pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Tuesday, December 31, 2013

2013’s epiphanies


This year? It wasn’t the luckiest and happiest year for me but it will always be a memorable one. It was a year full of failures, pain, disappointments and of course realization. To be honest I’m a little hesitant of making this, not because it was quite a long time since I made a post but because I know I will end up talking about a specific chapter of this year, specific person rather.
How will I start this one? The thing is I don’t really have any idea how to, my fingers are just itching to make this and I hope my mind cooperates. :)  Okay I’ll start saying: This year changed me a lot, in many views of life I could tell.  I learned that sometimes doing the right thing doesn’t make you a good person, and being good doesn’t mean you’re doing it right. People will have something against you and no matter how I want things to just fall into places, maybe they just can’t be. Maybe I was forcing things so much that I end up disappointing myself for results. I tried to fix things up but they just got worse in the end. It was like trying to walk with a broken leg then realize that you have to take a pause, let it heal then stand and make your first step again. Are you getting the idea? To simplify the thought, never let yourself overdo the healing process, let time do it. It’s applicable in any kind of wound you have.
Second is, it was really true that people forgive but they will never forget what happened. This year I could say that I was freed from the guilt I have since 2012 (when I caused a break up). I was waiting for the time that I can personally apologize to the girl whom I know I had hurt so much and for all the people involved. I was just grateful that God gave me that moment this year. If you are reading this, thank you for accepting my apology, for forgiving me and for the friendship again. Well, how it feels like? It’s like letting go of something heavy you have carried on for a long period of time. You made mistake and so thus other people to you. Forgiveness, it wasn’t easy to give especially when you had been hurt so much by what they done to you but believe me, sometimes you will just find yourself forgiving them even without them asking for it. Like I said, you can forgive but you will never ever forget, and I guess that applies to me. I can’t fool myself that when I said I’m okay, that when I said I forgive you it means that I don’t remember the details of it. Forgiveness also take time sometimes, it doesn’t matter how long or short the time is, what important is how true that forgiveness is.
My third realization is that I no longer want to be the pitiful “oh-she-can’t-move-on” girl they think I am. The truth is I was full of hearing that, but when those words came from the people who caused you heartbreak, it strikes you the point of motivating yourself to show that self-conceited person that you can get over him. It was the worse feeling I ever felt ever, to be laughed on by the people who had hurt you and never took time to think of why I felt it in the first place. And the feeling when you know that they were talking about you, telling offensive words at your back, laughing at your situation, making you feel how pathetic you are for still being in pain, that all you can do is to stare blankly and think how the hell they have the guts to do that. I could tell you it could make you feel so little of yourself.
Fourth is that pain will always make you learn something about life. Sometimes you have to go through a lot of it to know who will be there during those times and how would you able to manage yourself. Pain will change you, and it’s in your hand if you want yourself better or the other way around.
Fifth and the last for now,  that I was loved by many people around me. For you who are reading this and understand everything I had written here even without specific details, I know you’ve been a part of my 2013 and for that I would like to say thousands of thank you to you all. I really appreciate all the concerns I had felt when I’m going through hard time and I won’t be able to surpass it without your supports in me. I appreciate everyone of you who had shared my every pain and tears. For my superheroes out there, you know I wasn’t that type of person who wants absurd arguments and foes, so I really appreciate all those times that you defended me when I chose not to speak, that you always spent time to listen with my unending emoments, that you all made me realize that sometimes it’s okay to stand for yourself when you think you had enough, that I have to speak up sometimes. I would never fail to recall that tough times when I felt that there are special people like you in my life, thank you.
Epiphanies, I know I have more in mind but I guess five are enough for now. Change are sometimes necessary and most of the time it happens unnoticeably. Sometimes, remembering something from the past make you realize how things have changed and how you have changed since then. The question is, how well had you survive the reality of getting hurt and learning from it?
                 


Wednesday, May 01, 2013

Too much pain, again.

