pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Monday, December 31, 2012

balik-tanaw sa 2012 ko :)


Dahil malapit na mag2013, gagawa muna ako ng sarili kong year end special. :D Few hours nalang new year na, goodbye 2012, super love ko ang year na ‘to kasi favorite ko ang twelve at madaming life-changing  events na nangyari and of course madami na naman akong natutunan lahat un utang na loob ko kay papa God. Sama ka? Tara at maglook back tayo sa 2012 ko.
January, nagstart kami ng work sa Jollibee. Hmmm. Eto siguro isa sa di ko makakalimutang part ng buhay ko, kasi once in my life nafeel ko maging working student oha! Mahirap pero masaya kasi enjoy ung ginagawa ko, at kaibigan mo lahat, di mo mafifeel na work ung ginagawa mo at importante un. Madami akong nakilalang tao xiempre kasama na siya(the who? E di si first ex. hoho) Saka madami ako natutunan dun, hindi lang panu magSS basta madaming-madami. Cute pa nento may crush ako sa JB dati ka-aura kasi ni JCFL(initial yan xD!) at ang twist nian di ba dun ako nadevelop sa tito nia. Hoho! Irony of life nga naman. Note: hindi this month ako nainlove kay MMTG ah.
February, hindi ko masyadong tanda mga happenings pero sure ako na may Valentine’s day nento haha! This month ko ginawa ung “dear future boyfriend” letter ko na ngayon e nasa kamay na ni MMTG. Hoho! Ano pa ba? This month ko na din pala naging crush si MMTG, kasi mejo nakakaclose ko na siya e mabait at kasundo ko pag duty haha! This month din ung nabasa nia ung letter na yun kaya siguro gumaan loob ko sakanya kasi kahit weird ung ginawa ko hindi naman niya ako pinagtawanan. Note ulit: hindi kami this month naging mag-on, nabasa niya lang ung sulat na un. Oh di ba who would thought nung una na siya ung unang nakabasa nun at sa kanya ko din pala talaga ibibigay yun.
March, dahil graduating na ayon super busy nento dahil sa mahal na mahal kong thesis. Hoho! This month din ung di na ako nakapasok sa JB, mga last week of March siguro un, mas priority ko kasi nun ung thesis at nawawalan na ako ng time. Di ko sila pwedeng pagsabayin kasi pag ginawa ko un pano ako gagraduate? Ayon so give up ang career :D Meron ding Gen.Meet ang JB nento, ewan ko pero sabi nila dun daw kami nadevelop, feeling ko naman hindi, matagal naman na kaming close sa counter area. Haha! Pero it opened the door nga siguro into something. Kasi magkateam kami nun at kami ung magkatabi sa upuan so ayon tapos naging partner ko siya sa game haha! Un lang naman.
April, wala ako ginawa ng month na ‘to kundi magpakabusy sa thesis. So much as in. Graduation din namin ‘to hoho!! Xiempre masaya ‘tong month na ‘to for me kasi nakaakyat ako ng stage na suot ang itim na toga :D ok lang kahit hindi naging cum laude, masaya na ako sa running lang haha!! Pressure pa kaya pag nangyari un. Hoho! At eto din siguro ung “guilt month” for me. Why? Kasi may umiyak na girl dahil sa’kin. Ansama ko kasi noh? Nakipagbreak si MMTG sa girlfriend niya dahil sa’kin. :[ Nung nangyari un, I was supposed to be distant to him. Sabi ko sakanya nun itigil niya na, stay with her ex-girlfriend kasi kahit panu mo tignan kasalanan ko din kasi. Pero kinausap ako ng pamangkin nia(ung crush kong una), pinagsabihan ako nun as in, ung sabi niya maging matapang naman daw ako kasi si MMTG pinangatawanan ako. Basta madaming pangongonsensya and whatsoever ang nangyari.  Siguro din may feelings na ako for him that time. Siyempre madaming nagalit nung nangyari un kahit panu kasi tignan ako ung lumabas na nang-agaw, meron din namang nakaintindi at sabi nga nila “prove to them na hindi pagkakamali ung pinasok niyo.”Akala ko kasi nun tropa lang talaga, un pala as days went by hindi na, dumating ung time na mas madalas ko pa pala siya katext kesa katext niya girlfriend niya. Di ko yun alam. Yes lumabas kami kahit sila pa ng girlfriend niya nun, ung una was April 04, wala lang naman un sken, nagpalibre lang ako ng sundae kaya ganun. Saka ka-JB din namin ung girlfriend niya nun kaya for me ok lang, walang malisya sken un. Tapos nun nakita daw kami ng ate ng gf nia, so sabi niya sken dati wag daw ako maingay na ako ung kasama niya. So ayon walang nakaalam nun. Mula nun parang napapaisip na ako na oo nga mali na ata ung ginagawa namin. Naulit pa ung pagSm namin, April 09 sa SMB naman, that time kakausapin ko dapat siya na itigil na kung anuman ung meron kami, kasi nun palagi na kami magkatext, constant caller ko na nga din siya e at ramdam ko iba na din talaga. Ang problema hindi ko din nasabi, di ko alam kung bakit pero siguro pinagana ko kasi ung emotion ko kesa sa utak, pfft >.