pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Thursday, December 29, 2011

confession

           "nag-away kami ni mama at naiinis ako kasi wala akong masabihan ng sama ng loob ko. Lalo ko lang tuloy nafeel na malungkot ako. ikaw kasi e!! Sana andito ka pa din . ;( "
TEXT ko sakanya nung gabi ng December 26, 2011. Ewan ko ba, feeling ko lang kasi sana andito ka pa din, sana may nasasabihan ako ng lahat. Siguro akala niya GM ko yun pero text ko lang sakanya yun, gusto ko lang sabihin sa kanya kahit wala naman na siyang pakialam.


Eto naman, laman ng texts ko sa sarili ko kagabi na gusto kong sabihin sa kanya. December 27, 2011.


             Sinasaktan ko lang ulet ang sarili ko sa ginagawa ko, :[ Naiinis ako kasi ganto pa din ung nararamdaman ko. Sa tuwing nararamdaman ko na ikaw pa din ung gusto ko, nasasaktan lang ulet ako kasi alam kong wala ng chance at kahit paulit-ulit kita mamiss wala ng magbabago. Gusto ko na maging ok, ung di ka na umeeksena sa utak ko, ung di ko na gustong maging ganun ulet tayo. pero bat ganun?? Sa tuwing sinusubukan ko bumabalik ka ng bumabalik?? Sana kasi tinuloy mo nalang ung di pagpaparamdam dati e, para ubos na lahat ng hopes ko na pwede pa. Bakit kasi bumalik ka pa e?? Nakakainis naman, ang unfair ng life. Bakit ganyan ka?? Nakakainis kasi lagi ko nalang nafifeel na mula nung mawala ka, anlaki ng nawala sa'kin. Nakakainis kasi walang nakakaintindi sa'kin tulad ng ginagawa mo, o siguro kasi sayo ko lang nafeel ung ganung understanding.


            Naiinis ako kasi wala ka na para pagsabihan at paglabasan ko ng lahat ng nararamdaman at nangyayari sa'kin. Feeling ko tuloy ngayon magisa nalang talaga ako. Naiinis ako kasi sa panahong ganito mas lalo kitang namimiss at mas lalo ko nafifeel ung emptiness nung space na iniwan mo. Kanina muka na naman akong tanga, nilinis ko ung mga gamit ko, tapos nakita ko ung pabango ko na gustong gusto mo, tapos inamoy ko ulet pati ginamit. pag naaamoy ko yun, feeling ko pinipiga ung puso ko. Ang sakit sakit lang niya, nafifeel ko kasi ung aura dati, bumabalik lahat nung kwento sa isip ko. Bakit ganun?? Ikaw parang ang ok ok mo na?? Bakit parang di ka na apektado?? Bakit ako nalang magisa?? Nakakainis kasi kahit ung simpleng pabango lang na akala ko dedma na after ilang months na hindi ko ginamit, nung naamoy ko lang ulet bumabalik talaga lahat. Bakit feeling ko di ko pa din tanggap hanggang ngayon?? Bakit ganito pa din kasakit?? 


           Naiinis talaga ako kasi parang di naman ako nakakamove on sayo. Bakit ganun, ganun pa din ung pain pag nakkwento kita  sa iba o pag may nagtatanong. Bakit ikaw pa din ung naiisip ko pag nakakabasa ako ng mga quotes?? Bakit kasi ginawa mo sa'kin yun e?? Eto na naman ako, para  namang kahapon lang nangyari lahat kung makapagEMO ako. Haaaayy, naiinis ako kasi naiisip na naman kita at napag-usapan ka na naman. Aun tuloy, nafeel ko na naman ung missing closure na hinahanap ko. Kasi naman hanggang ngayon di ko pa din naiintindihan kung bakit ganun ung nangyari. Kanina, nabasa ko ung mga sulat ko mula nung nde tayo maging ok. Nakakainis kasi nakasulat dun ung kwento mula nung makilala kita at kung ano lahat nangyari. Namimiss ko lahat yun sobra, Ung iba dun nakalimutan ko na, antanga ko lang kasi binasa ko pa ulet.


