pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Monday, December 31, 2012

balik-tanaw sa 2012 ko :)


Dahil malapit na mag2013, gagawa muna ako ng sarili kong year end special. :D Few hours nalang new year na, goodbye 2012, super love ko ang year na ‘to kasi favorite ko ang twelve at madaming life-changing  events na nangyari and of course madami na naman akong natutunan lahat un utang na loob ko kay papa God. Sama ka? Tara at maglook back tayo sa 2012 ko.
January, nagstart kami ng work sa Jollibee. Hmmm. Eto siguro isa sa di ko makakalimutang part ng buhay ko, kasi once in my life nafeel ko maging working student oha! Mahirap pero masaya kasi enjoy ung ginagawa ko, at kaibigan mo lahat, di mo mafifeel na work ung ginagawa mo at importante un. Madami akong nakilalang tao xiempre kasama na siya(the who? E di si first ex. hoho) Saka madami ako natutunan dun, hindi lang panu magSS basta madaming-madami. Cute pa nento may crush ako sa JB dati ka-aura kasi ni JCFL(initial yan xD!) at ang twist nian di ba dun ako nadevelop sa tito nia. Hoho! Irony of life nga naman. Note: hindi this month ako nainlove kay MMTG ah.
February, hindi ko masyadong tanda mga happenings pero sure ako na may Valentine’s day nento haha! This month ko ginawa ung “dear future boyfriend” letter ko na ngayon e nasa kamay na ni MMTG. Hoho! Ano pa ba? This month ko na din pala naging crush si MMTG, kasi mejo nakakaclose ko na siya e mabait at kasundo ko pag duty haha! This month din ung nabasa nia ung letter na yun kaya siguro gumaan loob ko sakanya kasi kahit weird ung ginawa ko hindi naman niya ako pinagtawanan. Note ulit: hindi kami this month naging mag-on, nabasa niya lang ung sulat na un. Oh di ba who would thought nung una na siya ung unang nakabasa nun at sa kanya ko din pala talaga ibibigay yun.
March, dahil graduating na ayon super busy nento dahil sa mahal na mahal kong thesis. Hoho! This month din ung di na ako nakapasok sa JB, mga last week of March siguro un, mas priority ko kasi nun ung thesis at nawawalan na ako ng time. Di ko sila pwedeng pagsabayin kasi pag ginawa ko un pano ako gagraduate? Ayon so give up ang career :D Meron ding Gen.Meet ang JB nento, ewan ko pero sabi nila dun daw kami nadevelop, feeling ko naman hindi, matagal naman na kaming close sa counter area. Haha! Pero it opened the door nga siguro into something. Kasi magkateam kami nun at kami ung magkatabi sa upuan so ayon tapos naging partner ko siya sa game haha! Un lang naman.
April, wala ako ginawa ng month na ‘to kundi magpakabusy sa thesis. So much as in. Graduation din namin ‘to hoho!! Xiempre masaya ‘tong month na ‘to for me kasi nakaakyat ako ng stage na suot ang itim na toga :D ok lang kahit hindi naging cum laude, masaya na ako sa running lang haha!! Pressure pa kaya pag nangyari un. Hoho! At eto din siguro ung “guilt month” for me. Why? Kasi may umiyak na girl dahil sa’kin. Ansama ko kasi noh? Nakipagbreak si MMTG sa girlfriend niya dahil sa’kin. :[ Nung nangyari un, I was supposed to be distant to him. Sabi ko sakanya nun itigil niya na, stay with her ex-girlfriend kasi kahit panu mo tignan kasalanan ko din kasi. Pero kinausap ako ng pamangkin nia(ung crush kong una), pinagsabihan ako nun as in, ung sabi niya maging matapang naman daw ako kasi si MMTG pinangatawanan ako. Basta madaming pangongonsensya and whatsoever ang nangyari.  Siguro din may feelings na ako for him that time. Siyempre madaming nagalit nung nangyari un kahit panu kasi tignan ako ung lumabas na nang-agaw, meron din namang nakaintindi at sabi nga nila “prove to them na hindi pagkakamali ung pinasok niyo.”Akala ko kasi nun tropa lang talaga, un pala as days went by hindi na, dumating ung time na mas madalas ko pa pala siya katext kesa katext niya girlfriend niya. Di ko yun alam. Yes lumabas kami kahit sila pa ng girlfriend niya nun, ung una was April 04, wala lang naman un sken, nagpalibre lang ako ng sundae kaya ganun. Saka ka-JB din namin ung girlfriend niya nun kaya for me ok lang, walang malisya sken un. Tapos nun nakita daw kami ng ate ng gf nia, so sabi niya sken dati wag daw ako maingay na ako ung kasama niya. So ayon walang nakaalam nun. Mula nun parang napapaisip na ako na oo nga mali na ata ung ginagawa namin. Naulit pa ung pagSm namin, April 09 sa SMB naman, that time kakausapin ko dapat siya na itigil na kung anuman ung meron kami, kasi nun palagi na kami magkatext, constant caller ko na nga din siya e at ramdam ko iba na din talaga. Ang problema hindi ko din nasabi, di ko alam kung bakit pero siguro pinagana ko kasi ung emotion ko kesa sa utak, pfft >.