< Kung ginawa ko siguro un wala akong nasirang relationship. Pagkauwi namin nun, sa phone ko lang siya kinausap nun kasi he told me nga na what if hindi na daw siya masaya sa relasyon nila ganito ganyan, so ako ramdam ko na ko kung  bakit niya nafeel un, tinanong ko siya kung isa ba ako sa dahilan bakit nararamdaman niya un at he finally said na ako nga daw dahilan kung bakit. Kamusta naman di ba na ang payo ko sakanya nung una makipagbreak siya kung ayaw niya na talaga, bago ako pa pala dahilan. That day din ung first ever “I love you” na sinabi niya sken. Alam niyo ung nakakapanghina marinig hoho! Anlandi ko ba? Ok un nga, they broke up April 11. Sinabi niya dun sa ex niya na ako nga daw ung dahilan, mahal niya na DAW kasi ako kahit naman DAW nung nasa JB pa, di niya lang DAW masabi kasi sila na nung GF niya. Note once more: wala pong indication ung capslock na DAW jan, pero xiempre sarcastic ako :D. Nung una talaga parang ayoko na, muntik na ako maggive up sakanya nun pero siguro dahil sa dami ng mga sinabi ng iba at dahil siguro sa guilt ko tinuloy ko na xiempre dahil meron na din akong nafifeel.
May, ano ba? Eto naman ung first time ko siya ipakilala dito sa bahay. The first time, ayaw ni mama sa kanya honestly, haha!! Pero nung nagtagal, welcome na siya. As in welcome na welcome na, siya ba naman magpunta dito every week. If I’m not mistaken from May to November, 4 times lang ata siya hindi nakapunta dito ng Sunday. This month din nangyari ung selos thing about JCFL. Alam niyo un, hoho! Great love ko un e, tapos siya nun ano nga ba naman laban niya dun. May time na nagpunta kami ng  PN last week of April, ayon di ba ang bukambibig ko nun sa kanya si JCFL. Ang insensitive ko sa feelings niya, sorry naman for that. Siguro this month nagsimula ung pagkainsecure niya dun, hoho! 60-40 ba naman ung ratio na sinabi ko sa kanya nun.
June, eto na!!!  MU na kami nento I must say, ung kulang nalang ung official date. Hoho! One thing I’ll never forget: first kiss(umiyak ako nian promise at nanghina ung tuhod ko). Sa mga nagtanong po kung kelan ung first kiss namin at sinagot ko ng hindi ko tanda sorry po, e kasi di ko alam panu sasabihin na nauna ung kiss kesa sa official OO (pffft, kasi naman aggressive un, bigla di ba, e di natulala ako.) Kahit di kayo naniniwalang di ko talaga tanda kasi nga ang memory ko pag ganyan e active. sorry pa din kasi nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi ko tanda.hoho! June 03 po yun. Birth month niya nento, Masaya nian may nabasa ako sa FB nia that exact date na super kinasama ng loob ko. Sinabi nia sa kachat niya PROSPECT niya ako, take note hindi lang isa pero dalawang tao ung nakachat niya na ganun ung sinabi niya. For a girl, ano mararamdaman mo pag nalaman mong prospect ka lang ng isang guy, offensive di ba, nakakagago sa feeling. Kung may makabasa man nito, sorry dahil di ko nasabi sa inyo ung part na yan. Ewan ko ba, disappointing na kasi un sa part ko, ayoko nang mafeel na pati ibang tao mafeel un for me. Prospect niya ako, at mukang may gusto din naman daw ako sakanya kaya kayang-kaya niya daw. Promise nung nabasa ko un nanliit ako sa sarili ko, pakiramdam ko kasi gago ‘to pinaglalaruan lang ba ako nento.  That time talaga hindi ko siya tinext nun at dapat patitigilin ko na siya. Dapat pero hindi ko ginawa, mas lamang kasi ung nagpadala ako sa mga salita niya saka sa mga effort niya. Kahit kelan talaga tanga ako pagdating sa love.
