pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Sunday, November 27, 2011

good for ONE YEAR :]

                       NOVEMBER 25, 2011 official one year na kami.. Official kasi NOVEMBER 25,2010, yun ung first time usap namin, sa chat pa nian at eto ung time na sure kaming kilala namin ang isa't-isa. As what I've said to him, eto ung simula ng lahat, ng buong kwento namin.


                      One year na pala yun, ambilis at andaming nangyaring changes, actually lahat nagbago. Sabi nga namin ni Dhine "nangyayari pala talaga yun." Relate natin sa LOVE CYCLE ang kwento kasi almost ganun naman talaga ung nangyari sa'min except sa naging bf/gf nga.


        Within one year nagyari lahat yan, dumaan din kami sa ganyan, nakakatuwa. Stranger->friend->bestfriend/closefriend->love???->MU daw sabi nila-> heartbreak->strangers ulit. Akala ko yung cycle titigil nalang dun sa STRANGERS AGAIN ang drama, happy kasi natapos ung one year na friends ulit tayo. Pahabol pa talaga si papa god sa exact date na yun.  Akala ko ung day na yun it would end up like that, yung tipong "start na ng one year ng lahat, ang korni ganito nalang pala lilipas ung araw na 'to" tapos surprises nga naman ni papa god nagpunta ka ng school tapos di ko alam pero nakaya kitang pansinin sa harap nila at nagawa nating magusap ng normal, walang ilangan, tumabi ka pa sa'kin sa upuan. Nakakatuwa na possible pa din palang mangyari yun, kahit panu di na tayo conscious na andaming tao who would watch our action. Namisss kita, namiss ko yung kaibigan ko. :)

                Back sa love cycle, it quite funny na dati wala naman akong pakialam at wala din naman akong alam sa mga ganito. May ganun pala talaga sa buhay, ung kwentong napapanood ko lang, ung tipong ung taong nasanay ka na laging anjan bigla nalang magbabago tapos akala mong walang pinagsamahan. It hurts to feel dumped by someone you value so much, pero aminado ako na may nagawa din akong mali para umabot pa tayo sa ganun. Napakaimmature ko kasi, insensitive, at siguro nga I expected so much from you at hindi mo nameet yun kaya ganun. I never thought na magiging ok pa ulit tayo, andami na din talaga kasing nangyari, pero pwede pa din naman palang maging friend ulit, nangyayari din pala yun. Kailangan lang maging OK kayo pareho, pag wala na ung PAIN at anjan na ung ACCEPTANCE.

                 New phase na ng kwento, FRIENDS ulit. :)) Kahit di na tayo tulad ng dati, happy ako kasi the only thing that i wanted to keep, the friendship, was retained. Yun lang naman ung gusto ko kahit nun pa e. Naging special ka nga pero hindi enough yun para isacrifice ko ung friendship na meron tayo. Minsan natatawa pa din ako sa dahilan mo, nakakainis din kasi ganun kababaw para magbago lahat ng meron dati. Ang feeling ko nun, di ba enough na di ko pinansin kung anumang meron tayo dati kasi ayokong may magbago tapos ganun din naman pala. Sometimes, I still miss the way we used to be, pero alam mo ung alam ko na sa sarli ko na hanggang reminisce nalang ako, acceptance nga di ba? :] Kapag nakikita ko how much I've been better mula nung April, masaya ako kasi nagawa ko yun. Di na ako ganun ka-weak. Proud ako kasi nagiging matured na ako in dealing with things at utang na loob ko yan sayo at sa mga nangyari.

                 Advance anniversaries sa mga moments pa natin. :)) Naiisip ko nga, kung ganun pa din tayo, panu kaya? Siguro pag naalala natin mga pinaggagawa natin dati matatawa nalang tayo at mag-aasaran sa kakornihan natin, ansaya sana. Ayan nabubuhay na naman ang mga WHAT IFs ko, ikaw kasi talaga e, pinuno mo ako ng madaming first time nun. Bukod-tangi ka kasi, lahat ng nangyari at mga ginawa mo nun. Ung kwentong meron tayo na andami kasi atang nanguna sa kung anong mangyayari, telenobela ang dating? haha.