< Kung ginawa ko siguro un wala akong nasirang relationship. Pagkauwi namin nun, sa phone ko lang siya kinausap nun kasi he told me nga na what if hindi na daw siya masaya sa relasyon nila ganito ganyan, so ako ramdam ko na ko kung  bakit niya nafeel un, tinanong ko siya kung isa ba ako sa dahilan bakit nararamdaman niya un at he finally said na ako nga daw dahilan kung bakit. Kamusta naman di ba na ang payo ko sakanya nung una makipagbreak siya kung ayaw niya na talaga, bago ako pa pala dahilan. That day din ung first ever “I love you” na sinabi niya sken. Alam niyo ung nakakapanghina marinig hoho! Anlandi ko ba? Ok un nga, they broke up April 11. Sinabi niya dun sa ex niya na ako nga daw ung dahilan, mahal niya na DAW kasi ako kahit naman DAW nung nasa JB pa, di niya lang DAW masabi kasi sila na nung GF niya. Note once more: wala pong indication ung capslock na DAW jan, pero xiempre sarcastic ako :D. Nung una talaga parang ayoko na, muntik na ako maggive up sakanya nun pero siguro dahil sa dami ng mga sinabi ng iba at dahil siguro sa guilt ko tinuloy ko na xiempre dahil meron na din akong nafifeel.
May, ano ba? Eto naman ung first time ko siya ipakilala dito sa bahay. The first time, ayaw ni mama sa kanya honestly, haha!! Pero nung nagtagal, welcome na siya. As in welcome na welcome na, siya ba naman magpunta dito every week. If I’m not mistaken from May to November, 4 times lang ata siya hindi nakapunta dito ng Sunday. This month din nangyari ung selos thing about JCFL. Alam niyo un, hoho! Great love ko un e, tapos siya nun ano nga ba naman laban niya dun. May time na nagpunta kami ng  PN last week of April, ayon di ba ang bukambibig ko nun sa kanya si JCFL. Ang insensitive ko sa feelings niya, sorry naman for that. Siguro this month nagsimula ung pagkainsecure niya dun, hoho! 60-40 ba naman ung ratio na sinabi ko sa kanya nun.
June, eto na!!!  MU na kami nento I must say, ung kulang nalang ung official date. Hoho! One thing I’ll never forget: first kiss(umiyak ako nian promise at nanghina ung tuhod ko). Sa mga nagtanong po kung kelan ung first kiss namin at sinagot ko ng hindi ko tanda sorry po, e kasi di ko alam panu sasabihin na nauna ung kiss kesa sa official OO (pffft, kasi naman aggressive un, bigla di ba, e di natulala ako.) Kahit di kayo naniniwalang di ko talaga tanda kasi nga ang memory ko pag ganyan e active. sorry pa din kasi nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi ko tanda.hoho! June 03 po yun. Birth month niya nento, Masaya nian may nabasa ako sa FB nia that exact date na super kinasama ng loob ko. Sinabi nia sa kachat niya PROSPECT niya ako, take note hindi lang isa pero dalawang tao ung nakachat niya na ganun ung sinabi niya. For a girl, ano mararamdaman mo pag nalaman mong prospect ka lang ng isang guy, offensive di ba, nakakagago sa feeling. Kung may makabasa man nito, sorry dahil di ko nasabi sa inyo ung part na yan. Ewan ko ba, disappointing na kasi un sa part ko, ayoko nang mafeel na pati ibang tao mafeel un for me. Prospect niya ako, at mukang may gusto din naman daw ako sakanya kaya kayang-kaya niya daw. Promise nung nabasa ko un nanliit ako sa sarili ko, pakiramdam ko kasi gago ‘to pinaglalaruan lang ba ako nento.  That time talaga hindi ko siya tinext nun at dapat patitigilin ko na siya. Dapat pero hindi ko ginawa, mas lamang kasi ung nagpadala ako sa mga salita niya saka sa mga effort niya. Kahit kelan talaga tanga ako pagdating sa love.
July, hmm wala ako masyadong tanda. Basta alam ko lang 3 months na silang break nento, at dapat this month ko gagawing official ung sa’mim pero hindi pa kasi hindi pa ako sure sa nafifeel ko sakanya, honestly kasi anjan ung JCFL thing  na ewan ko ba kung bakit hindi ko maletgo un. Ayon I remember na, this month umalis si JCFL pumunta siya Malaysia at bago siya umalis nun tinanong ko siya kung pwede na ako magmove on sakanya(baka kasi sabihin niyang wag muna di ba, charot!!) haha! Seriously, gusto ko kasi ng closure ung samin, un talaga ung missing part bakit di ko kayang iletgo ng ganun nalang at hindi ko maicommit ung sarili ko sa iba.Note once again: hindi po naging kami ni JCFL, maarte lamang po ako siguro kaya may ganun.  Finally JCFL say sorry sa nangyari sa’min, nagkalinawan kami kung ano ba talaga ung nangyari sa’min at masaya na ako na once pala e we both have the same feeling :]. Un nga sabi ni JCFL nun “oo magmove on ka na, antagal na nun ngayon mo lang ba papakawalan ung sarili mo sken.” Umiyak ako nian, lagi naman basta si JCFL pinag-uusapan. Hoho! So ayon nga, mula nun I decided na ibabaling ko na lahat ke MMTG. Nakatulong din siguro ung pagpunta niya sa ibang bansa nun, that time nagfocus naman ako kay MMTG at alam ko naman na totoo ung nafeel kong love sakanya nung naging kami na, naging loyal ako sa kanya.