July, hmm wala ako masyadong tanda. Basta alam ko lang 3 months na silang break nento, at dapat this month ko gagawing official ung sa’mim pero hindi pa kasi hindi pa ako sure sa nafifeel ko sakanya, honestly kasi anjan ung JCFL thing  na ewan ko ba kung bakit hindi ko maletgo un. Ayon I remember na, this month umalis si JCFL pumunta siya Malaysia at bago siya umalis nun tinanong ko siya kung pwede na ako magmove on sakanya(baka kasi sabihin niyang wag muna di ba, charot!!) haha! Seriously, gusto ko kasi ng closure ung samin, un talaga ung missing part bakit di ko kayang iletgo ng ganun nalang at hindi ko maicommit ung sarili ko sa iba.Note once again: hindi po naging kami ni JCFL, maarte lamang po ako siguro kaya may ganun.  Finally JCFL say sorry sa nangyari sa’min, nagkalinawan kami kung ano ba talaga ung nangyari sa’min at masaya na ako na once pala e we both have the same feeling :]. Un nga sabi ni JCFL nun “oo magmove on ka na, antagal na nun ngayon mo lang ba papakawalan ung sarili mo sken.” Umiyak ako nian, lagi naman basta si JCFL pinag-uusapan. Hoho! So ayon nga, mula nun I decided na ibabaling ko na lahat ke MMTG. Nakatulong din siguro ung pagpunta niya sa ibang bansa nun, that time nagfocus naman ako kay MMTG at alam ko naman na totoo ung nafeel kong love sakanya nung naging kami na, naging loyal ako sa kanya.
August, ano ba nangyari nun? Hoho! Eto ung malapit na maging kami, oo nalang ung hinihintay. Dapat talaga this month ko siya sasagutin e, ewan ko ba bakit hindi. Siguro kasi hindi pa ako ganun kasure sa nafifeel ko,ayokong magsisi, ayokong madaliin kasi ayokong magfail ung unang try ko sa ganun. I admit takot akong pumasok sa relationship kasi alam ko na it all ends with goodbyes at ayoko nung iniiwan ako, ayoko talaga nun promise.
September, official 09/09/12. :] Gets naman na kung ano yan, bago ko siya sagutin nun nagsimba ako sa Baclaran, humingi ako ng guidance kay Papa God pero siguro di effective ung dasal mo kapag sa tao na walang initiate para magwork. Pano ba nangyari nun? Ayon bago siya umuwi nun, inabot ko sa kanya ung “dear future boyfriend” letter na ginawa ko ng February at given the point na slow siya nun, di niya nagets agad so sinabi ko din na kami na. haha! Nawala ung element of surprise dun. So ayon nga may boyfriend na ako, for the first time haha! Masaya ‘tong month na for us. Pinakilala niya din ako sa kanila e mahiyain pa naman ako haha!! This month din ung nagkawork na ako, yiee!!