              Sweet nga siguro ung kwentong nagsimula sa friendship, ung part na nagiging matino ung guy dahil sa girl, kaya ganun sila magreact nun. Sabi nga ni Kaye "pag anjan ka naman, nagbabago siya". Haaay, everytime i hear things like that, ung feeling na nakita din pala nila ung changes in you dati it made me feel fulfilled na kahit panu nagawa ko yun. Sabi nila nakakakilig daw ung kwentong friends-to-lovers pero pag ikaw ung nasa sitwasyon ang hirap din pala kasi nasayo ung options. 
              When you choose friendship over love tulad ng ginawa ko, mahirap din kasi kapag nawala andun ung regrets mo. Andun ung hindi ka clear kung naging ano ka ba sa kanya, kahit alam mong special ka, iba pa din talaga ung nagkalinawan kayo. Dapat may limitation ka din, at un minsan ung ayaw ko kasi un kadalasan ang simula ng mga tampuhan, nakakalimutan naming hindi kami magboyfriend. Minsan pinag-aawayan namin ung mga nonsense na bagay, na di naman dapat pag-awayan ng normal na magkaibigan. Ang awkward din na you both acting something special tapos di niyo pag-uusapan kung ano na ba meron kayo kahit alam niyong more than friends na kayo. Sabi nga nila MU daw.
               When you choose love over friendship, pag nagbreak, sayang lang lahat ng pinagsamahan niyo at damay na dun ung friendship. Siguro eto din ung dahilan kung bakit nakuntento nalang kami sa kung anong meron kami dati, no assurance, pero andun ung commitment, un nga lang limited kung ano pwede mong idemand. Andun lang kami sa comfort zone, kumbaga playing safe. Saka andami kasing nakaabang sa kwento nun, sa dami ng mga boto sa kwento nakakapressure gumawa ng moves.
               When you choose to give up both like what he did, in my perspective lang yan sa ginawa niya, unsure kung ganun nga. Eto siguro ung pinakamahirap na choice kasi aware ka na may mawawala sayo. Ang selfish ko nga kasi nung nangyari yun, bonggang tampo at super sama ng loob ung nafeel ko. Feeling ko kawawa ako that time, so damn stupid na ganun2 nalang. Ano yun ganun ba ako kaunworthy, nakakaloko lang kasi. Pero nung tumagal naisip ko mas mahirap sakanya kasi di niya din naman ginusto yun---na masaktan ako at alam ko nasaktan din yun. Makapal na muka ko pero may right naman ako para sabihin yun, di naman ganun2 lang ung nangyari para di siya maapektuhan. Worst,nasakanya ung burden kasi siya ung pumili ng path nung kwento. Ang unfair ko pa na dinagdagan ko lng ung guilt na nafifeel niya kasi nakikita niya na hindi ako ok sa nangyari. 

              Kahit madami pa ding questions kung ano ba talaga ung nangyari. Malayo man 'to sa happy ending na tulad ng ibang kwento.  Kahit andaming nanghinayang na hindi nga tayo naging ganun. Hindi man eto ung expected ng iba na mangyari sa'tin, happy ending pa din naman di ba?? kasi friends na tayo ulit. This time pure friendship, nothing less, nothing more. :))

2 comments:

  1. ahhaha hane4p .. mejo nakareLate naman ako dito ..
    isa ako sa naghinayang ..
    sayang !! natuto ba nman ba ??

    ReplyDelete
  2. hmmm ... ??
    M.u ..
    kya un ang tingin mu samen ni ____ kc my experience kana sa pag-i-mu .. hahahah


    :))

    ReplyDelete