August, ano ba nangyari nun? Hoho! Eto ung malapit na maging kami, oo nalang ung hinihintay. Dapat talaga this month ko siya sasagutin e, ewan ko ba bakit hindi. Siguro kasi hindi pa ako ganun kasure sa nafifeel ko,ayokong magsisi, ayokong madaliin kasi ayokong magfail ung unang try ko sa ganun. I admit takot akong pumasok sa relationship kasi alam ko na it all ends with goodbyes at ayoko nung iniiwan ako, ayoko talaga nun promise.
September, official 09/09/12. :] Gets naman na kung ano yan, bago ko siya sagutin nun nagsimba ako sa Baclaran, humingi ako ng guidance kay Papa God pero siguro di effective ung dasal mo kapag sa tao na walang initiate para magwork. Pano ba nangyari nun? Ayon bago siya umuwi nun, inabot ko sa kanya ung “dear future boyfriend” letter na ginawa ko ng February at given the point na slow siya nun, di niya nagets agad so sinabi ko din na kami na. haha! Nawala ung element of surprise dun. So ayon nga may boyfriend na ako, for the first time haha! Masaya ‘tong month na for us. Pinakilala niya din ako sa kanila e mahiyain pa naman ako haha!! This month din ung nagkawork na ako, yiee!!
October, maliban sa nagbirthday ako ayon at ano pa ba nangyari nento? Xiempre andito ung first monthsary namin, never ko un makakalimutan kasi nagtampo ako sa kanya nun kasi nakatulog xa, Kainis di ba, first ever pa naman un bago ganun nangyari. Hoho! E basta gusto ko kasi mga ganung bagay special dapat, kahit hindi kayo magkasama basta andun ung effort mo to make it special somehow. Ganun!! Haha! Masyado kasi akong nanonood ng TV, akala ko tuloy ganun karomantic ang lovelife pero hindi sa totoong buhay. Ayon mula nun, naniwala na akong walang special sa monthsary. :D Nung birthday ko din, pinagtampo ko ung di nia ako pinagbigyan sa request ko na sumayaw siya ng gangnam style. Ang babaw noh? pero ewan ko ba ganung bagay talaga kinatatampo ko sakanya. Di naman kasi ako more on material things, ayoko nga ng binibigyan niya ako ng kahit ano e, mas gusto ko ung ganun. Ewan ko kasi alam ko kasi na pede naman ung ganun, effort lang para mapasaya ako. Siguro kasi andun ung comparison between him and JCFL sa isip ko, kasi nasanay ako na spoiled kay JCFL sa mga ganung usapan, gets niyo ba? Ung taong sasamahan kang gawin ung mga weird things na naiisip mo, ung pagbibigyan ka sa mga simpleng requests mo na ganun. Ayon, kaya mabilis ako magtampo kay MMTG pag ganun kasi lagi ko naiisip na pag si JCFL for sure gagawin niya un kahit magmuka siyang tanga. Dun sila magkaiba, ung isa maeffort kahit hindi magsalita, ung isa sinasabi pero hindi ginagawa. Alam ko mali naman na icompare ko sila pero sorry naman I can't help it. Eto pa, 2 days before my birthday bumalik si JCFL. Gulat ako nung tinext ako ng kapatid niya “he’s back”, gulantang mode ako nun swear. Alam niyo ung napaGM ako sa mga close friend ko ng college na bumalik na nga siya. Ayon napagsabihan pa ako nun ng isa kong friend bakit daw ganun reaction ko kung bumalik man siya, wag daw ako malilito, baka naexcite lang daw ako na bumalik na siya. May nagsabi pa na un pa din daw talaga, pero di ba once you love someone di na mawawala un. Ano nangyari? Wala naman, di naman naging issue ung pagbabalik ni JCFL, loyal naman kasi ako kay MMTG hoho!
November, ayon masaya to at half niya ayon malungkot na, puro iyak na nangyari. Haha! Kainis e, umiyak na naman ako, iniwan na naman ako ng guy na mahal ko. Wooot!! Second monthsary at break up month hoho! At ung details nasa ibang blogpost ko na. So ayon, very heartbreaking month ‘to for me.
December, xiempre eto na ung ramdam ko na ung emptiness nung space na iniwan nia. Nung una di talaga agad nagsink in sken na wala na, siguro nung 3rd week na kasi umiyak na ako dahil namimiss ko siya, andun na ung sayang things sa isip ko. Eto din ung uso ang katangahan sa’kin. Kasi nagtry pa ako at ano napala ko,nganga! Haha! So ayon di ako papayag na matapos ang 2012 na tanga pa din ako, kaya ayon kinausap ko na siya at dahil muka namang wala siyang balak makipag-usap sa personal, sa chat nalang hoho! Ako ung taong gusto ng confirmation kahit pa ramdam ko na. So ayon nga, sinabi niya na nga mga dapat sabihin at sa totoo lang hinintay ko lang naman na sabihin niya un. Sabihin mo lang na tumigil na ako promise gagawin ko, ganyan ung sinabi ko. E di ayon nakuha ko gusto ko. Umiyak ako nun, umiiyak ako habang nangyayari un, kakatanga ng sarili di ba. After nun ayon hindi ko maexplain pero feeling ko free na ako, siguro kasi alam ko sa sarili ko na wala akong dadalhing tanong sa sarili ko kasi ginawa ko na lahat. Ayon, magaan lang sa feeling na tanggap ko na agad ung nangyari at ngayon hindi na ako nasasaktan kahit pag-usapan pa siya, lamang ung masaya na ako kasi I’m strong enough para iconfront siya for the last time. Wala akong bitterness at what ifs na dadalhin sa 2013, learnings lang.
Bakit puro lovelife review ang nangyari? Hahaa! Pabayaan niyo na, blog ko naman ‘to e .:D yan lapit na magnew year, abot pa ‘to haha!  

