pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Saturday, November 19, 2011

para po sayo 'to :)


It doesn't matter who my father was; it matters who I remember he was.
- Anne Sexton

                Ang papa ko? Hindi siya ung ideal father na tulad na nakikita sa mga palabas.Siya ung tipong super strict at seryoso, nung bata ako tanda ko lagi akong takot sakanya lalo na pag meron akong nakakalimutang gawin sa mga utos niya. Ako yung lagi niya inuutusan magpakain nung mga alaga niyang manok (take note, alam niya kung nagskip ako ng pakain at pagpapainom sa kanila), maghanda ng susuotin niyang pambahay pagtapos maligo, magsindi ng sigarilyo niya, magtimpla ng kape, magbunot ng puti niyang buhok pati baby balbas at bigote, pati na din magtanggal ng balakubak niya sa ulo, kumbaga ako ang kanyang secretary. :) Pag lasing yun ako din ung nagpupunas at nag-aasikaso sakanya, minsan tinatawag niya pa pangalan ko, pag lasing siya kinakabahan na ako baka kasi mag-away na naman sila. Madalas pa nian pag nagsuka siya pati ako nakikisabay din, arte ng sikmura ko e. Madalas din siya makatulog kapag pinapalaro niya ung ulo niya, at dati naiinis ako kasi di ako makapaglaro kahit tulog na siya kasi nakahiga siya sa lap ko. Hindi ako malapit sa papa ko, loner na kasi ako bata palang ako. Madalas nun ako pagalitan pag sobrang gabi na tapos gising pa ako at nanonood kasi nga ako nalang naiiwan sa sala namin. Sasabihin nun "Rhea patayin mo na yung tv, bukas hirap2 mo na namang gisingin." ako sasagot lang ako ng oo, pero di ako nasunod kasi trip ko talaga magpuyat kahit noon pa lalo na pag friday ng gabi. Minsan pa magigising siya ng magigising kasi ang ingay ko kakatawa sa pinapanood ko, bubble gang yun. Madalas din gawin ni papa dati, bubuhatin niya ung higaan ko tapos ibibilad na ako sa arawan nun, kasi ang hirap ko talaga gisingin dati. May dalawang way lang para magising ako, una pag tinatanggalan ako short at pangalawa pag naiinitan na ako sa labas. haha!

               Ang childhood ko, wala akong memories na super malapit ako sa kanya, kasi ang childhood ko di naman tulad ng typical na bata na puro laro ung ginagawa. Kaya din siguro ganito ako ngayon kasi madalas ako mag-isa dati. Ang dalawa kong ate magkasunod sila kaya sila lagi magkasama, ung dalawang kasunod ko magkasunod din kaya sila din yung madalas kasama nila mama at papa. Ang tanda ko, mula grade 4 ako naging ganun na. Highschool na kasi ung dalawa kong ate nun. Tuwing uuwi ako nun galing school may nakasulat na agad sa pinto namin "Rhea, dito kami ng papa at mga kapatid mo sa laud(sa baba yan, dun sa lola at mga pinsan ko) ung baka nasa abagatan(kanluran yun, mejo gubat na bukid dun) ipastol mo, painumin mo din ng tubig." Ganyan ang welcome note sa'kin lagi, medyo nakakainggit din na sila magkakasama tapos ako ayon kapiling ng aming baka. Ganun halos lagi kong gawain pag pauwi, kaya madami akong memories na ako lang at yung baka nakakaalam. :)) Kailangan pag ganun mabusog ung baka dahil kung hindi patay na naman ako, ilang beses kaya akong nasaktan dahil sa ganun. Madalas din ako maiwan sa bahay mag-isa lalo na pag nagmamanicure mama ko at gagabihin siya, lahat ng mga kapatid ko susunduin siya at ako ang maiiwan sa bahay. Wala ang papa ko nun kasi nasa work sa Baguio. Dahil sa mga ganun, madalas akong ma-out-of-place sa bahay. Meron pa nun umaga tapos dinala ko muna ung baka sa abagatan, tapos habang pauwi ansaya ko pa nun, nakanta pa nga ako e. Pagdating ko ng bahay antahimik nilang lahat tapos ako walang idea kung bakit, kanta pa din ako tapos inaya ko pa sila kumain nun. Yun pala nag-away na ung mama at papa ko, sinampal pa daw ni papa tapos binasag ung mga gamit niya sa pagmamanicure at ewan ko pa kung anong klaseng commotion ung naganap kasi pagdating ko mejo kalmado na ang lahat. Meron ding nakita sila nun ni papa sa bahay ng pinagmamanicuran ni mama, e biglaang uwi ni papa, ayon galit much si papa, ayaw nia kasi ung ginagawa ni mama nun. Pagdating niya bahay e di gulantang much ako,yun pala gulo na naman ung nangyari, pinasarado sa'kin ni papa lahat ng pinto nun at wag ko daw papapasukin sina mama at siyempre patay ako pag nakapasok sila. Minsan ipit ako sa sitwasyon. Madalas ko makita na magkaaway si papa at mama. Si papa feeling ko dati lagi magagalit kaya takot ako dun.  whew! ilan lang yan sa dahilan kung bakit di normal ang childhood ko.