            Ung notebook ko ng STAT nakita ko din ulet. Binasa ko lahat ng mga sinulat ko dun pati na ung nabasa mo sa likod nun. Ikaw talaga lahat laman nun kahit sinabi ko sayo dating hindi. Ung rose na ginawa at dinikit mo sa likod ng STAT ko, tinitignan ko kanina. Kapag nakikita ko yun dati ang saya2 ko, kinikilig pa nga ako na may mga ganun ka pang nalalaman para sa valentine. Ngayon pag nakikita ko yun super pain ung nafifeel ko, "rose para kyut >D " sabi mo yan pero hindi na siya kyut ngayon pag nakikita ko. It symbolizes na tapos na nga ung kwento. Pati ung balat ng chocolate na binigay mo sa'kin, ung mga sulat at scratch mo, ung balat ng burger na nilibre mo nung nagpunta at manonood dapat tayo fireworks sa PN nun, lahat yun pag nakikita ko, nakakapagpamiss sayo. Anduga mo kasi ee, nakakainis ka.


           Kanina dapat isusurprise namin kayo. Nagpromise ako sa sarili ko na pag nakita kita titigilan ko na talaga, magmomove on na ako. Pero bakit ganun? kahit andun na kami, kahit andun na lahat ng chance na makita kita, hindi ka pa din pinakita ni papa GOD sa'kin?? Ano ba naman yun, maniniwala pa ba ako sa sign?? Saka bakit ba ganun talaga?? Ai naku, ansakit pa din talaga pag may nalalaman ako, minsan parang gusto ko nalang sabihing wag ka pag-usapan. Kahit ung simpleng PM mo sa kanila na bakit sa'kin di mo na ginagawa, lahat nun parang super sakit iaccept pag naririnig ko. Di ko naman masabi kasi ayoko na namang magEMO at parang wala namang nakikinig sa'kin. Ayoko din namang makita nila na in pain pa din ako pagdating sayo, kaya nga pag nasasabi nila ung name mo di ko pinapakitang affected pa din ako. Ano ba naman kasi 'to e, ang unfair ko sa sarili ko.


           Ang unfair ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon ikaw pa din ung gusto ko. Until now naghohold on pa din ako kahit alam ko namang wala na. Ayoko kasing mafall sa iba e, ayoko na. Di ko maimagine ngayon na may ibang mas magiging better pa sa naging ano ka man sa'kin dati. Bakit ganun, di ko magawang ibaling sa iba ung attention ko. Bakit ikaw ung nagiging ideal guy for me na kung hindi din naman katulad mo wag nalang? Bakit hinahanap ko kung ano ka sa iba at bakit wala akong makitang tulad mo?? Nakakainis naman kasi bakit ba ang manhid manhid mo naman?? Bakit kung kelan kaya ko nang aminin sayo kung ano 'to saka ka naman nagbago?? Bakit kasi di mo man lang hinayaang umamin at magexplain nun para wala na 'kong regrets.


            Haaayy, nakakainis! 8 months na akong nagmomove on sayo pero wala pa din. Lapit na mag2012, matatapos na ung year na nakasama kita. Ano ba yan, ang Oa ko kasi. Nakakainis kasi napakamatandain at sentimental ko kaya tuloy andami kong naaalala kahit mga simpleng bagay at dates lang. Kawawa ako kasi ginusto ko 'to. Naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa din malinaw ung kwento at until now  hoping ako na one day mag-eexplain ka din. Ang hirap lang mafeel na ikaw lang naman ung nawala pero bakit parang anlaki nung emptiness na nararamdaman ko. Lalo na pag nafifeel kong wala akong masabihan ng lahat, feeling ko magisa na talaga ako. Minsan gustong gusto kong magsabi sayo pero iba na e, hindi na kasi tayo tulad nung dati at inaamin ako na namimiss ko pa din yun hanggang ngayon..