Saturday, December 22, 2012

Taste of Bitterness


"Pagtapos ng lahat, eto tayo ngayon parang hindi MAGKAKILALA." Bakit kaya dumadating sa point na kelangan mangyari yan? Is it because of pride or pain? Bakit kailangan mong iwasan ung taong napasaya ka din naman minsan? Part din ba yan ng moving on schema? Honestly, I couldn't get the reason why or I just don’t want to understand things out, maybe it’s a part of my denial.
      Andami kong gustong sabihin sayo, ung harap-harapan para ramdam mo. Gusto ko ng confrontational scene with you, mailabas ko lang ng all-out. I wish I could say all the things I wanted to but I can’t, and if I had will it still makes sense?
Siguro tama ng dito ko nalang ilabas lahat ng bagay na gustong-gusto kong sabihin sayo. Kahit dito lang, kahit ngayon lang, pwedeng magcomplain? Ano bang issue ko na naman? Kasi ganito yun e, naiinis ako sa nangyayari sten ngayon, ayoko ng mga nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa mo, namimiss pa din talaga kita kahit feeling ko wala ka naman ng pakialam, bottomline is: ang sakit na.
Ayokong manumbat pero sabi mo diba, wala namang magbabago? Magkakatext pa din tayo, tatawag ka pa din pag may time, pupuyatin mo pa din ako pag unlicall ka, friends tayo. Asan na po lahat ng yan, kahit man lang isa jan? Siguro nga tama ung ginagawa mong yan but do you have to make me feel you don’t care anymore? Magkaiba naman ata ung umiwas lang sa walang pakialam di ba? Ung stupidity level ko nagincrease na, alam mo ung nagrereachout pa din ako sayo kahit alam ko namang walang response. Hindi naman ako nagdedemand ng reply pag tinetext kita, pero wag naman sana ung ramdam na ramdam ko. Ung dahilan mo childish pa din, nakakaloko pa din ung dating. Ok lang naman magkamustahan di ba, or we can be civil naman, pero bakit ganun kung dedmahin mo ako pakiramdam ko anlaki ng kasalanan ko sayo? Bakit kasi masyado kang nakikinig sa payo ng iba, minsan naman isipin mo kung nasasaktan na ba ako. Hindi ko maexplain dito exactly how i feel at kung ano talaga ung nangyayari basta alam ko lang ang sakit mafeel na wala kang pakialam. Feeling ko you're pushing me away from you, bakit parang ang dali lang sayo lahat? It hurts to see that you're doing perfectly fine without me, and it seems that you don't even have a second thought about your decision. All of a sudden totally stranger ung treatment mo sken, sobra naman ata yun di ba? Siguro coping mechanism mo yan, I don't know if that's your way to handle things pero un nalang ung iniisip ko kesa isipin kong sadyang di ka lang talaga affected.
       December 03,2012 ginamit ko pa ung pantawag ko sayo nun tapos di ba di ko kinaya ung feeling, sobrang iba na, agad2? You even asked me bakit gusto ko tumawag, sabi ko di ba e kasi namimiss kita. C'mon katangahan 101, gustong gusto ko talaga ata ng sinasaktan ung sarili ko. The pain of hearing your voice, the way how i felt the changes in our conversation, the way how i need to stop saying a word coz if I don't,my tears will speak for me, and the way how i force myself not to cry that time, it was a total torture. Ung feeling na kelangan kong magpigil kasi alam kong ayaw mong naririnig na umiiyak ako at ayokong magmukang kawawa na naman. Ang awkward ng time na un, hindi ko alam kung panu ako magrereact sa situation kasi hindi mo na ako girlfriend, di na pwede ung mga nakasanayan ko. Topic pa nga si girl di ba. hahai, talagang sayo pa pinasabi ung reply nia ah. "Wala at hindi totoo" so sino nagsisinungaling siya o ung mga picture at statement ng mga taong andun sa debut nun? Parang mali pa ata na humingi ako ng apology dun sa girl dahil nadamay xa sa issue, tanga kasi ako e dapat pala inaway ko nalang un, may basis naman kasi ako para magalit sa totoo lang. Thank you nalang at mejo matino pa ako at hindi pa dumadating sa level where I need to snoop down to the level na kelangan kong makipag-away dahil lang sayo-- thank god rational pa ako mag-isip. And ikaw pa ung hihingi ng sorry sa kanya dahil damay xa, buti pa nga sa kanya nagsorry ka e. Panu naman ako? Don't I deserve it, kahit isa lang? "Alam ko hindi ako dapat nagpapicture ng ganun, wala na akong magagawa nangyari na un e, nakita mo naman na un di ba" muka bang sorry ka sa mga statement mo jan? Honestly hindi, feeling ko nga mas sorry ka pa sa kanya e. Hanggang sa huli  pinagtanggol mo pa din siya, pinagtanggol mo pa din ung ginawa mo.
Buti pa nga bestfriend mo nagagawa akong kamustahin e. Alam mo ung masakit dun? Ung nalalaman kong di ka man lang affected at mukang masaya ka. Kahit bestfriend mo hindi magawang idefend sa'kin ung ginawa mo, kahit xa aminadong malandi ka, kahit siya alam niang mali ka at buti pa siya sinabi sa akin kung ano talaga ung nangyari nung debut kahit alam niang masakit para sken kahit alam ko pinagtatakpan ka pa din nun kahit pano. "Wag mong hayaan na siya ung magdown sayo kasi siya ung nang-iwan", see how your bestfriend cheers me up, he tell me things kahit alam niang masakit atleast totoo, buti pa xa may pakialam sa nararamdaman ko, he takes time para magtanong kung kamusta na ba ako e ikaw? Parang di mo ako kilala ah, kung makapagreact ka parang ikaw pa ung bitter, the way you treat me parang ako ung nakipaglandian sa debut at hindi ikaw, parang ako ung nagpakasingle habang tayo pa. Dapat ako ung nasa posisyon mo e.
Nakakapagod na umintindi sa totoo lang, parang lahat ng nangyari nilagyan ko na ng magandang explanation, ung justifiable sa part ko pero minsan ramdam ko pa din ung totoo e. Minsan kahit ako hindi na din kayang pagtakpan ung mga ginawa mo. Minsan nga feeling ko mabait pala ata ako at ganito lang reaction ko sa lahat2. Hindi ko man mailagay dito kasi pag detailed baka novel na 'to at di ko na talaga maexplain sa word, ung alam ko lang masakit pero di ko masabi in what extent. Sabi nga ni Angelica "ang pera natin hindi basta2 mauubos, pero ang pasensya ko konting-konti nalang!" Dahil di pa ako mayaman, rephrase ko konti, ganito: "ung love ko sayo hindi basta2 mauubos pero ung pasensya ko konting-konti nalang!" Korni noh? just to make the feeling light, segway konti. Pero aminado ako nakakaubos pasensya ka na, konting konti nalang anger na. Feeling ko hindi pala dapat kita intindihin ng ganun kasi nagiging insensitive ka, maiisip mo ok lang ung ginagawa mo kasi naiintindihan ko. In that case I don't help you to grow, I'm just giving you more reasons to think that there's no wrong doing it. Magiging katulad lang din nila ako, hanggang may mga babaeng sasalo sayo kapag iniwan mo ung isa at hanggang iintindihin ka nung taong iniwan mo, hindi mo marerealize na mali ka. So I guess let's just be both a LESSON LEARNED for one another. :)
Minsan lang ako magmahal ng ganito, kaya sulitin mo na. I've done so much stupid things,all because of those little hopes i have but I got paid with nothing but pain, pain, and more pain. I won't promise na hindi na ako gagawa ng more katangahan 101, but I guess alam ko naman sa sarili ko kung kelan enough na. Ayoko lang din na dumating ung time na pag naisip kita madami akong what ifs, atleast alam ko sa sarili ko ginawa ko naman na lahat ng pede kong gawin. Inuubos ko lang lahat ng bagay na pede kong pagsisihan na hindi ko ginawa at lahat ng natitirang katangahan sa katawan ko at pag nangyari yun there's no turning back. Hintayin mo lang ako, makakaya ko din ung ginagawa mo. Dadating din ung time na kahit ako WALA NG PAKIALAM SAYO.