             Balik na kay papa ang topic, despite naman sa pagiging istrikto nia nun may ilang bagay akong di makakalimutan sa kanya. Dati binigyan niya ako alagang manok, PANDAKA ung name niya kasi hindi siya nalaki kahit lahi siya ng mga malalaking manok, binigay niya sa'kin yun kasi kasing liit ko daw. :) Ako lang meron nun kasi ako naman nag-aalaga sa mga manok niya. Nakarating pa dito sa Cavite si pandaka kaso si mama binigay dun sa magbobote :( Pinagmamalaki niyang kakulay niya ako, kasi saming magkakapatid ako ung pinakamaiitim at pang-asar niya yun skin lagi. Kahit di active yun sa school, siya lagi umaakyat sa stage para sabitan kami ng medal. Meron pa nung nagkatampuhan sila ni mama nun, siya ung namalengke, natuwa ako nun kasi nakita ko ung soft side ng papa ko at ang kyut niya lang mamalengke, bingo tuloy ulit kay mama.
Isa sa pinakasweet na bagay na ginawa ni papa, nung una naming uwi ulit dun magkakapatid na hiwalay na sila, Christmas vacation yun year 2003, isang araw lang kami dun. Tapos siyempre limas na pera nun pamasahe palang namin pauwi nun pati binigyan pa si mama. Nung andun na kami nagrequest sila nun gatas kaya ayun ung 40 pesos pinambili niya ng gatas namin. Then dumating ung maniningil ng kuryente, 70 pesos ung bill e nsa 50 pesos nalang ung natira sakanya nun. Sabi niya nun "pambayad ko sana kuryente ung natira kong pera e, nabawasan pambili ng gatas." Super touched ako nun kasi di niya sinabing pambabayad niya pala dapat ng kuryente un pero binili nia pa din kami ng gatas. ayai, nakacrylalu naman ako tuloy. At yung summer vacation namin dun, almost one and a half month, un ung last na punta ko nun na bata pa ako. April-May 2004. At yun ung last moment ko as a child sa province namin. Eto ung tumakas kami nun kasi ayaw kami pabalikin ng Cavite, I understand why my papa had done it, kasi walang matitira sa kanya that time, all he wanted was kahit man lang sana may matira sa kanya dun. December 31, 2004 dumalaw siya sa'min dito and i would never forget how my mother ignored him at un ung pinakamasakit na part sa'kin. Imagine we celebrated new year na parang wala lang siya dun,binati niya kami lahat except kay papa at alam ko kung gaano kasakit for him na balewalain siya ni mama nun and i admit na galit ako nun kay mama, ang unfair lang kasi. Nung natulog nun, tinabihan ko pati ni lala si papa sa sala, we don't want him to feel alone kasi that time. Then nung morning nito, it was the last time that i saw him cried. Babalik na nun siya ng province tapos nagpapaalam na siya kay mama tapos si mama ni ayaw man lang siyang harapin at labasin, andun lang siya sa kwarto at nakakainis yun. Ako naghugas ako nun, alam ko kasing iiyak lang ako pag nakita ko ung nangyayari, kahit boses palang ni papa naririnig ko nun naiiyak na ako at iniiwasan ko siya makita pag aalis siya kasi di ko talaga kayang pigilan ung iyak ko. Ayoko kasing makita niya na umiiyak ako. Ako yung huli niya nilapitan nun, niyakap niya ako habang naghuhugas ako ng baso, hinayaan ko lang siya nun tapos iyak na ako ng iyak at ayoko na siya tignan nun tapos binulong niya sa'kin "alis na ako ha, mag-aaral kang mabuti." Di ako sumagot nun, never ko siya nilingon nun kahit alam kong paalis na siya kasi iiyak lang ako lalo. bakit ganito, same pa din ung sakit pag naaalala ko at di para nakikisimpatya ang mata ko ngayon. )):