       It's been 5 months and 7 days mula ng magbreak tayo, funny to think na ganun na pala katagal lahat. Honestly naiinis na ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon ganun pa din ung sakit na nararamdaman ko, naiinis ako sa sarili ko more than I hated you. Galit ako sa sarili ko dahil sa mga ginagawa ko, the truth is I don't blame you, I'm blaming myself more kasi naging ganito ako, kasi ganito ako at dahil dun iniwan mo ako. Naiintindihan mo ba un ha? Alam mo ba kung ano nangyari sken sa loob ng panahon na yan, siyempre hindi mo alam kasi wala kang pakialam. Isusulat ko lahat dito, hindi para isumbat sayo kasi wala ka namang kasalanan e, kasalanan ko kasi mahina ako para ihandle ung sitwasyon. Isusulat ko 'to para pag OK na ako at babalikan ko lahat ng epekto mo sken, masasabi kong proud ako sa kasi kinaya ko.
       5 months and counting, alam mo bang kinukulong ko ung sarili ko sa nangyari sten? Alam mo ung sabi sa breakeven, "I'm still alive but I'm barely breathing." Sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari, pakiramdam ko kasalanan ko. Ung mga unang buwan after the break up, hindi ako kumakain, palagi akong walang gana. I'm punishing myself, remember dati pag nag-aaway tayo at hindi ako kumakain, di ba ginagawa ko un para parusahan ung sarili ko kasi magkaaway tayo, kasi sinisisi ko ung sarili ko sa bawat tampuhan na meron tayo. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko lagi, kaya dapat hindi ako magtampo pero hindi ko napipigilan, sobrang bilis ko maapektuhan ng mga bagay na ginagawa mo.Sorry kasi ganito ako e, sobrang big deal sken lahat ng bagay, lalo na ung mga maliliit na bagay. Dumating ung time na ung baon ko ng lunch never ko nakakalahati tapos pagdating ng gabi hindi ako kumakain. Umabot ako sa pain na yan, at alam kong mali un. Alam mo ba kung bakit ngaun kumakain na ulit ako ng tama? Sinabihan ako ni mama na kumain daw ako, ang payat payat ko daw, para na daw akong losyang sa ginagawa ko. Tinatawag nila akong bungo kasi ang payat ko na daw. Gusto kong makarating sayo na ganun ung epekto ng ginawa mo, para makaramdam ka ng kahit konting guilt sa sarili mo, pero sino ba ang talo dahil dun, ako naman di ba? 
       Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko palagi, madalas tulala ako. Alam mo bang nadukutan ako ng tatlong beses dahil sa pagiging tulala kong yan, wala na akong pakialam sa paligid. Ung palaging ikaw ung naiisip ko, lahat ng nangyari sten. Alam mo ba na umiiyak ako sa bus pag naiisip kita? Hanggang ngayon di ko napipigilan ung sarili ko. Mukang tanga lang di ba, kaya madalas ako magsuot ng salamin nun, kasi para pag umiyak ako hindi masyadong mapansin. Ewan ko ba, lagi kasing pumapasok sa isip ko ung araw na naghiwalay tayo, at hindi ko din alam bakit ung level ng sakit e ganun pa din. Ung feeling na pareho ung pain nung nangyari un at pag naaalala ko, I admit hindi ko talaga mapigilan, ang sakit kasi sa dibdib e, ung ang hirap huminga, parang sasabog ung sa sakit. I know parang OA talaga pero alam mo ung feeling na tinigil ko ung mundo ko dahil sa nangyari. 5 months na napakaunproductive ko, wala akong improvement. Everytime na nagiging topic ka, umiiyak pa din ako. Alam mo ung walang nakakaalam kung ganu kalaki ung pain na nararamdaman ko, hindi ako sanay na sinasarili ko ung nararamdaman ko kasi sumasakit talaga ung puso ko, pero kailangan kong gawin kasi ayoko ng kaawaan nila ako. Kung pwede lang ayoko ng malaman nilang nasasaktan ako kasi ayokong di ka nila maintindihan, ayoko na ding magmukang mahina sa harap ng ibang tao. 
