"nag-away kami ni mama at naiinis ako kasi wala akong masabihan ng sama ng loob ko. Lalo ko lang tuloy nafeel na malungkot ako. ikaw kasi e!! Sana andito ka pa din . ;( "
TEXT ko sakanya nung gabi ng December 26, 2011. Ewan ko ba, feeling ko lang kasi sana andito ka pa din, sana may nasasabihan ako ng lahat. Siguro akala niya GM ko yun pero text ko lang sakanya yun, gusto ko lang sabihin sa kanya kahit wala naman na siyang pakialam.
Eto naman, laman ng texts ko sa sarili ko kagabi na gusto kong sabihin sa kanya. December 27, 2011.
Sinasaktan ko lang ulet ang sarili ko sa ginagawa ko, :[ Naiinis ako kasi ganto pa din ung nararamdaman ko. Sa tuwing nararamdaman ko na ikaw pa din ung gusto ko, nasasaktan lang ulet ako kasi alam kong wala ng chance at kahit paulit-ulit kita mamiss wala ng magbabago. Gusto ko na maging ok, ung di ka na umeeksena sa utak ko, ung di ko na gustong maging ganun ulet tayo. pero bat ganun?? Sa tuwing sinusubukan ko bumabalik ka ng bumabalik?? Sana kasi tinuloy mo nalang ung di pagpaparamdam dati e, para ubos na lahat ng hopes ko na pwede pa. Bakit kasi bumalik ka pa e?? Nakakainis naman, ang unfair ng life. Bakit ganyan ka?? Nakakainis kasi lagi ko nalang nafifeel na mula nung mawala ka, anlaki ng nawala sa'kin. Nakakainis kasi walang nakakaintindi sa'kin tulad ng ginagawa mo, o siguro kasi sayo ko lang nafeel ung ganung understanding.
Naiinis ako kasi wala ka na para pagsabihan at paglabasan ko ng lahat ng nararamdaman at nangyayari sa'kin. Feeling ko tuloy ngayon magisa nalang talaga ako. Naiinis ako kasi sa panahong ganito mas lalo kitang namimiss at mas lalo ko nafifeel ung emptiness nung space na iniwan mo. Kanina muka na naman akong tanga, nilinis ko ung mga gamit ko, tapos nakita ko ung pabango ko na gustong gusto mo, tapos inamoy ko ulet pati ginamit. pag naaamoy ko yun, feeling ko pinipiga ung puso ko. Ang sakit sakit lang niya, nafifeel ko kasi ung aura dati, bumabalik lahat nung kwento sa isip ko. Bakit ganun?? Ikaw parang ang ok ok mo na?? Bakit parang di ka na apektado?? Bakit ako nalang magisa?? Nakakainis kasi kahit ung simpleng pabango lang na akala ko dedma na after ilang months na hindi ko ginamit, nung naamoy ko lang ulet bumabalik talaga lahat. Bakit feeling ko di ko pa din tanggap hanggang ngayon?? Bakit ganito pa din kasakit??
Naiinis talaga ako kasi parang di naman ako nakakamove on sayo. Bakit ganun, ganun pa din ung pain pag nakkwento kita sa iba o pag may nagtatanong. Bakit ikaw pa din ung naiisip ko pag nakakabasa ako ng mga quotes?? Bakit kasi ginawa mo sa'kin yun e?? Eto na naman ako, para namang kahapon lang nangyari lahat kung makapagEMO ako. Haaaayy, naiinis ako kasi naiisip na naman kita at napag-usapan ka na naman. Aun tuloy, nafeel ko na naman ung missing closure na hinahanap ko. Kasi naman hanggang ngayon di ko pa din naiintindihan kung bakit ganun ung nangyari. Kanina, nabasa ko ung mga sulat ko mula nung nde tayo maging ok. Nakakainis kasi nakasulat dun ung kwento mula nung makilala kita at kung ano lahat nangyari. Namimiss ko lahat yun sobra, Ung iba dun nakalimutan ko na, antanga ko lang kasi binasa ko pa ulet.
