5 months and counting, alam mo bang kinukulong ko ung sarili ko sa nangyari sten? Alam mo ung sabi sa breakeven, "I'm still alive but I'm barely breathing." Sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari, pakiramdam ko kasalanan ko. Ung mga unang buwan after the break up, hindi ako kumakain, palagi akong walang gana. I'm punishing myself, remember dati pag nag-aaway tayo at hindi ako kumakain, di ba ginagawa ko un para parusahan ung sarili ko kasi magkaaway tayo, kasi sinisisi ko ung sarili ko sa bawat tampuhan na meron tayo. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko lagi, kaya dapat hindi ako magtampo pero hindi ko napipigilan, sobrang bilis ko maapektuhan ng mga bagay na ginagawa mo.Sorry kasi ganito ako e, sobrang big deal sken lahat ng bagay, lalo na ung mga maliliit na bagay. Dumating ung time na ung baon ko ng lunch never ko nakakalahati tapos pagdating ng gabi hindi ako kumakain. Umabot ako sa pain na yan, at alam kong mali un. Alam mo ba kung bakit ngaun kumakain na ulit ako ng tama? Sinabihan ako ni mama na kumain daw ako, ang payat payat ko daw, para na daw akong losyang sa ginagawa ko. Tinatawag nila akong bungo kasi ang payat ko na daw. Gusto kong makarating sayo na ganun ung epekto ng ginawa mo, para makaramdam ka ng kahit konting guilt sa sarili mo, pero sino ba ang talo dahil dun, ako naman di ba?
Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko palagi, madalas tulala ako. Alam mo bang nadukutan ako ng tatlong beses dahil sa pagiging tulala kong yan, wala na akong pakialam sa paligid. Ung palaging ikaw ung naiisip ko, lahat ng nangyari sten. Alam mo ba na umiiyak ako sa bus pag naiisip kita? Hanggang ngayon di ko napipigilan ung sarili ko. Mukang tanga lang di ba, kaya madalas ako magsuot ng salamin nun, kasi para pag umiyak ako hindi masyadong mapansin. Ewan ko ba, lagi kasing pumapasok sa isip ko ung araw na naghiwalay tayo, at hindi ko din alam bakit ung level ng sakit e ganun pa din. Ung feeling na pareho ung pain nung nangyari un at pag naaalala ko, I admit hindi ko talaga mapigilan, ang sakit kasi sa dibdib e, ung ang hirap huminga, parang sasabog ung sa sakit. I know parang OA talaga pero alam mo ung feeling na tinigil ko ung mundo ko dahil sa nangyari. 5 months na napakaunproductive ko, wala akong improvement. Everytime na nagiging topic ka, umiiyak pa din ako. Alam mo ung walang nakakaalam kung ganu kalaki ung pain na nararamdaman ko, hindi ako sanay na sinasarili ko ung nararamdaman ko kasi sumasakit talaga ung puso ko, pero kailangan kong gawin kasi ayoko ng kaawaan nila ako. Kung pwede lang ayoko ng malaman nilang nasasaktan ako kasi ayokong di ka nila maintindihan, ayoko na ding magmukang mahina sa harap ng ibang tao.
Up to now, there's a part in me that's still holding on. Hindi ko maiwasang isipin ung what ifs, lalo na ung what if tayo pa. Every ninth of the month, iniisip ko kung panu kung umabot tayo ng ganun katagal. Every 24th naman, I'm counting the days na wala ka sa buhay ko. It's easier said than done, totoo yan. Alam mo ung I keep myself on asking why am I still stuck here, samantalang ikaw you're enjoying your life without me. Minsan iniisip ko kung naiisip mo din ba ako, kung tinatanong mo din ba sa sarili mo kung kamusta na ako? Pinagdarasal mo din ba kayang makamove on na ako, na hindi na ako masaktan pa., kasi ako palagi kung pinagppray na sana maging masaya ka kahit alam kong hindi na ako ung isa sa mga taong makakapagdulot sayo nun.