    Up to now, there's a part in me that's still holding on. Hindi ko maiwasang isipin ung what ifs, lalo na ung what if tayo pa.  Every ninth of the month, iniisip ko kung panu kung umabot tayo ng ganun katagal. Every 24th naman, I'm counting the days na wala ka sa buhay ko. It's easier said than done, totoo yan. Alam mo ung I keep myself on asking why am I still stuck here, samantalang ikaw you're enjoying your life without me. Minsan iniisip ko kung naiisip mo din ba ako, kung tinatanong mo din ba sa sarili mo kung kamusta na ako? Pinagdarasal mo din ba kayang makamove on na ako, na hindi na ako masaktan pa., kasi ako palagi kung pinagppray na sana maging masaya ka kahit alam kong hindi na ako ung isa sa mga taong makakapagdulot sayo nun. 
      Alam mo bang iniiwasan kong gawin ung mga bagay na nakasanayan ko kasama ka, minsan ayokong manood ng GGV pag sunday kasi naaalala kita. I know ang lakas makatanga pero pag nasa kwarto ako at nakikita ko ung gate namin, winiwish ko na nandun ka tapos hinihintay mong pagbuksan kita. Ang tagal kong inimagine na mangyayari un ulit, at nasasaktan talaga ako pag nagsisink in sken ung truth na wala ng Macky Maudi na dadalaw sa bahay every Sunday. Lahat ng Sunday na dumaan, kung pwede lang ayokong magstay dito sa bahay, gusto ko lumabas palagi kasi ayokong maalala ka. Dati nga parang ayoko na umuwi dito e, kasi mula sa labasan hanggang dito sa bahay naalala kita, pinapaalala ka ng mga tao dito.
     May time na nagmemessage ako sa luma mong FB account para masabi ko lang ung mga tampo ko sayo, o pag di ko na kinakaya ganun. Pinigilan ko magblog dito, baka sakaling mabawasan ung pain but I guess mali ako. Sabi ko dati, hindi na ulit ako magpopost dito ng tungkol sayo pero wala e, mas mahirap pala na ideny mo sa sarili mong nasasaktan ka pa din. .Ung feeling na sinasarili ko nalang lahat ng nalalaman ko, tama nangg ako nalang ung may alam, wag na sila kasi alam kong mas magagalit sila sayo. Siguro nagtatanong ka kung bakit naman sila magagalit sayo, well dahil nakikita nilang nasasaktan ako, at alam mo bang mas mahirap sken un kasi kelangan kong ipakita sa kanila na kaya ko para hindi na sila magalit sayo.Ayokong magbago ung tingin nila sayo kasi tinanggap ka nila for me, pero ngayon pakiramdam ko lahat ng tao iisa lang ung gustong gawin ko--- ang kalimutan ka na.
       Andami kong nalaman about you, salamat sa i love you dre mo, at alam mo bang bawat revelation ng kaibigan mo e umiiyak pa din ako. Kasi hindi ko mafigure out bakit mo nagawa sken un.
Siguro isusumbat mo na mas pinapaniwalaan ko pa ung kaibigan mo kesa sayo, pero kasi hindi lang naman siya ung basis ko e. Ok I admit, the first month, nabubuksan ko pa din ung facebook mo at nababasa ko lahat dun, kasama na ung sa debut, sa charm na un. Pero dumating ung time na hindi ko na inopen ung FB mo, nilog out ko na para di ko mabuksan pa. Tapos magugulat ako na may nagchat sa friend mo gamit ung FB account mo at iniisip mong ako yun, bakit ako? Ok lang e kung ako talaga, pero hindi naman talaga ako un e. Malalaman ko pa na galit ka sken dahil dun, did you ask me if that was really me? Na ang tanong daw sa friend mo ay tungkol lahat sken, do you think I am that stupid enough para itanong ung sarili ko? At dahil pinagbintangan mo na ako, sinubukan kong buksan ulit ang FB mo, e di tototohanin ko nalang para may sense naman, aun nga iba na ung password mo pero panu ba yan nahulaan ko e. Bakit kasi un kadali ang password mo. So pag nababasa mo 'to magpalit ka na ng password mo ngayon, okay?