Saturday, December 15, 2012

Dear first ex,


                 Sabi ni Papa Jack, for you to move on say sorry, thank you and goodbye. So say those words para makapagmove on ka na, chos! :D Seryoso na nga, I need to do it na ba? Feeling ko kasi wala na e, hindi na kita hihintaying bumalik pa ha? As if namang babalik ka nga, ewan ko ba, di pa din talaga ata nagsisink in sa akin na wala na talaga tayo.  So magmomove on na ako ha? Kasi pag di ko ginawa un madami silang babatok saken. Sabihin nalang nila ung katangahan ko apaw na saka kelangan kong gawin un para sa sarili ko.
                It’s been 456 hours since the last time I saw you, alam mo ba kung ganu katagal un, 19 days na. Kung totoong it takes 21 days to form a habit, 2 days nalang kelangan ko. Sana ganun kadali noh? Kamusta ka na kaya? Ni wala na akong balita sayo. Kahit mukha akong dedma lang, araw2 pa din kita naiisip. Minsan nga iniisip ko din kung naiisip mo din ba ako kahit panu o masaya ka na talaga para di na ako maalala? Namimiss mo din ba ako tulad ng pagkamiss ko sayo? Siguro hindi, kasi pakiramdam ko hindi mo nga ata ramdam ung absence ko sa buhay mo e, anduga! Bakit ako ramdam na ramdam ko? Andaming happenings sa buhay ko na sana sayo ko pa din unang nasasabi, alam mo un. Nakakapanibago pa din talaga, minsan nageexpect pa din ako makareceive man lang kahit isang PM mo. Ung pag may free call ako di ko din ginagamit kasi sayo ko lang naman tinatawag un. Ung phone ko alarm clock nalang ulit xa, kasi hindi na kita nakakatext. May time na ok lang talaga ako, may time na ramdam na ramdam ko siya, tulad ngayon. Kasi naman very good ako, tinignan ko pa profile mo, naalala lang kita, namiss ko lang ung dati :[
                Oi,tinamarie move on letter to di ba?? Bakit saliwa ung topic mo? Eto na nga:

  •     THANK YOU

Para san nga ba? Sa lahat. Di ko un kayang isa-isahin dito. Sobrang laki ng part mo sa buhay ko, ikaw si first e. Thank you una sa LOVE, minahal mo naman ako di ba? Di nga lang siguro enough for you to stay. For  UNDERSTANDING me, alam mo na yan di ba?? Lagi ko sinasabi sayo yan kasi alam ko naman ung ugali ko at salamat talaga kasi tiniis mo naman un.Ilang beses ba ako nagthankyou sayo jan, at lagi mo sinasabi “hindi ako mapapagod intindihin ka tinapotz.” What happened? Ok, nevermind.  Sa lahat ng MEMORIES natin, lahat yun lalo na ung mga special first time moments. Sa HAPPINESS na nafeel ko because of you. Sa lahat ng EFFORTS at CONCERN mo, namimiss ko lahat un. Salamat sa TIME hindi lang un two months, 7 months yan. Sa lahat ng TAWAG, TEXTS, pati pag KINAKANTAHAN mo ako pag nirerequest ko, as simple as that. Sa PAGPUNTA dito sa bahay every Sunday, sa mga MOVIE DATES natin. Sa EXPERIENCE kung ano ung feeling ng may boyfriend, history ka na e. di ko man mailagay lahat ng bagay na kailangan ko ipagpasalamat sayo, sana alam mo na kahit ganun thankful pa din ako. Sa bagong LESSON na ikaw siguro ung ginawang way ni papa God for me to learn. Last na siguro ung CLOSURE, salamat dun.

