang normal na park maliban sa nasa Baguio siya, haha!! hinintay lang namin nun si te bernz tapos kumain kami dun sa damuhan, pwede kasi dun yun.. ang enjoy ko nun, alam mo ung feeling na ansaya ng family namin. Dati never nangyari samin yun. Iniisip ko nga kung ganun kaya kasweet si mama maghihiwalay sila?? Nakakainis kasi feeling ko nabubuo ung childhood ko sa nangyari, un lang naman ung kulang sa'kin e ung feeling na happy family kami, yun nga lang sa ibang tao ko pa nafeel ung ganun kaasikasong mama. Pagtapos nun, MINES VIEW.. eto ungsuper enjoy dahil sobrang lakad ung inabot namin at nagkandalito pa kami kung saan ba talaga.. laughtrip kami niyan e, buti nalang super cold nun, di ako pinagpawisan kahit anlayo at pataas ung daan. Dito na din kami bumili ng souvenirs. :)) Then ayun balik na kami La Union, this time kami nalang nila ate saka ung pinsan namin umuwi, sina papa naiwan na sa Baguio, may work na daw kasi siya.
OTW to Baguio
Lourdes grotto


mine's view
burnham park


NOVEMBER 03, 2011


  - time to say goodbye na!! ayai ansad ko nito. Kulang pa ung time, gusto ko pa magstay dun. Sa baguio na kami sumakay kaya ayun nakita pa kami nila papa. Dun ulit kami sa Burnham park nun, 12 pa kasi ung biyahe ng bus going to Cavite nun e around 9 andun na kami. Waitng din kami ke ate bernz nun kasi pinagluto niya daw kami foods para kahit yun lang naman daw mabigay niya, haaay ewan ko ba pero nakikita ko answerte ni papa sakanya tapos super niya din kami alagaan nun. Then ayun pagdating niya kumain ulit kami sabay2, wee family picnic ulit ang dating. Tapos nun nasasad na ako nung papunta kami bus station, alam mo ung last minute na naman na kasama ko si papa. Pagdating namin Bus station sabi kakaalis lang daw nung bus, ang happy ko nun kasi kahit panu extended pa ung time. Iniwan muna namin ung mga bagahe dun tapos ginawa ni te bernz pumunta muna kami simbahan, nagpray kami :) tapos punta SM Baguio.. Dun kami nagpalipas ng time tapos bandang 2 bumalik na kami, eto na ung saddest part. ayun meron na ulit bus going to Cavite. Pagpasok ko ng bus nun happy kunwari pero pigil luha na tlaga ako nun as in. Tapos si papa pagkahatid nila ni te bernz samin sa loob bumaba na sila. Tinitignan ko lang sila nun while they're waiting na umalis ung bus. you know what's running on my mind that time, kung kelan kaya mauulit yun. Akala ko it will just end up like that, ung tipong aalis na lang tapos i'll just wave my goodbye. Naririnig ko nun yung konduktor nagkacountdown ng time, 15 minutes nalang aalis na, 10 minutes, 5 minutes na.. ayon na nga!!! lalalalalalalalala, the most hated part of it. Bumili sila nun softdrinks tapos si papa pumasok ulit sa bus at alam ko na ang susunod na scenario. Una xa lumapit kay ate, inabot ung softdrinks  tapos i saw him hugging bunso, tinginan na kami ni lala nun tapos sabi ko "ayan na naman si papa" tapos both of us teary eyed na. ako pala umiyak na as in, di ko na mapigilan nun. Tapos niyakap niya na si lala, tapos nung ako na, tinignan ko pa siya masama nun, kasi di ko na talaga mapigilan ung iyak ko nun ee sabi ko pa kayo kasi ee tapos sabi pa niya, translated in tagalog na " bakit ka naiyak? bumalik ka ha." tapos niyakap niya ako narinig ko pa sabi nila Lala nun "antagal niya kasi di umuwi e." Bumaba agad nun si papa tapos ako di na mapigil ung iyak ko nun, nagbbye din ako kay ate bernz tapos halata ko nun naiiyak na siya kasi di na makatingin samin.  2:36 pm umalis na ung bus, muka akong tanga nun as in, di ko mapigilan ung iyak ko nun tapos nagtext si papa kay ate pinabasa samin, sabi umiiyak nga daw si te bernz tapos kaya daw siya bumaba agad kasi naiiyak na siya nun, e di iyak ulit kami ni lala nun. Grabe talaga ung iyak ko nun, kahit nasa byahe na tapos maaalala ko naiyak ako almost two hours sa biyahe.


ung church

yan lang naman ung nangyari.. ung four days na yun, super saya ko talaga. Nung mga time na yun wala akong naisip na kahit anong nakakapagpasad sa'kin, ni hindi ko namiss ung Cavite. Yun lang naman ung antagal ko hinintay e, ung makauwi ulit dun tapos makita si papa, masaya na ako dun. Alam mo ung feeling na parang kumpleto ka ulit, na kahit panu ung missing part na yun sa buhay mo kahit panu hindi na empty,. :))
next blog. all about kay papa lang.  PAHABOL: sabog noh?? haha.