            Yan ung confession ko kagabi na sana nasasabi ko sayo, kaso i need to keep it to myself nalang kasi wala namang makakaintindi kung bakit ganito ung nafifeel ko. Nasanay kasi ako na lagi kang anjan for me e, na lagi akong may nasasabihan at lalo kitang namimiss kapag malungkot ako kasi wala nang makikinig sa'kin tulad mo. Haaay! emo nga talaga ako. "KAPAG NARARAMDAMAN KONG IKAW PA DIN UNG GUSTO KO, NASASAKTAN LANG ULET AKO.."
 Ouch naman yan, ramdam niyo??



Thursday, December 15, 2011

drafts sa facebook notes ko. :D

THE  LAST UNSENT LETTER FOR HIM
don't  know how to start this one.. this might be one of the most stupid things that i need to do just for me to feel alright..
it was really a damn but it makes me feel better..

THANK YOU's :
 kung pede ko lng sabihin lahat super haba na nito..
  • thank you sa lahat lalo na sa madaming FIRST TIMES, andami nian pramiz..
  • thank you for being the best guy you could ever be, i really appreciate everything even the smallest things that you do.. Everytime i am with you it feels like i could be myself-- of whoever i am.. you make me feel that no matter what i do, no matter how awkward my actions are you're still there to be with me.
  •  thank you for all the concerns,for being a father-like image to me..
  •  for all the texting times and being my most active text buddy back then, kaya tuloy nasanay ako e.
  • for the first ever rose i received thank you for being a part of that history . ;)) it's special, really coz you made it personally and everytime i see it, it brings back all the memories.
  • for the "lamog na chocolate" =D. i appreciate it, the thought that you even remember to spare that for me (i just don't know if you really mean it. Ü)
  • for checking me sometimes if i'm home or not.
  • for appreciating me..(is it true???)
  • for your family who's always been good enough for me. i've been there 12 times i always feel welcome.
  • for letting me come to your house at weekends.. ;)))
  • for the movie trip (baby shreks.. :))
  • for the "libres" haha!
  • for drinking everything i can no longer take.. haha!1 ung softdrinks, ung juice, ung tubig, ung milo..
  • for all the "sundo at hatid sa sakayan." pcenxa na napagod kita...
  • for waiting for me till i was able to ride a bus even if it means that you'll be going home alone..(twice lng nman to from school but it really means a lot.)
  • for showing that you listen with whatever i say..
  • for being with me (march 12) and for trying that we could be able to watch the fireworks display.. too bad we didn't make it, di tayo umabot.. :)
  • for wasting your hours with me.. march 23 (huling hirit) i don't know but that's what i felt that time,  i had the instinct that it would never happen again. ;)))
  • for all the "kwentos" . you don't know how much i just want to listen with all your stories everytime we're together. you're my ultimate walkytalky..
  •  for the trust.. Ü
  • for always answering my nonsense questions.
  • for understanding my moodswings and isipbata mode.
  • for making me happy and annoyed.. =p as i always say BUKOD-TANGI ka kasi..
  • most of all for giving me some of the best moments of my life..
SORRY's
  • for causing you sakit ng ulo.. ;))
  • for being so makulit and matanong
  • for that day. (january 24 2011) namura ka ng driver dahil sken.
  • for all those tampuhan and petty quarrels we had.
  • for being so hard-headed .. di ako minsan nakikinig sayo..
  • for being sooooooooooooo childish.
  • for being so masungit, sorry for the times na inaaway kita kahit wala ka ginagawa.
  • for being a great fault-finder
  • for the times na napupuyat ka kakatext.. haha!! lalo na nung nag-away tayo nun.. pcenxa na kung pinahaba ko pa..
  • for being so maarte
  • for being me------- i was really hard to handle.
  • for eveything i had done even if i wasn't aware of it...
I MISS:
  • everything about you..
  • your face pag nakukulitan ka na skin.
  • your smile, your laugh, your face(kahit oily)haha!, your nose, your eyes and the way they look at me, your voice,especially ung amoy mo..  ung alam kong ikaw lang tlga un.. hahai. i really miss you..
  • ung pangungulit, pang-aasar pati pagpapaselos mo.. everything that i hate about you, i miss them all super! argh..
  •  ung ikaw dati.. ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh kainis, bakit ka ba kasi nagbago???
  •  ung pagpunta ko sa bahay nio. i'm gonna miss it pati sila lalo na si yoji
  • ung super lakad moments natin
  • ung paghawak ko sa siko mo everytime we're having walks.. 
  • lahattttttttttttt nahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh..
  • ung pagkurot ko sayo tapos pipitikin mo ko pag masakit na. hahai!
  •  ung mga text mo... kaasar ka, ba't ka ba ganyan.. ung mga PM mo skin dati..
  • ung feeling na isa ako sa pinakaclose sayo..