  • SORRY

Dito ata madami e. pakiramdam ko kasi kasalanan ko talaga bakit umabot sa ganun. Hindi ko na alam, pero mas madali kasing isipin na ako ung may mali kesa paniwalaan ung dahilan mo. Sorry kasi NAHIRAPAN ka dahil sken. Sabi mo nga di ba, “ayoko muna ng love, ang hirap pala. Nahihirapan ako sayoooooo.” Ouchy naman sa part ko un di ba? Feeling ko ganun ba talaga ako kahirap ihandle para masabi mo un.  Kaya nga tinanong kita nun kung mas lamang ba ung nahirapan ka kesa sa naging masaya ka sa relationship natin. Para sa pagiging SELOSA ko, aminado talaga ako dun, kasi naman, ung mga babae sa paligid mo. Sa pagiging MATAMPUHIN ko, ung konting bagay na kinakatampo ko, sorry dun. Siguro nga sumosobra ako, ayoko lang kasi ng feeling na hindi mo ako naaalala minsan o kaya parang nababalewala ako ganun. Sa pagiging PARANOID ko, kung ano2 man ung mga naisip ko dati, kung palagi man ako nagtatanong sayo, sorry, di mo talaga maaalis sken un, kasi andun ung fear na baka mamaya bigla mo nalang ako makalimutan pag sobrang enjoy ka na sa attention ng iba. Hindi ko naman alam na isa un sa magiging dahilan, bakit kasi inipon mo lahat e, sana inisa-isa mo para hindi mabigat, baka nasave pa, baka siguro tayo pa. Sa pagiging TOPAKIN at MOODY ko, given na un sa babae. Hindi ko alam kung sobra ba ung sa’kin o nagsawa ka lang talaga? Sa lahat ng PANG-AAWAY ko sayo, sorry para dun.  Sa pagiging MAKULIT ko,  kung matanong man ako, o kaya lagi kita kinukurot o minsan iniinis, lahat un way ko lang para lambingin ka, minsan lang siguro hindi mo nagegets. Sa PAIN?? Kung nasaktan man kita, sa kahit anong paraan, sorry. Dun sa mga joke ko minsan na hindi ko alam may effect pala sayo, sana di ko nalang sinabi. Kung dumating ung time na feeling mo WALA KANG GINAWANG TAMA, I really want to apologize because of that. Hindi ko alam panu mo naramdaman un pero sorry kung FAULT-FINDER ako. Sa pagiging PASAWAY ko, kung hindi man ako nakikinig minsan,kung pinapasakit ko minsan ung ulo mo. Saka sorry kung naiinis sila sayo, hindi ko alam kung pano ipaliwanag sa kanila in a way that I see things.  Di ko maexplain, di kita medefend sa kanila, sorry.

  •     GOODBYE

Pwede ba wag muna ‘tong part na ‘to?? Kasi ayoko talaga ng goodbyes, kasi ayoko ung feeling na naiiwan ako. Pero  tapos na ‘to e, ikaw na nga ung gumawa, ang part ko nalang is to accept things, to let go of the thought that we could still be together. Sinasanay ko na ung sarili ko na wala ka sa buhay ko, wala ng mackypotz, MMTG,lalabz, boyfriend ko. Pinipilit kong maging busy para di ka maalala minsan. Ang weird lang ung iniiwasan kong magkaroon ako ng time na isipin ka. Pano ba kasi ‘tong part na ‘to?? Hmm… alam mo naman un,  kaya ko ‘to, magiging ok din ako ulit. Konting time lang, di na kita ganito kamiss, di na kita maaalala, makakaya ko din ung ginagawa mo. Tanggap ko na ung nangyari, once again someone special left me. Dati pa naman di ba, napanaginipan kong iniwan mo ako tapos super iyak ako hanggang paggising ko tapos sinabi ko sayo wag mo ako iiwan ng ganun2 lang, sabi mo pa hindi dadating ung time na yan. Ano nangyari na po?? Taste of bitterness again, pffft. Sabi nga nila, “promise,promise ka pa IIWAN mo din pala ako.” Siguro talaga tama si Papa Jack, naimbento ang salitang BROKEN PROMISES dahil sa inyong mga lalaki. Ok enough na nga, san na napupunta e. Basta aun, I gotta move on, at sana pag nakita ulit kita kaya na kitang tignan at ngingitian nalang kita without wanting to have you back again.

Kung mabasa mo man ‘to, counterpart yan ng “dear future boyfriend” letter ko na binigay ko sayo nung naging tayo. Ambilis ng panahon, dati boyfriend lang kita ngayon ex na.Wala naman akong regrets na ikaw ung una, kung meron man un ung mga nagawa ko para maramdaman mo un at para magkaron ka ng dahilan para makipagbreak. Siguro nga I wasn’t born to be lucky in love.  Ingat ka palagi ah, wag mo pababayaan ung sarili mo, kumain ka lagi para tumaba ka para pag nakita kita hindi ka na tikling. Sana magmatured ka na din kahit konti. Wag kang tongekz ah, sa pagpasok sa work, sa paglalaro niyo ng basketball, basta palagi. Dito ko nalang sasabihin yan. Nasaktan mo ako pero wag mo sana iisiping galit ako sayo, tulad nga nung sabi ko naiintindihan kita at iintindihin pa din kita.


NOTES sa CP ko.