   " ah. ung sa ex ko wala masyado sya mahigpit e tpos di mawala ung sa loob ng 1 week di maari di kami mag aaway ganun, e di ko na kinaya kaya nakipag break ako." Nabasa ko yan sa facebook mo kanina, grabe, yan ba talaga ung totoong dahilan mo? Meaning ba tama lang pala na sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari?? Tama ba ung pakiramdam ko na kasalanan ko nga? So deserve ko lang pala lahat ng 'to :( Alam mo bang hindi ko maintindihan ung part na sinasabi mong pinaghihigpitan kita. I know never kitang ginanun, paranoid lang ako at matampuhin pero hindi sa point na naging mahigpit ako. Pinagbawalan ba kita na gawin ung mga bagay na ginagawa mo nung single ka pa mula ng maging tayo ha? Hindi naman di ba, ganun ba ung pakiramdam mo? Minsan nga pakiramdam ko ang hirap sumingit sa oras mo e, na kahit paglalaro mo ng NBA kaagaw ko pa. Ano ba naman ung breaktime nalang tayo nagkakatext at sa gabi after work para masabi mong pinaghigpitan kita.  Ang hirap din kaya mag-adjust, ang hirap hatiin ng oras ko para hindi ko lang maparamdam sayo na nawawalan ako ng time. Alam mo ba kung ganu kahirap sken na maghintay o bumangon ng 12-1 AM pag night shift ka para lang makatext kita kahit saglit lang, para lang patunayan ko sayo na kahit may work na ako e may time pa din ako sayo. Sorry kung nakakatulog din ako agad minsan pag ganyan ha? Akala mo ba ikaw lang ung naiinggit sa mga lovers na hindi lang once a week magkasama, ako din naman e, kung pede nga lang sana araw2 kitang kasama kaso hindi pwede. Ung 6 na araw na di tayo nagkikita,kuntento na ako pag nakakatext kita ng 5 hours a day. Sorry ha, kung nahirapan ka talaga dahil sa ugali ko. Kaya siguro hindi ko magawang magalit kahit ano pa ung malaman kong ginawa mo, kasi  I instilled in my mind that it was all my fault, lahat un kasalanan ko. Alam mo bang tinatanong ko lagi ung sarili ko kung ano ung nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito, para iwan mo ako ng ganun2 lang. Sobrang naguguluhan na ako, bakit hindi mo sinabing yan ung dahilan mo, bakit iba ung sinabi mo sken? Akala ko ba ayaw mo lang muna ng commitment, gusto mo munang magenjoy sa single life mo. Bakit magkakaiba? Bakit iba ung alam ko sa pinapakita mo, sa mga nalalaman ko, sa mga ginagawa mo, at sa nararamdaman ko. Ang hirap na hindi ko alam kung ano ung mas paniniwalaan kong dahilan. Gets mo ba un? Alam mong kapag nagkakatampuhan tayo at masama ang loob ko sayo dati, sarili ko pa din ung sinisisi ko dahil dun, at ngayon ganun ulit ung nararamdaman ko. Sorry kung tingin mo nageexpect ako ng sobra from you, hindi ko alam bakit sinasabi mo yan sken, pero feeling ko kasi maliliit na bagay lang naman un e, ung mga simpleng bagay na pangarap ng babae sa first niya. Ung feeling na kinatampo ko na bigla mo akong natulugan nung first monthsary natin, sorry ha? kasi un ung first monthsary ever na mararanasan ko sa buong buhay ko e, gusto ko lang naman na salubungin natin xa sabay e, un lang feeling ko perfect na. Naghintay ako mag12 nun kahit tinulugan mo ako para mabati ka lang. Alam mo namang I'm not into gifts e, mas appreaciated ko ung mga messages mo. Ung sa pagiging paranoid ko naman, sorry dun ha? Kasi naman alam ko kung ano ka at hindi mo maiaalis sken na mathreatened, sorry kasi ang gaganda nila at insecure ako, at naman alam mo ung totoong selos sa keme lang di ba, at alam mong sa lahat ng un kay Charm lang talaga ako hindi naging secured.  