October, maliban sa nagbirthday ako ayon at ano pa ba nangyari nento? Xiempre andito ung first monthsary namin, never ko un makakalimutan kasi nagtampo ako sa kanya nun kasi nakatulog xa, Kainis di ba, first ever pa naman un bago ganun nangyari. Hoho! E basta gusto ko kasi mga ganung bagay special dapat, kahit hindi kayo magkasama basta andun ung effort mo to make it special somehow. Ganun!! Haha! Masyado kasi akong nanonood ng TV, akala ko tuloy ganun karomantic ang lovelife pero hindi sa totoong buhay. Ayon mula nun, naniwala na akong walang special sa monthsary. :D Nung birthday ko din, pinagtampo ko ung di nia ako pinagbigyan sa request ko na sumayaw siya ng gangnam style. Ang babaw noh? pero ewan ko ba ganung bagay talaga kinatatampo ko sakanya. Di naman kasi ako more on material things, ayoko nga ng binibigyan niya ako ng kahit ano e, mas gusto ko ung ganun. Ewan ko kasi alam ko kasi na pede naman ung ganun, effort lang para mapasaya ako. Siguro kasi andun ung comparison between him and JCFL sa isip ko, kasi nasanay ako na spoiled kay JCFL sa mga ganung usapan, gets niyo ba? Ung taong sasamahan kang gawin ung mga weird things na naiisip mo, ung pagbibigyan ka sa mga simpleng requests mo na ganun. Ayon, kaya mabilis ako magtampo kay MMTG pag ganun kasi lagi ko naiisip na pag si JCFL for sure gagawin niya un kahit magmuka siyang tanga. Dun sila magkaiba, ung isa maeffort kahit hindi magsalita, ung isa sinasabi pero hindi ginagawa. Alam ko mali naman na icompare ko sila pero sorry naman I can't help it. Eto pa, 2 days before my birthday bumalik si JCFL. Gulat ako nung tinext ako ng kapatid niya “he’s back”, gulantang mode ako nun swear. Alam niyo ung napaGM ako sa mga close friend ko ng college na bumalik na nga siya. Ayon napagsabihan pa ako nun ng isa kong friend bakit daw ganun reaction ko kung bumalik man siya, wag daw ako malilito, baka naexcite lang daw ako na bumalik na siya. May nagsabi pa na un pa din daw talaga, pero di ba once you love someone di na mawawala un. Ano nangyari? Wala naman, di naman naging issue ung pagbabalik ni JCFL, loyal naman kasi ako kay MMTG hoho!
November, ayon masaya to at half niya ayon malungkot na, puro iyak na nangyari. Haha! Kainis e, umiyak na naman ako, iniwan na naman ako ng guy na mahal ko. Wooot!! Second monthsary at break up month hoho! At ung details nasa ibang blogpost ko na. So ayon, very heartbreaking month ‘to for me.
December, xiempre eto na ung ramdam ko na ung emptiness nung space na iniwan nia. Nung una di talaga agad nagsink in sken na wala na, siguro nung 3rd week na kasi umiyak na ako dahil namimiss ko siya, andun na ung sayang things sa isip ko. Eto din ung uso ang katangahan sa’kin. Kasi nagtry pa ako at ano napala ko,nganga! Haha! So ayon di ako papayag na matapos ang 2012 na tanga pa din ako, kaya ayon kinausap ko na siya at dahil muka namang wala siyang balak makipag-usap sa personal, sa chat nalang hoho! Ako ung taong gusto ng confirmation kahit pa ramdam ko na. So ayon nga, sinabi niya na nga mga dapat sabihin at sa totoo lang hinintay ko lang naman na sabihin niya un. Sabihin mo lang na tumigil na ako promise gagawin ko, ganyan ung sinabi ko. E di ayon nakuha ko gusto ko. Umiyak ako nun, umiiyak ako habang nangyayari un, kakatanga ng sarili di ba. After nun ayon hindi ko maexplain pero feeling ko free na ako, siguro kasi alam ko sa sarili ko na wala akong dadalhing tanong sa sarili ko kasi ginawa ko na lahat. Ayon, magaan lang sa feeling na tanggap ko na agad ung nangyari at ngayon hindi na ako nasasaktan kahit pag-usapan pa siya, lamang ung masaya na ako kasi I’m strong enough para iconfront siya for the last time. Wala akong bitterness at what ifs na dadalhin sa 2013, learnings lang.
Bakit puro lovelife review ang nangyari? Hahaa! Pabayaan niyo na, blog ko naman ‘to e .:D yan lapit na magnew year, abot pa ‘to haha!  

No comments:

Post a Comment