December 02,2012
       Gising pa ako. First week,ang hirap. Di talaga ako sanay na. Super namimiss kita. Ung dati super saya  ko pag Sunday ngayon hindi na. Pakiramdam ko lahat dito sa bahay pinapaalala ka sken, miss na kita sobra. Kaya ayaw ko ng nakakapagisa ako e kasi ganito. Wala na ako ihahatid pagtapos ng GGV, wala na ung palagi ko kasama manood nun. Ung mga simpleng texts mo, tinatry kong masanay na wala na ulet ung mga ganun.Nakakainis kasi ako ganito pero ikaw parang ang ok mo lang. 
         Sabi mo madami pa tayong monthsary na dadaanan, bakit dalawa palang sumuko ka na? Sa totoo lang di ko inexpect na you’d give up on me that easy, kc never ko inisip na ganun kababaw. Ang weak mo, 10 days lang tayo nde nagkita ganun na. I trusted you enough not to break your words pero wala I end up disappointed at eto ako ngaun iniwan na naman ako ng taong mahal ko.
       Ano ba talaga mali sken? I can’t help to blame myself about it. Kung di ba ako ganun andito ka pa din? Sana di nalang ako naging makulit kakatanong minsan, sana di nalang ako naging matampuhin, sana di nalang ako nagpalambing sa fb ng simpleng status o wall post, sana di nalang ako naging selosa, sana di ko nalang naparamdam sayo lahat ng naparamdam ko, siguro ngayon masaya pa tayo, mahal mo pa ako at ako pa din ung tinatawag mong "girlfriend ko".

Sunday, December 09, 2012

For the sake of WHY...