Alam mo bang iniiwasan kong gawin ung mga bagay na nakasanayan ko kasama ka, minsan ayokong manood ng GGV pag sunday kasi naaalala kita. I know ang lakas makatanga pero pag nasa kwarto ako at nakikita ko ung gate namin, winiwish ko na nandun ka tapos hinihintay mong pagbuksan kita. Ang tagal kong inimagine na mangyayari un ulit, at nasasaktan talaga ako pag nagsisink in sken ung truth na wala ng Macky Maudi na dadalaw sa bahay every Sunday. Lahat ng Sunday na dumaan, kung pwede lang ayokong magstay dito sa bahay, gusto ko lumabas palagi kasi ayokong maalala ka. Dati nga parang ayoko na umuwi dito e, kasi mula sa labasan hanggang dito sa bahay naalala kita, pinapaalala ka ng mga tao dito.
May time na nagmemessage ako sa luma mong FB account para masabi ko lang ung mga tampo ko sayo, o pag di ko na kinakaya ganun. Pinigilan ko magblog dito, baka sakaling mabawasan ung pain but I guess mali ako. Sabi ko dati, hindi na ulit ako magpopost dito ng tungkol sayo pero wala e, mas mahirap pala na ideny mo sa sarili mong nasasaktan ka pa din. .Ung feeling na sinasarili ko nalang lahat ng nalalaman ko, tama nangg ako nalang ung may alam, wag na sila kasi alam kong mas magagalit sila sayo. Siguro nagtatanong ka kung bakit naman sila magagalit sayo, well dahil nakikita nilang nasasaktan ako, at alam mo bang mas mahirap sken un kasi kelangan kong ipakita sa kanila na kaya ko para hindi na sila magalit sayo.Ayokong magbago ung tingin nila sayo kasi tinanggap ka nila for me, pero ngayon pakiramdam ko lahat ng tao iisa lang ung gustong gawin ko--- ang kalimutan ka na.
Andami kong nalaman about you, salamat sa i love you dre mo, at alam mo bang bawat revelation ng kaibigan mo e umiiyak pa din ako. Kasi hindi ko mafigure out bakit mo nagawa sken un.
Siguro isusumbat mo na mas pinapaniwalaan ko pa ung kaibigan mo kesa sayo, pero kasi hindi lang naman siya ung basis ko e. Ok I admit, the first month, nabubuksan ko pa din ung facebook mo at nababasa ko lahat dun, kasama na ung sa debut, sa charm na un. Pero dumating ung time na hindi ko na inopen ung FB mo, nilog out ko na para di ko mabuksan pa. Tapos magugulat ako na may nagchat sa friend mo gamit ung FB account mo at iniisip mong ako yun, bakit ako? Ok lang e kung ako talaga, pero hindi naman talaga ako un e. Malalaman ko pa na galit ka sken dahil dun, did you ask me if that was really me? Na ang tanong daw sa friend mo ay tungkol lahat sken, do you think I am that stupid enough para itanong ung sarili ko? At dahil pinagbintangan mo na ako, sinubukan kong buksan ulit ang FB mo, e di tototohanin ko nalang para may sense naman, aun nga iba na ung password mo pero panu ba yan nahulaan ko e. Bakit kasi un kadali ang password mo. So pag nababasa mo 'to magpalit ka na ng password mo ngayon, okay?
" ah. ung sa ex ko wala masyado sya mahigpit e tpos di mawala ung sa loob ng 1 week di maari di kami mag aaway ganun, e di ko na kinaya kaya nakipag break ako." Nabasa ko yan sa facebook mo kanina, grabe, yan ba talaga ung totoong dahilan mo? Meaning ba tama lang pala na sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari?? Tama ba ung pakiramdam ko na kasalanan ko nga? So deserve ko lang pala lahat ng 'to :( Alam mo bang hindi ko maintindihan ung part na sinasabi mong pinaghihigpitan kita. I know never kitang ginanun, paranoid lang ako at matampuhin pero hindi sa point na naging mahigpit ako. Pinagbawalan ba kita na gawin ung mga bagay na ginagawa mo nung single ka pa mula ng maging tayo ha? Hindi naman di ba, ganun ba ung pakiramdam mo? Minsan nga pakiramdam ko ang hirap sumingit sa oras mo e, na kahit paglalaro mo ng NBA kaagaw ko pa. Ano ba naman ung breaktime nalang tayo nagkakatext at sa gabi after work para masabi mong pinaghigpitan kita. Ang hirap din kaya mag-adjust, ang hirap hatiin ng oras ko para hindi ko lang maparamdam sayo na nawawalan ako ng time. Alam mo ba kung ganu kahirap sken na maghintay o bumangon ng 12-1 AM pag night shift ka para lang makatext kita kahit saglit lang, para lang patunayan ko sayo na kahit may work na ako e may time pa din ako sayo. Sorry kung nakakatulog din ako agad minsan pag ganyan ha? Akala mo ba ikaw lang ung naiinggit sa mga lovers na hindi lang once a week magkasama, ako din naman e, kung pede nga lang sana araw2 kitang kasama kaso hindi pwede. Ung 6 na araw na di tayo nagkikita,kuntento na ako pag nakakatext kita ng 5 hours a day. Sorry ha, kung nahirapan ka talaga dahil sa ugali ko. Kaya siguro hindi ko magawang magalit kahit ano pa ung malaman kong ginawa mo, kasi I instilled in my mind that it was all my fault, lahat un kasalanan ko. Alam mo bang tinatanong ko lagi ung sarili ko kung ano ung nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito, para iwan mo ako ng ganun2 lang. Sobrang naguguluhan na ako, bakit hindi mo sinabing yan ung dahilan mo, bakit iba ung sinabi mo sken? Akala ko ba ayaw mo lang muna ng commitment, gusto mo munang magenjoy sa single life mo. Bakit magkakaiba? Bakit iba ung alam ko sa pinapakita mo, sa mga nalalaman ko, sa mga ginagawa mo, at sa nararamdaman ko. Ang hirap na hindi ko alam kung ano ung mas paniniwalaan kong dahilan. Gets mo ba un? Alam mong kapag nagkakatampuhan tayo at masama ang loob ko sayo dati, sarili ko pa din ung sinisisi ko dahil dun, at ngayon ganun ulit ung nararamdaman ko. Sorry kung tingin mo nageexpect ako ng sobra from you, hindi ko alam bakit sinasabi mo yan sken, pero feeling ko kasi maliliit na bagay lang naman un e, ung mga simpleng bagay na pangarap ng babae sa first niya. Ung feeling na kinatampo ko na bigla mo akong natulugan nung first monthsary natin, sorry ha? kasi un ung first monthsary ever na mararanasan ko sa buong buhay ko e, gusto ko lang naman na salubungin natin xa sabay e, un lang feeling ko perfect na. Naghintay ako mag12 nun kahit tinulugan mo ako para mabati ka lang. Alam mo namang I'm not into gifts e, mas appreaciated ko ung mga messages mo. Ung sa pagiging paranoid ko naman, sorry dun ha? Kasi naman alam ko kung ano ka at hindi mo maiaalis sken na mathreatened, sorry kasi ang gaganda nila at insecure ako, at naman alam mo ung totoong selos sa keme lang di ba, at alam mong sa lahat ng un kay Charm lang talaga ako hindi naging secured. Nung birthday ko, oo nagtampo ako na hindi mo ako pinagbigyan sa request kong sumayaw ka ng gangnam style nun. Pero di naman kita inaway di ba, sinarili ko nga lang ung tampong un e pero tinandaan ko un, kasi big deal sken ung effort. Wag mo na akong bigyan ng kahit anong regalo dahil di ko un maaappreciate, basta pagbigyan mo lang ako sa mga simpleng request ko mas masaya ako dun. Sorry kung dahil sa pagseselos ko kay Charm , inaway kita. Un talaga ung aminado akong inaway kita, the rest tampo lang un. Pero mas maganda nga ata na inaway kita nun e, atleast di ba nagkaron ka lalo ng dahilan para makipaghiwalay sken. Gusto kong sabihin sayo na effective ung ginawa mo, kasi hanggang ngayon ung sarili ko ung sinisisi ko at hindi ikaw, at kahit kelan naiintindihan ko ano man ung tunay mong dahilan.
You know what, if there's a thing I wanna wish, un ung sana sinabi mo nalang sken ung totoo. Tanggap ko naman e, hindi ung ganito na andaming anggulo. You know me, hindi ako tumitigil hanggang di ko napapatunayang tama ako, at masakit na sobra. Andami ko ng alam pero jan ako pinakanasaktan talaga. Kasalanan ko pala talaga, at sorry dun ha? Sorry sa pagiging ganito ko. Sana maintindihan mo, hindi ko gustong iparamdam na wala kang ginawang tama. Sa totoo lang ang sama ng loob ko pero hindi dahil sayo, dahil dun sa naparamdam ko sayo. My whole life sanay ako na special ung tingin ng lahat sken. Sa school, nakakaramdam lang ako ng pang-aasar sa mga kaclose ko, ung iba hindi ako inaasar kasi matalino daw ako, alam mo ung andun ung respeto nila sayo. Pag nagsalita ka, alam mong pakikinggan ka, alam mong may worth ka. Masarap sa feeling un, na kilala ka ng karamihan kasi matalino ka, advantage un kasi hindi ka nila babasta-bastahin. Sa pamilya namin ako ung tinatawag nilang "star", ako ung achiever, ako ung palaging bida, ako ung ganito, ako ung ganyan. Feeling ko nga kung idescribe ako ng mama ko sa iba ay ideal child. Ako ung palaging kinocompare sa mga mga kapatid ko. My whole life, sanay akong nasa akin ung favor ng lahat, na sken ung attention, ung special ako, ung feeling na swerte sila na may tinamarie sa buhay nila. Sabi nila ang swerte daw ng magiging boyfriend ko kasi almost perfect daw ako, kaya siguro nasasabihan ako na high standards daw kasi ako pagdating sa mga lalaki, naiintimidate ba talaga sila? Honestly wala naman akong standards e, hindi lang ako nagmadali. Gusto ko kasi pag dumating ung time na sinubukan ko na, gusto ko almost perfect, hindi ako sanay sa failure. Masarap sa feeling na andaming taong alam mong sobrang ingat na wag ka masaktan kasi they know your worth as a person, pero hindi nakita ng taong un kung ano ung nakikita ng ibang tao. When everybody's treating me like the best, he treated me ordinarily at sorry kung hindi ako sanay sa ganun. Minsan naiisip ko kung kasalanan ko bang maging matalino para mangyari un. Sorry kung hindi ako marunong tumanggap ng simpleng sorry, kasi naniniwala akong lahat may explanations, and honestly hinihintay ko un mula sayo. Sana one day magexplain ka, kung ano ung totoo. Wag mo na ako hayaang magconnect-the-dots sa mga nalalaman ko. Pagod na akong maghanap ng sagot on my own. Ung side mo lang, ung totoo lang--- that's all I wanted to know, alam mo naman na kahit anong mangyari panghahawakan ko ung sinabi mo.
Sorry kung nagblog na naman ako, sinubukan ko namang pigilan kaso I know mas gagaan ung pakiramdam ko pag ginawa ko 'to. Actually andami kong gustong sabihin sayo but they just can't come out into words. Kakaiba ka talaga e, alam mo bang ikaw na ung taong pinakanasaktan ako. I know hindi mo ginusto yan, kasalanan ko kasi e, ayaw ko pa kasing tumigil, ayan tuloy. Naiisip ko na ding i-unfriend ka, pero ayokong sirain ung promise ko, at gusto ko pagdating ng time, you'll see that kinaya ko. One day I know makakasalubong kita and sana pag dumating ung time na un, kaya ko na. Siguro nga hindi na tayo pwedeng maging friends ulit, at ikaw ng pumili nian hindi ako, pero sana pag naalala mo ako, sana kahit pano masaya ung mga memories na maalala mo kasi ako kahit ganu kasakit ung nararamdaman ko, kahit sobra pa ung pain kesa sa happiness, I'd still choose to remember those happy ones, kasi once in my life nagmahal ako ng taong alam kong minahal din ako. Sabi nga ni Papa Jack, "kung ang tanong ay kung minahal ka ba niya, of course he did. But if that love is enough for him to stay, the answer is no." We may not have the happy ending but I thank you for giving me the chance to spend a little of my lifetime to be loved by you.
wow . haha :D patayin si Macky
ReplyDelete