Nung birthday ko, oo nagtampo ako na hindi mo ako pinagbigyan sa request kong sumayaw ka ng gangnam style nun. Pero di naman kita inaway di ba, sinarili ko nga lang ung tampong un e pero tinandaan ko un, kasi big deal sken ung effort. Wag mo na akong bigyan ng kahit anong regalo dahil di ko un maaappreciate, basta pagbigyan mo lang ako sa mga simpleng request ko mas masaya ako dun. Sorry kung dahil sa pagseselos ko kay Charm , inaway kita. Un talaga ung aminado akong inaway kita, the rest tampo lang un. Pero mas maganda nga ata na inaway kita nun e, atleast di ba nagkaron ka lalo ng dahilan para makipaghiwalay sken. Gusto kong sabihin sayo na effective ung ginawa mo, kasi hanggang ngayon ung sarili ko ung sinisisi ko at hindi ikaw, at kahit kelan naiintindihan ko ano man ung tunay mong dahilan.
       You know what, if there's a thing I wanna wish, un ung sana sinabi mo nalang sken ung totoo. Tanggap ko naman e, hindi ung ganito na andaming anggulo. You know me, hindi ako tumitigil hanggang di ko napapatunayang tama ako, at masakit na sobra. Andami ko ng alam pero jan ako pinakanasaktan talaga. Kasalanan ko pala talaga, at sorry dun ha? Sorry sa pagiging ganito ko. Sana maintindihan mo, hindi ko gustong iparamdam na wala kang ginawang tama. Sa totoo lang ang sama ng loob ko pero hindi dahil sayo, dahil dun sa naparamdam ko sayo. My whole life sanay ako na special ung tingin ng lahat sken. Sa school, nakakaramdam lang ako ng pang-aasar sa mga kaclose ko, ung iba hindi ako inaasar kasi matalino daw ako, alam mo ung andun ung respeto nila sayo. Pag nagsalita ka, alam mong pakikinggan ka, alam mong may worth ka. Masarap sa feeling un, na kilala ka ng karamihan kasi matalino ka, advantage un kasi hindi ka nila babasta-bastahin. Sa pamilya namin ako ung tinatawag nilang "star", ako ung achiever, ako ung palaging bida, ako ung ganito, ako ung ganyan. Feeling ko nga kung idescribe ako ng mama ko sa iba ay ideal child. Ako ung palaging kinocompare sa mga mga kapatid ko. My whole life, sanay akong nasa akin ung favor ng lahat, na sken ung attention, ung special ako, ung feeling na swerte sila na may tinamarie sa buhay nila. Sabi nila ang swerte daw ng magiging boyfriend ko kasi almost perfect daw ako, kaya siguro nasasabihan ako na high standards daw kasi ako pagdating sa mga lalaki, naiintimidate ba talaga sila? Honestly wala naman akong standards e, hindi lang ako nagmadali. Gusto ko kasi pag dumating ung time na sinubukan ko na, gusto ko almost perfect, hindi ako sanay sa failure. Masarap sa feeling na andaming taong alam mong sobrang ingat na wag ka masaktan kasi they know your worth as a person, pero hindi nakita ng taong un kung ano ung nakikita ng ibang tao. When everybody's treating me like the best,  he treated me ordinarily at sorry kung hindi ako sanay sa ganun. Minsan naiisip ko kung kasalanan ko bang maging matalino para mangyari un. Sorry kung hindi ako marunong tumanggap ng simpleng sorry, kasi naniniwala akong lahat may explanations, and honestly hinihintay ko un mula sayo. Sana one day magexplain ka, kung ano ung totoo. Wag mo na ako hayaang magconnect-the-dots sa mga nalalaman ko. Pagod na akong maghanap ng sagot on my own. Ung side mo lang, ung totoo lang--- that's all I wanted to know, alam mo naman na kahit anong mangyari panghahawakan ko ung sinabi mo.