Why did we broke up, that’s  simply the most heard question I had to answer when it happened.  That feeling when you have to deal with it so many times , it sucks, it’s like you’re going through it over and over again. Once and for all I have to write this,  “isang bagsak” as what I called it.
It was November 24, when he finally said it, actually sa text lang ung una. Arggh! I deleted his messages, can’t remember the exact words but it goes like “basta tinapotz parang ayoko muna ng relationship, ung walang magagalit, magtatampo,ganun. Gusto ko muna ung enjoy lang.” Imagine the scenario that I was on my work that time, ung iiyak ka na pero kelangan mo pigilan kasi muka kang tanga. Pffft! Honestly I expected it to happen, you know the intuition we have, mostly us girls. Totoo pala ung kahit gano ka kaprepared iba na pag actual. That day, after work nagpunta ako sa kanila just to make things clear, I don’t want to end up things like that.  Gusto ko lang naman ung personal break up, and knowing the fact that it came from him, masakit pala. Alam nio ung iba pag naririnig mo ng personal, ung pain di mo maexplain, ung iiyak ka nalang kasi sobra na. I cried in front of him, where’s the pride in me that time? I asked him kung ayaw nia na ba talaga, and he was so sure about it, he already made up his mind.  Actually I’m not crying, I sobbed, sobra. I guess I asked him for seven or more times, ganun ako kakulit that time kahit pare-pareho lang naman ung naririnig kong sagot. “Ayaw nia na, he want his freedom, he missed his single life, he enjoys no one to worry about, no one to think about when he’s with other girls, nahihirapan daw siya, ayaw nia daw muna ng love,  and his love lessened, ouch.”  For nine days lang narealize niya ung ganun, pede ko bang sabihin na kami pa nagpapakasingle na siya? Tss.
Why did it get there? I must say he stopped trying.  Ung feeling mo wala na siyang effort na ayusin coz he finally made his decision. Kahit sabihin niyang he tried, I know he didn’t. Its not being close-minded but I know when he is and when he’s not. Panu nga ba nagsimula un, could I say mula nung galing siya sa debut? Yes it was. Sabi nga ng mama ko, kahit di nia sabihin dun nagsimula un. November 11, he attended a debut,anong meron sa debut na un, well it’s another story.  Weekly we see each other, every Sunday then that time hindi, kasi nga nagpunta xa ng debut, at ok lang naman sa’kin un. November 09, nagpunta naman siya dito. That time,Sunday, ok naman kami, ok pa kami although nagtatampo na ako kasi di xa nagunli, kasi naman nagbigay xa ng oras tapos hindi naman pala, ayoko pa naman ng ganun parang naghihintay lang ako. I’m the type of person na pag nagbigay ka ng time, do it or go die. Haha! Hmmm.. I don’t know how to elaborate things more, basta it started there, feeling ko ha. November 12-19, a week na ramdam ko iba na, ewan ko pero nararamdaman ko talaga I have something to worry about. Accidentally I saw a picture, group picture pa nga ung una and dun palang tumaas na kilay ko, why that close to that girl? As in lahat kelangan sila magkadikit, ung temper ko nun di ba… woot!!! Then ok lang e, kaya ko ung palampasin kahit alam ko sa sarili kong big deal sa’kin un at nagseselos ako pero group picture nga naman un, consideration nalang J. But the next pictures I saw, just the two of them, ano yun pictorial, loveteam at ganun magpapicture, ampness!! If I could only post those pictures, but for their privacy nalang and my remaining respect for them wag na. As a girlfriend that time may dahilan naman siguro ako para ikaselos un, not being defensive pero alam ko normal lang ung reaction ko dun. Ano ginawa ko, I confronted him about those pictures and ano sagot niya, wala lang un.Then tinulugan nia pa ako that time with that issue unresolved at paggising niya parang walang nangyari, ok lang ganun, I don’t know kung umiiwas ba siya sa issue o  ganun nalang xa kainsensitive para di mafeel na he must do something about it to prove na wala lang un. I just need assurance and I don’t get it from him that time, what would you expect me to do hahayaan ko nalang na ganun, paranoid na siguro ako but I know may pinanggagalingan ung worries ko. Alam ko may mali, the way he reacted about it and the way he reacted with other selos thing at un ung di ko makuha that time, ung assurance na wala lang talaga yun. 19, sabi ko maguusap kami, gusto ko kasi maayos na kasi super di na kami nagkakaintindihan(sabi nia un), ung ako na ung nagpunta sa kanila para lang maayos pa. What happened? We talked about the cause of chaos(chaos talaga ang term xD!) and ano, just the same lame excuses, wala lang un, lesshe lang nakakaloko. Sila lang daw kasi magkasama that time, so asan ang tropa nia, kainesss!! ung iyak na ako sa super inis atsama ng loob, muntanga lang.Ung mejo valid reason naman ung kayang iaccept ng utak ko. And one thing he said na super di ko maaccept, sobrang higpit ko na daw kasi, oh my! Mahigpit daw ako? What part? Kung mahigpit ako  di sana di ko nalang xa hinayaan magpunta ng debut at kami nalang magkasama nun, kung alam ko lang na ganun mangyayari sana pala pinaghigpitan ko nalang siya. Wala naman ako maisip na bagay na di kita hinayaang gawin mo, kaya nga sinasabi ko sayo di ba, nde mo kailangang magpaalam sa’kin kasi di mo naman ako magulang. You still have your own life with your friends, grabe pinagdamot ba kita? SELOSA ako, yan ung alam ko and I won’t have to deny it.  At insecure ako sa lahat ng babaeng nakapaligid sayo, kasi naman andun ung fear na mangyari nga un. Sabi mo paranoid ako, e kasi I have reasons to be, ung sinabi ko sayo na what if history repeats itself pala? Bakit ko nasabi un kasi ung mga times na kahit sa text na nga lang alam kong wala ka ng time, sasabihin mo pa wala ka ng masabi kaya ganun, konting sensitivity naman sa feelings ko di ba, alam ko may ibang nakakatext ka na. Seems like ganun ung nangyari sten di ba? You left your ex for me, and is this what happened to us? Seemingly karma ko na ba ‘to? Anyway I don’t want to jump to conclusion wala pa nga naman akong napapatunayan o I have enough na?? ;) After that ok na, kahit di pa clear sakin ok nalang, matapos nalang maayos nalang, masave nalang. Sabi nga ng quote, minsan kelangan mo nalang xa paniwalaan para matapos na. Then I thought ok na, OK na hindi ayos na. I know may something pa din, ung pagkauwi ko uh-oh, parang walang nangyari..  Ganun ulit, parang hello po napagusapan na di ba, ok na nga e tapos ganun agad2? Tss… From that time, let’s just say November 20 na, I prepared myself na papunta na dun . Alam nio ung nagpray pa ako sa Baclaran and asked God for guidance na kayanin ko kasi alam ko malapit na, hinihintay ko nalang na sabihin niya. For those times, I pretended na hindi ko ramdam ung coldness niya, dedma nalang, pinigilan ko din magtumampo ever. Pero suko ako, ang hirap pag ganun so ang ending I want to make things clear, ikaw na mukang tanga na push pa ng push kong ramdam mo ng ayaw niya na. Then November 24 came and it ends there.
Why did I stop trying? Feeling ko ginawa ko na ung dapat, parang feeling ko tama na ung effort ko. Nakikita ko din na masaya na talaga siya and I don’t want to be selfish naman. Higit sa lahat siguro enough na ung pain para tigilan ko na. November 25, he went to our house at ang plano ay sabihin namin kina mama ung totoo, atleast alam nila kasi ako hindi ko kayang sabihin sa kanila un ng ako lang. Alam ko kasi maaawa sila sken, ayoko pa naman nun and I know how concern they are, ganun nila ako kamahal. Oh anlayo na ng issue, balik. xD!!! So ayon nga hindi din namin nasabi so paguwi nia nagusap pa kami sa labas, kung ano gagawin namin. Kung panu ipapaalam kina mama. So clear na di ba, wala na talaga. That time, ang ok namin, nagkukulitan pa nga kami e, ung parang wala lang, and I must admit I don’t feel the same way as what I showed him. I even asked him if hindi na ba talaga kaya, kasi may little hope pa ako na kaya pa pero wala final na talaga so aun, I can’t do something but to accept it. Naghiwalay kami ng ok, pero masakit sakin xiempre.  Then Monday, I received messages from him telling me that I don’t need to tell them na wala na kami kasi tama daw ako kaya pa daw isave yun, he even called me girlfriend again. So ako naguluhan pero siyempre natuwa din about dun, but andun ung doubt ko na teka totoo na ba ‘to . kaya nung tinanong ako nila nun kung ano dapat ung sasabihin namin di ko na sinabi kasi nga kami na daw ulit. Then around 9 nagising xa,  sabi nia kung naguguluhan na ba daw ako sabi ko oo naman, clear na ung usapan na wala na e tapos magtetext siya na kami na ulit, then I asked him what changed his mind? You know his answer? “hindi naman sa nagbago ung isip ko tinapotz, wag mo na isipin ung sinabi ko, break na talaga tayo.” Oh di ba, isn’t it that insulting on my part? Grabe, ung natitirang pagintindi ko sa part nia naubos bigla, he might don’t understand how things like that could hurt me. Wala ba siyang idea ganu kasakit sa part ko ung ganun, boys will never understand how little things they do could hurt us.  Because of that, and sa nakikita kong masaya na siya, at sa mga nalaman ko pang alam kong hindi ko na kelangan pang sabihin dito, I know I should stop. Let go of him or still hold on, both hurts but that’s the only option I have and I guess this time I should learn to give up when things aren’t meant for me. Someday, you’ll realize, ikaw ung naiwan at hindi ako.