its ridiculous how i try to be the worst i can be especially when you're around just for me to feel that i deserve everything you did and for you to prove that you did something right.

NOTE: after seven months nabasa ko 'to ulit at natawa ako. Ginawa ko 'to around MAY at actually nakalimutan ko na, nakita ko lang sa drafts ko at gusto ko lang ipost kasi natatawa ako. haha! ang oa ko pala talaga nun :))
laki na ng improvements ko mula nung ginawa ko 'to. 

Wednesday, December 14, 2011

promise ko na...

nung isang araw may maarte lang akong naisip at yun ay never ako magpapagupit ulit ng hair unless nainlove ako muli. wala lang naisip ko lang, parang ang cute lang. Kadalasan kasi nagpapagupit ako pag sad ako so now mabago lang :)) Wala namang masama dun di ba?? Promise ko lang yan sa sarili ko, wag magpapaikli ulit ng hair hanggang di ko pa ulir nafifeel ang love.


ayan lang muna. weee!! maikli lang yan noh??
 SHARE lang, may tumblr na din ako kaso don't be jealous my blogger. ikaw pa rin ang personal blog ko, :))

Saturday, December 03, 2011

MOMENTOS :)

            Pashare lang ng nafifeel na happiness ba 'to?? haha.. Kasi di ko alam e, lalalalaala!! kakanta nalang ako... :)) Kanina, andun na naman siya sa school (at di para lagi siyang nagpapakita, haha!! ). Bakit ba big deal na naman ung nangyari kanina?? E kasi naman e, napasaya na naman niya ako, haha! Si papa GOD talaga full of surprises, wee!! maxado ako pinapasaya naman. Happy na nga ako sa nangyari nung November 25 e, ung nakakapag-usap na ng normal, dun palang enough na tapos sinundan naman agad after a week, haaaaaaaaay ayoko na nga.. haha!