Sorry kung nagblog na naman ako, sinubukan ko namang pigilan kaso I know mas gagaan ung pakiramdam ko pag ginawa ko 'to. Actually andami kong gustong sabihin sayo but they just can't come out into words. Kakaiba ka talaga e, alam mo bang ikaw na ung taong pinakanasaktan ako. I know hindi mo ginusto yan, kasalanan ko kasi e, ayaw ko pa kasing tumigil, ayan tuloy. Naiisip ko na ding i-unfriend ka, pero ayokong sirain ung promise ko, at gusto ko pagdating ng time, you'll see that kinaya ko. One day I know makakasalubong kita and sana pag dumating ung time na un, kaya ko na. Siguro nga hindi na tayo pwedeng maging friends ulit, at ikaw ng pumili nian hindi ako, pero sana pag naalala mo ako, sana kahit pano masaya ung mga memories na maalala mo kasi ako kahit ganu kasakit ung nararamdaman ko, kahit sobra pa ung pain kesa sa happiness, I'd still choose to remember those happy ones, kasi once in my life nagmahal ako ng taong alam kong minahal din ako. Sabi nga ni Papa Jack, "kung ang tanong ay kung minahal ka ba niya, of course he did. But if that love is enough for him to stay, the answer is no." We may not have the happy ending but I thank you for giving me the chance to spend a little of my lifetime to be loved by you. 
       
       

Saturday, January 12, 2013

End of the Road


It’s funny how can someone push you to the point where it is no longer possible for you to continue understanding them. I think andito na ako. Sa lahat ng nalaman ko, eto palang talaga ung breaking point, ung napuno na ako, ung  napasabi na ako ng “gago siya”, ung hindi nalang basta pain, may anger na, ung umiiyak ako hindi na lang dahil sa masakit pero dahil sa naiinis na ako sa kanya--- that’s exactly how I felt a couple of weeks ago.  Ung mas malala pa pala ung malalaman ko kesa sa ineexpect ko lang. Honestly it washed everything that was set on my mind, nabalewala lahat ng valid reasons na meron ako bakit nangyari un. Tama talaga si Papa Jack e, pag inubos mo ung pasensya niya sayo mauubos din pati pagmamahal nian, so I guess you know what I mean with the title alone.
Dahil masama loob ko, gopo ka sa’kin sa post na ‘to, makabawi man lang sa mga ginawa mo. Dahil ako si Tinamarie, magdusa ka sa kakadrama ko, wala kang magagawa nasaktan mo ako e or should I say sinaktan mo ako? Haha, ang mean ko . :D Haaay, sana pede nalang ‘to tawanan palagi para di ko feel masyado. Di ko na sasabihin pa sayo lahat ng nalaman ko, baka pag ginawa ko un magulat ka tapos mahiya ka sken bigla kasi you have no idea na alam ko ung totoo. Feeling mo ba naniwala ako sa mga dahilan mo, tsss sabi mo nga di ba researcher ako, bakit di mo naisip un nun, sana sinabi mo nalang ung totoo hindi ung pinaganda mo pa ung dahilan mo.
Imagine kung pede idemanda ung mga taong nanloloko ng bf/gf nila, tingin mo guilty ka? Siyempre for you hindi, kasi nga ano ba namang ginawa mo? E ang reason of breakup natin according to you is ayaw mo muna ng commitment, wala kang time for me, gusto mo maenjoy ung single life. So hindi nga naman, but try to put yourself in my shoes, ano sa tingin mo, siguro maawa ka din sken dahil sa ginawa mo. Ayan andito na ako sa point na nakakaramdam na ako ng inis sayo, kasi naman sinagad mo ako e. Aish, andami kong gustong isumbat sayo which I know hindi naman tama pero for once gusto ko lang isampal sayo lahat ng hard feelings ko for you. Kung pwede nga lang e, pasapak lang ng isa alam mo un.