             Then this year, after almost seven years, nakita ko ulit si papa. Anong pinagbago niya, tumanda na siya at pumayat pero mas masaya na siya ngayon. Nung andun kami, napansin ko na malambing siya kina lala pero sa'kin distant siya kasi di naman talaga siya close sa'kin dati. Si papa joker din pala, lagi siyang nagjojoke nung andun kami, siguro kasi masaya din siya. Sa kanya pala ako nagmana ng pagkanta ng wagas, kasi pag kumanta siya damang dama din kahit di maganda boses, at ganun daw ako sabi ng mga kapatid ko. Madami na akong hindi alam sa papa ko,at siya din naman samin. Di niya na alam kung ilang taon na kami pero alam niya bday namin. Ung simpleng di ko pagkain ng seashells di niya din alam. It made me think, gaano kaya kadami ung hindi niya pa alam. Ni hindi niya kami nakitang magdalaga lahat, nakakasad na wala siya nung mga time na yun. Ako particularly 13 years old ako the last time i'd seen him, tapos 20 years old na ako nung makita niya ulit. Yung anak niya dalaga na.
Kung kaya ko lang sana sabihin 'to ng personal:
              Papa, si rhea po dalaga na.Di na po ako ung batang lagi niyo napapagalitan kasi pasaway, level up na din po pagkatao ko. Andami niyo pong namiss na mahahalagang events sa buhay ko at lahat ng yun lagi ko winiwish na sana andun kayo. Nung sinabitan ako ng medal nung grade 6,pati nung high school, sana kayo pa din ung kasama kong umakyat sa stage. Nung graduation ko nung high school, sana po nakapunta ka para narinig mo magspeech ung anak mo sa harap na madaming tao. Sa lahat po ng mga simpleng achievements ko sana isa kayo sa naging proud sa'kin at siguro pag nafeel ko yun, dun ko masasabing fulfilled ako. :)
             Sa lahat ng pasko, new year, birthdays, father's day, sa lahat po nung time na di ko kayo nakasama para icelebrate yun, gusto ko lang po malaman niyo na never ko kayo nakalimutan. Sana dumating pa ung time na magkakasama ulit tayong icelebrate yun.
            Alam niyo po ba, naiinggit ako lagi pag nakakakita ako ng ibang tao kasama ang papa nila, feeling ko ang swerte nila. Sana andito kayo nung teenager pa ako. Sana andito kayo para pagsabihan ako na umuwi na maaga, wag magpapagabi, at mag-aalala kapag gabi na tapos wala pa ako. Sana andito kayo para pagalitan ako kapag mali na mga ginagawa ko. Nung nainlove at nabroken ako sana anjan kayo para bigyan ako ng father's advice. Sana may nagtatanggol sa'min, kahit ung feeling lang na safe kami kasi andiyan kayo.Sana po andito kayo kapag nagdala ako sa bahay ng first suitor ko. Wish ko yun e, na kayo ung haharapin niya, at gusto ko po pag nagkafirst boyfriend ako andito kayo at sayo ko siya unang ipapakilala. Pag grumaduate ako ng college, punta po kayo ha?? Ung sinabi nio sa'kin nung huli na bumalik ako, gagawin ko po yun at sana this time mas mahaba pa ung time.
           Alam ko akala niyo ayaw ko na kayo makita, sorry po kung yun ung naramdaman niyo nung di ako nakakasama sa kanila pag nauwi jan. Hindi po talaga ako busy, ayaw lang ni mama na umuwi ako jan dati, sorry po kung nafeel niyo ayaw ko na sa inyo. Gets ko po kung bakit ganun kayo nun, medyo distant sa'kin, di niyo lang po alam kung gaano ako naiinggit sa kanila pag nilalambing niyo sila pati pag niloloko. Sorry din po dahil di ako showy, mahirap po talaga sa'kin na magpakita ng emotions sa iba. Sorry po kung minsan nagtatampo ako sa inyo, feeling ko kasi nakalimutan niyo na kami. Sorry dahil wala po kami jan para alagaan ka, at wala kami nung time na kailangan mo kami. Ang hirap po lumaki ng walang papa, may part po sa 'kin na alam kong kulang at alam ko pong mas mahirap ung sitwasyon niyo kasi nawalan ka din ng chance maging father di lang sa'kin kundi sa'ming lima. Minsan iniisip ko, kung andito kayo hindi siguro ganito kalaki yung emptiness na meron ako pero alam ko pong mas malaki yung nawala sa inyo. Thank you po kasi lahat ng ginawa at tinuro niyo dati, part po yun kung bakit ganito ako ngayon. Thank you po sa love at higit sa lahat thank you dahil kayo ung po ung naging papa ko, hindi din ako magiging ganito kung di dahil sa inyo. Proud po ako kasi si Romeo Baldemor ang papa ko. :))  Miss ko po kayo lagi.


pic namin ni papa
naglambing lang ako nian :)
        

2 comments:

  1. nakakainis aah ..
    paiyakin ba daw ako
    ahhahah

    ReplyDelete
  2. Grabe tina, naiyak ako dito..

    ReplyDelete