            Actually di ko alam kung ano ba 'tong nafifeel ko e, kung kilig ba 'to o happiness at contentment lang sa nangyayari. Astang teenager naman ang dating ko nito, whehehe. Di ko daw alam panu ikkwento ung mga nangyari, enebeyen napaka kooooooooo naman.. :)) Muntanga lang si ako ba. Eto naaaaaaaaaa!!! Nasa eplace kami kanina at ayun nagpaka-kabute na naman siya---------- biglang lumitaw dun. Take note, for the second time, nawafuhan ako sakanya... haha!! Ang kyut lang ng aura niya kanina, stand out tuloy ung muka niya. First time na narealize ko na wafu nga din pala siya, February 14,2011 tapos ung kanina nalang ulit. haha! Basta ewan ko, wala ako sa ulirat to go into details. Ung kanina lang kasi, namiss ko ung ganung moment ung kahit anjan sila, kami nag-uusap at parang may sariling mundo. Nakakatuwa lang kasi talaga na nangyari un kanina. Miss ko yung attention niya na ganun, na kapag mejo loner ako lalapit at kakausapin niya ako. Kanina nafeel ko ung dati, kahit di niya sabihin i could see his effort na magreach out sa'kin. Sinamahan niya ako dun na nakatayo sa table kahit umupo na siya nun sa table nila. Tapos nakakatuwa pa sila kasi pinapaupo ako sa tabi niya, hindi naman sila obvious nun,haha! E di ko feel umupo nun at ayoko namang tabihan siya dun. At ayun magisa lang ako nakatayo tapos siya tumayo din. Basta di ko din tanda mga nangayari ee, pero alam ko masaya ko kanina kasi kahit panu parang bumalik kami sa dating kami, namiss ko siya makausap ng ganun. Andami naming pinagusapan, about lang sa buhay2. Tapos inasar niya pa ung nguso ko, arghh.. haha!! Nagtanong kasi siya kung anong oras ang pasok namin, tapos sumagot ako 2:30 tapos sabi "oh ba't nahaba na naman nguso mo." haha.. kainis, pang-asar nalang lagi.. weyyowoh!!! pasalamat siya namiss ko ung mga paggaganun niya sakin. :)) Nautu din siya kanina, ung proper pilit namin, ginawa niya ulit this time may variation pa, HIGH PITCH. Angkyoooooooooooot lang ng mga ganung trip namin, sobrang namiss ko. :D  Basta andami naming makulit na moments at asaran kanina, ung kwentuhan, ung di maintindihan kong pagsasalita, ung boses niang unwanted sa pagkanta at yung mga kanta sa song book na naging subject matter namin kanina. Dun kami nagbonding habang nakatayo sa eplace, haha!! Laughtrip kami pareho dahil dun sa mali2 niyang alam sa kanta, at sabi nga namin "ikaw lang naman nakarinig :D" super namiss ko talaga ung mga ganung moments, ung feeling na "I don't care with these people around us ". May sariling mundo ang dating?? Dati kasi ganun kami, puro kulitan lang ang alam basta enjoy lang. May binigay pa siya gomang bracelet, haha!!! Sabi niya kasi trip niya daw yun tapos nun bumili pala siya, isang yellow tapos isang blue, then pinakita niya kasi tinignan ko(anu daw?haha). Tapos sabi nya sayo nalang tong isa, 'tong blue. Xiempre kanya ung dilaw, wushu!! Kainesssssssss, di pa naman ako nagsusuot ng mga ganito, e nakakahiya naman tumanggi, kaya kinuha ko na, sayang din. Saka ano ba. sa kanya na 'to galing e, choosy pa ba ako.haha!!! Ang bait niya lang, haha! sabi ko nga pamasko niya na ba yun. Binigyan niya din ako mentos, hiningi nga ng classmate ko e at siyempre di ko binigay, haha!! Sentimental much?? yamu na, minsan lang ee.


               Ung aura ng sitwasyon kanina, katulad talaga dati, nakakainis kasi nafeel ko yun. Happy kasi alam mo ung parang walang nangyaring ilangan, parang balik lang sa dati. Basta iba talaga kanina, thank you din sa mga friends ko na feeling ko binigay nalang sa'kin ung chance na yun para makapag-usap at makapagkulitan kami ng kami lang, ung walang epal. haha! Thank you din sa kanya kasi ewan ko ba, nababaliw ako ..haha! Thank you kasi naging masaya ako sa nangyari, lalo na sa effort niya kanina. Basta, i can't explain what i exactly felt, mixed emotions kasi. Siya kaya masaya sa nangyari?? Hmm... di bale na, feeling ko naman oo (feelingera lang) haha!! I won't mind whatever he felt kanina, dun nalang ako sa nakita at nafeel ko nun. Ah basta naenjoy namin ung time kanina, less than an hour lang, really short but sweet. :)) Pero siyempre, hanggang dun lang dapat yun, save myself from danger ang drama. haha! Wag nalang bigyan ng kulay kung anuman ung sudden "the way we used to be" namin kanina. Baka way lang yun ni papa GOD for me to know na ayan na ha, ok na kayo ulit. Wee, at alam ko matatagalan na ulit ang next naming pagkikita dahil nakuha niya na ata ung kelangan niya kanina. Siguro nga pinabaunan lang ako ni papa GOD ng sapat na happiness, ok na ako dun. Ok na nga yan, ang korni ko pala maging happy, di ako makapagblog ng matino. haha!!