Am I the type of a person who’s worth to be cheated on? Hindi ko maexplain, pero nakakainis sa pakiramdam na niloko mo ako. Actually normal lang naman sa panahon ngayon ung kahit in a relationship e nakikipagflirt pa sa iba. Bakit nga ba naman big deal sken ‘to?  I failed, nakakadisappoint sa feeling na pinatunayan mo lang sken ung perspective ko sa ganyan, it will always be a sudden hello and goodbye. One more thing,I trusted you enough, you’re my first tapos ganun gagawin mo sa’kin. Nagkulang ba ako sayo o sumobra ako ng tiwala para wala akong kaalam-alam na ganun katagal na pala nagsimula un? Kung hindi mo ako ganun kamahal para di ka magloko sana naawa ka nalang sken , sana inisip mo what would be the effect of doing that to me. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa mo, bakit ba hindi ko agad nalaman, tsss.. epic fail ako. Akala ko nung debut lang nagsimula ung sa inyo nung girl na un, November  11,2012. Alam mo ung kaya di ko magets bakit ganun mo nalang ipagtanggol un kung dun lang kayo nagkasama ng ganun. Akala ko ang malalaman ko lang e kung ano talaga nangyari nung debut, un pala mali ako.  Kung nababasa mo man ‘to at naiinis ka na sa mga sinasabi ko at iniisip mong nagjump into conclusion na naman ako mali ka dun, you know me, I always have supporting details bago maniwala. A friend of yours, told me this: “yung si charm, chinichiks nya yun kahit nung kayo pa tapos nung debut naman nakita nya si karmia, yun naman next na tinarget nya.. bale pinagsasabay nya yung dalawa.” Ano ba dapat ko mafeel nung sinabi yan sa’kin? Di ba nakakaloko sa pakiramdam. Ano gwapo ka para gawin un samin? Naisip mo ba ung pakiramdam pag ginawa sayo yan ha? Kulang pa nga yan sa lahat ng nalaman ko at di para ishare ko ng buo dito, kahit panu naman ayokong mag-iba ung tingin ng iba sayo.  Two months lang naging tayo nagawa mo pa yan, grabe naman. Masakit na nga yan e, kamusta pa ung nalaman kung August 23,2012 pala nagstart ung “charm thing” na un. Nakasama mo lang sila sa panonood ng UAAP, natripan mo na kaya pinahingi mo number agad number. Wow naman, di pa nga tayo pala nun, September pa naging tayo e, so meaning lang that early pa pala. I remember pa, sinabi ko sayo nun behave ka lang, aish!! Sana pala sumama nalang ako nun, para di ka nakapaglandi. Masama pa palang bigyan ka ng time to be with your friends. Bakit di mo nalang sinabi agad para sana hindi ko giniveup ung NBSB title ko sayo, feeling ko kasi hindi na worth it. Nakakainis, bakit ba hindi ko nalaman agad na nagloloko ka nun, kaya pala iba nararamdaman ko pag nakikita ko sa inbox mo ung pangalan na un dati, I should have listen to my instinct, kaya pala di ako ganun kacomfortable with it kasi siguro there’s something going on. Ok let’s just say nung naging tayo naman di ko agad nafeel na may iba na, I’ll just give you the benefit of the doubt about it. Feeling ko di naman nagtuloy na nung naging tayo at nagbalik lang ulit nung nagkita kayo sa debut. Sana ganyan nga, para hindi masyadong masakit  sa part ko. Hindi ko alam kung bakit ba ginawa mo yun, for keeps naman ako di ba? Kahit pano naman alam ko na there’s something to be thankful for by having me, bakit di mo nakita un?