Ung notebook ko ng STAT nakita ko din ulet. Binasa ko lahat ng mga sinulat ko dun pati na ung nabasa mo sa likod nun. Ikaw talaga lahat laman nun kahit sinabi ko sayo dating hindi. Ung rose na ginawa at dinikit mo sa likod ng STAT ko, tinitignan ko kanina. Kapag nakikita ko yun dati ang saya2 ko, kinikilig pa nga ako na may mga ganun ka pang nalalaman para sa valentine. Ngayon pag nakikita ko yun super pain ung nafifeel ko, "rose para kyut >D " sabi mo yan pero hindi na siya kyut ngayon pag nakikita ko. It symbolizes na tapos na nga ung kwento. Pati ung balat ng chocolate na binigay mo sa'kin, ung mga sulat at scratch mo, ung balat ng burger na nilibre mo nung nagpunta at manonood dapat tayo fireworks sa PN nun, lahat yun pag nakikita ko, nakakapagpamiss sayo. Anduga mo kasi ee, nakakainis ka.
Kanina dapat isusurprise namin kayo. Nagpromise ako sa sarili ko na pag nakita kita titigilan ko na talaga, magmomove on na ako. Pero bakit ganun? kahit andun na kami, kahit andun na lahat ng chance na makita kita, hindi ka pa din pinakita ni papa GOD sa'kin?? Ano ba naman yun, maniniwala pa ba ako sa sign?? Saka bakit ba ganun talaga?? Ai naku, ansakit pa din talaga pag may nalalaman ako, minsan parang gusto ko nalang sabihing wag ka pag-usapan. Kahit ung simpleng PM mo sa kanila na bakit sa'kin di mo na ginagawa, lahat nun parang super sakit iaccept pag naririnig ko. Di ko naman masabi kasi ayoko na namang magEMO at parang wala namang nakikinig sa'kin. Ayoko din namang makita nila na in pain pa din ako pagdating sayo, kaya nga pag nasasabi nila ung name mo di ko pinapakitang affected pa din ako. Ano ba naman kasi 'to e, ang unfair ko sa sarili ko.
Ang unfair ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon ikaw pa din ung gusto ko. Until now naghohold on pa din ako kahit alam ko namang wala na. Ayoko kasing mafall sa iba e, ayoko na. Di ko maimagine ngayon na may ibang mas magiging better pa sa naging ano ka man sa'kin dati. Bakit ganun, di ko magawang ibaling sa iba ung attention ko. Bakit ikaw ung nagiging ideal guy for me na kung hindi din naman katulad mo wag nalang? Bakit hinahanap ko kung ano ka sa iba at bakit wala akong makitang tulad mo?? Nakakainis naman kasi bakit ba ang manhid manhid mo naman?? Bakit kung kelan kaya ko nang aminin sayo kung ano 'to saka ka naman nagbago?? Bakit kasi di mo man lang hinayaang umamin at magexplain nun para wala na 'kong regrets.
Haaayy, nakakainis! 8 months na akong nagmomove on sayo pero wala pa din. Lapit na mag2012, matatapos na ung year na nakasama kita. Ano ba yan, ang Oa ko kasi. Nakakainis kasi napakamatandain at sentimental ko kaya tuloy andami kong naaalala kahit mga simpleng bagay at dates lang. Kawawa ako kasi ginusto ko 'to. Naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa din malinaw ung kwento at until now hoping ako na one day mag-eexplain ka din. Ang hirap lang mafeel na ikaw lang naman ung nawala pero bakit parang anlaki nung emptiness na nararamdaman ko. Lalo na pag nafifeel kong wala akong masabihan ng lahat, feeling ko magisa na talaga ako. Minsan gustong gusto kong magsabi sayo pero iba na e, hindi na kasi tayo tulad nung dati at inaamin ako na namimiss ko pa din yun hanggang ngayon..
Yan ung confession ko kagabi na sana nasasabi ko sayo, kaso i need to keep it to myself nalang kasi wala namang makakaintindi kung bakit ganito ung nafifeel ko. Nasanay kasi ako na lagi kang anjan for me e, na lagi akong may nasasabihan at lalo kitang namimiss kapag malungkot ako kasi wala nang makikinig sa'kin tulad mo. Haaay! emo nga talaga ako. "KAPAG NARARAMDAMAN KONG IKAW PA DIN UNG GUSTO KO, NASASAKTAN LANG ULET AKO.."
Ouch naman yan, ramdam niyo??
this page is all about me, my life, my sentiments. This is just a personal page where i can post anything i want to, it's a sweet escape from every unwanted feeling i have. :) Writing has always been my coping mechanism, when no one seems to be there i just need my notes or any means where i could burst out everything. yeah, it doesn't speak but it does listen and for me it's more than enough. :)
pagkatao ko?? eto oh:
- emoL♥ve
- * weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..
only few appreciates who i am. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment