OCTOBER 30,2011
- sa wakas pumayag na din si mama na umuwi ako ng province. Nung nagpapack ako ng damit, super excited ako talaga. Makakauwi na ako ng province after 7 years din tapos makikita ko na din yung mga tao dun na i admit naman di ko na tanda mga mukha. 8:46 pm nakasakay na kami ng bus going to La Union, wee!!!8:53 pm gora na ung bus, nung time na yun iniisip ko lang ano na kaya itsura ng La Union, ung papa ko kaya magiging happy ba siya pag nakita na ako, mga ganyan kaya siguro di din ako nakatulog sa byahe nun. :D
OCTOBER 31, 2011
![]() |
picture namin sa loob ng jeep :) |
- ayun, nakarating na kami La Union around 2:13. Eto na yun 2:19 AM nakita ko na si papa. Malayo pa siya nung nakita ko, tapos tinuro ko pa siya sa mga kapatid ko. Ako huli nun tapos si papa sinalubong kami tapos unang-una niya akong nilapitan tapos niyakap niya ako mejo tapos pinisil niya ung tenga ko. That time naiiyak na ako nun, xiempre pigil lang, di para lumabas ang kadramahan ko that time. Then ayun sumakay na kami jeep at umakyat na kami ng bundok. ang happy ko lang nun, ung feeling na nandun ako ulit sa place kung san kami lumaki, basta!! tapos ayun nakarating kami bahay, nalito pa nga ako nun e, di ko nakilala ung bahay namin, nag-iba kasi itsura nung labas, tumaas ung lupa. Pagpasok ko ng bahay alam mo ung feeling ko lumiit lahat ng bagay dun, pati ung bahay. Nakakatuwa kasi anliit ko pala dati at antagal ko pala talagang di nakauwi dun para ganun kalaki ung paninibago ko, iba kasi ung naiwang image sa isip ko e.
![]() |
pic namin papunta sa baba |
![]() |
ung manok na kinatay namin |
NOVEMBER 01, 2011
Araw ng mga patay. Nakadalaw ulit ako kay lolo after 8 years at nakasama ko ulit mga kamag-anak namin dun. Naglakad din kami nun pababa ng bundok. wehehe!! ayun paguwi namin nun sumakay kami jeep, tapos ung mga tao nalilito na sa mga muka namin, twice pa ako napagkamalang bunso, tapos ung ibang tinuturo ni papa di ko na kilala. waha!! Bago pala yun nagpunta kami dun sa public restaurant dun at natikman ko ulit ang halo2 nila na super gusto namin dun.
![]() |
lakad pababa |
![]() |
sa cemetery |
![]() |
halo-halo,yumminess |

Then ayun nakauwi na nga kami nun. kain ulit sabay2.. tapos bangdang hapon nun, nagpunta mga pinsan ko sa house tapos nag-inuman sila. Bandang pagabi na nun, gumala pa kami magkakasama.. Sabi ni papa nun " wag kayo masyado pagabi ha" natuwa ako nun, naisip ko kasi sana nasasabi niya yun samin lagi. Then kinagabihan natulog ung 2 kong pinsan sa bahay, wee ganun kasi sila dati.. Tapos natulog na kami.
NOVEMBER 02, 2011
Pumunta kami nito ng BAGUIO. First time ko yan. kasama sina papa, ate pinsan, kapatid, saka stepmother namin. Super ganda ng sceneries papuntang Baguio, super fascinated ako as in. Then ayun nagpunta kami sa lourdes grotto muna. Nagpray kami dun, that time wala si te bernz( stepmom) nagluto siya for our lunch, sweet noh?? :)) Then next stop BURNHAM PARK wee!!! ayun dun kami nagpicnic.. Para lang siyang normal na park maliban sa nasa Baguio siya, haha!! hinintay lang namin nun si te bernz tapos kumain kami dun sa damuhan, pwede kasi dun yun.. ang enjoy ko nun, alam mo ung feeling na ansaya ng family namin. Dati never nangyari samin yun. Iniisip ko nga kung ganun kaya kasweet si mama maghihiwalay sila?? Nakakainis kasi feeling ko nabubuo ung childhood ko sa nangyari, un lang naman ung kulang sa'kin e ung feeling na happy family kami, yun nga lang sa ibang tao ko pa nafeel ung ganun kaasikasong mama. Pagtapos nun, MINES VIEW.. eto ungsuper enjoy dahil sobrang lakad ung inabot namin at nagkandalito pa kami kung saan ba talaga.. laughtrip kami niyan e, buti nalang super cold nun, di ako pinagpawisan kahit anlayo at pataas ung daan. Dito na din kami bumili ng souvenirs. :)) Then ayun balik na kami La Union, this time kami nalang nila ate saka ung pinsan namin umuwi, sina papa naiwan na sa Baguio, may work na daw kasi siya.
![]() |
OTW to Baguio |
![]() |
Lourdes grotto |
![]() |
mine's view |
![]() |
burnham park |
NOVEMBER 03, 2011
- time to say goodbye na!! ayai ansad ko nito. Kulang pa ung time, gusto ko pa magstay dun. Sa baguio na kami sumakay kaya ayun nakita pa kami nila papa. Dun ulit kami sa Burnham park nun, 12 pa kasi ung biyahe ng bus going to Cavite nun e around 9 andun na kami. Waitng din kami ke ate bernz nun kasi pinagluto niya daw kami foods para kahit yun lang naman daw mabigay niya, haaay ewan ko ba pero nakikita ko answerte ni papa sakanya tapos super niya din kami alagaan nun. Then ayun pagdating niya kumain ulit kami sabay2, wee family picnic ulit ang dating. Tapos nun nasasad na ako nung papunta kami bus station, alam mo ung last minute na naman na kasama ko si papa. Pagdating namin Bus station sabi kakaalis lang daw nung bus, ang happy ko nun kasi kahit panu extended pa ung time. Iniwan muna namin ung mga bagahe dun tapos ginawa ni te bernz pumunta muna kami simbahan, nagpray kami :) tapos punta SM Baguio.. Dun kami nagpalipas ng time tapos bandang 2 bumalik na kami, eto na ung saddest part. ayun meron na ulit bus going to Cavite. Pagpasok ko ng bus nun happy kunwari pero pigil luha na tlaga ako nun as in. Tapos si papa pagkahatid nila ni te bernz samin sa loob bumaba na sila. Tinitignan ko lang sila nun while they're waiting na umalis ung bus. you know what's running on my mind that time, kung kelan kaya mauulit yun. Akala ko it will just end up like that, ung tipong aalis na lang tapos i'll just wave my goodbye. Naririnig ko nun yung konduktor nagkacountdown ng time, 15 minutes nalang aalis na, 10 minutes, 5 minutes na.. ayon na nga!!! lalalalalalalalala, the most hated part of it. Bumili sila nun softdrinks tapos si papa pumasok ulit sa bus at alam ko na ang susunod na scenario. Una xa lumapit kay ate, inabot ung softdrinks tapos i saw him hugging bunso, tinginan na kami ni lala nun tapos sabi ko "ayan na naman si papa" tapos both of us teary eyed na. ako pala umiyak na as in, di ko na mapigilan nun. Tapos niyakap niya na si lala, tapos nung ako na, tinignan ko pa siya masama nun, kasi di ko na talaga mapigilan ung iyak ko nun ee sabi ko pa kayo kasi ee tapos sabi pa niya, translated in tagalog na " bakit ka naiyak? bumalik ka ha." tapos niyakap niya ako narinig ko pa sabi nila Lala nun "antagal niya kasi di umuwi e." Bumaba agad nun si papa tapos ako di na mapigil ung iyak ko nun, nagbbye din ako kay ate bernz tapos halata ko nun naiiyak na siya kasi di na makatingin samin. 2:36 pm umalis na ung bus, muka akong tanga nun as in, di ko mapigilan ung iyak ko nun tapos nagtext si papa kay ate pinabasa samin, sabi umiiyak nga daw si te bernz tapos kaya daw siya bumaba agad kasi naiiyak na siya nun, e di iyak ulit kami ni lala nun. Grabe talaga ung iyak ko nun, kahit nasa byahe na tapos maaalala ko naiyak ako almost two hours sa biyahe.
![]() |
ung church |
yan lang naman ung nangyari.. ung four days na yun, super saya ko talaga. Nung mga time na yun wala akong naisip na kahit anong nakakapagpasad sa'kin, ni hindi ko namiss ung Cavite. Yun lang naman ung antagal ko hinintay e, ung makauwi ulit dun tapos makita si papa, masaya na ako dun. Alam mo ung feeling na parang kumpleto ka ulit, na kahit panu ung missing part na yun sa buhay mo kahit panu hindi na empty,. :))
next blog. all about kay papa lang. PAHABOL: sabog noh?? haha.
nice nman ;)
ReplyDeleteSo happy for you..:-)
ReplyDeletewhoa!! salamat po... sino kaya nagcomment dito. :))
ReplyDelete