Sabi nila never regret the things that made you happy, pero minsan nafifeel ko yan dahil sa ginawa mo. Alam mo ung feeling na andun pa ung love pero wala na sa point na pag gusto mo may babalikan ka pa. Nung una, I still hope na marealize mo kung ano ung pinakawalan mo tapos bumalik ka at ngaun mas eager ako na mafeel mo yan, but this time I don’t  want you back in my life, I just want you to be sorry for yourself for not having the chance to have me again. Tinamarie Baldemor ‘to oh tapos pinakawalan mo pa, tsss.. sana nakikita mo ung value ko, kaso sino ba naman nga ako compared sa mga girls na un, they’re a lot more prettier, ano pa laban ko. Sana mas pinapahalagahan mo ung pinagsamahan natin, kesa sa mga ganda nila. I hope one day it strikes you how it feels not having me around and regret it. Sana ganun kadali yan pero masaya ka naman sa ginawa mo, at di ko nafeel that you ever cared for me mula nun at siguro enough na un para mapamuka ko sa sarili ko na you’re not worth crying for.
Sometimes andun ung feeling na sana nagstay ka nalang sa anong pagkakakilala ko sayo back then, na hindi ko nalang nakikita ung ganyang side mo. Sa totoo lang ang selfish mo sobra, siguro bata ka pa nga, there’s a lot of time for you to be matured for at makakita ka din ng katapat mo at sana pag dumating ung time na un, marealize mo na kung bakit hindi tamang manloko ng taong nagmamahal sayo. Hindi options ang mga babae, hindi rin ginagawang reserved.  Hindi lang naman kasi ako ung niloko mo e, niloko mo din pati ung family ko who trusted you so much para ipagkatiwala nila ako sayo. Kung hindi mo man gets kung bakit ganun sila kaconcern sken pagdating sa love, intindihin mo nalang kung bakit naiinis sila, kasi sinaktan mo ako e. Sabi nga ni mama sa mga kapatid ko, “Alam niyo namang sa inyong lahat yan ung pinaka ayokong nasasaktan sa ganyan.” Si mama kahit di ako tinatanong nun alam niyang in pain ako at alam ko masakit din sa kanya na ginawa mo un sken. Sana pinahalagahan mo muna ung tiwalang un ni mama, bago ka gumawa ng ganun siguro kahit panu nakonsensya ka, kahit un nalang e kahit wag na ung trust ko sayo. Kung hindi ka nahihiya sa akin mahiya ka nalang sa kanila, kasi kahit sila ramdam ko ung disappointment nila dahil sa nangyari. Isipin mo ung happiness nila nung finally nagboyfriend ako, see how supportive they are? Pagdating sa ganyan ako ung baby nila dito, kaya ganun sila kaconcern kung ano nangyayari,kung ok ba tayo, nakita mo namang masaya sila for us di ba? Kasi it was my first try at actually di ko gets bakit ingat na ingat sila, pare-pareho lang naman kaming girls, siguro ayaw lang nila akong masaktan kasi alam nilang weak ako. Yan ung gusto kong marealize mo dati pa, na kapag sinaktan mo ako sinaktan mo na din sila. Don’t worry di nila alam ung buong kwento, dahil alam ko na pag nalaman nila maaawa lang sila sa’ken at ayoko nun, at dahil ayoko na ding masira ka pa sa kanila, tama ng sken nalang atleast kahit panu kaya pa kitang intindihin. I wonder what if magkita tayo ulit or makapag-usap, sasabihin ko pa ba sayo na alam ko na ung totoo o hahayaan nalang kita na maniwalang nakalusot ung mga dahilan mo. 
 After all, kahit sobrang sakit pang malaman na ganun nga thankful pa din ako kasi it pushed me to the limit,kung saan alam kong tama na. Ung feeling na when I look back, there's no hanging question on my mind kasi alam ko na ung sagot. There would be no "what if we made it that day?" only "That's why we never made it."