"nag-away kami ni mama at naiinis ako kasi wala akong masabihan ng sama ng loob ko. Lalo ko lang tuloy nafeel na malungkot ako. ikaw kasi e!! Sana andito ka pa din . ;( "
TEXT ko sakanya nung gabi ng December 26, 2011. Ewan ko ba, feeling ko lang kasi sana andito ka pa din, sana may nasasabihan ako ng lahat. Siguro akala niya GM ko yun pero text ko lang sakanya yun, gusto ko lang sabihin sa kanya kahit wala naman na siyang pakialam.
Eto naman, laman ng texts ko sa sarili ko kagabi na gusto kong sabihin sa kanya. December 27, 2011.
Sinasaktan ko lang ulet ang sarili ko sa ginagawa ko, :[ Naiinis ako kasi ganto pa din ung nararamdaman ko. Sa tuwing nararamdaman ko na ikaw pa din ung gusto ko, nasasaktan lang ulet ako kasi alam kong wala ng chance at kahit paulit-ulit kita mamiss wala ng magbabago. Gusto ko na maging ok, ung di ka na umeeksena sa utak ko, ung di ko na gustong maging ganun ulet tayo. pero bat ganun?? Sa tuwing sinusubukan ko bumabalik ka ng bumabalik?? Sana kasi tinuloy mo nalang ung di pagpaparamdam dati e, para ubos na lahat ng hopes ko na pwede pa. Bakit kasi bumalik ka pa e?? Nakakainis naman, ang unfair ng life. Bakit ganyan ka?? Nakakainis kasi lagi ko nalang nafifeel na mula nung mawala ka, anlaki ng nawala sa'kin. Nakakainis kasi walang nakakaintindi sa'kin tulad ng ginagawa mo, o siguro kasi sayo ko lang nafeel ung ganung understanding.
Naiinis ako kasi wala ka na para pagsabihan at paglabasan ko ng lahat ng nararamdaman at nangyayari sa'kin. Feeling ko tuloy ngayon magisa nalang talaga ako. Naiinis ako kasi sa panahong ganito mas lalo kitang namimiss at mas lalo ko nafifeel ung emptiness nung space na iniwan mo. Kanina muka na naman akong tanga, nilinis ko ung mga gamit ko, tapos nakita ko ung pabango ko na gustong gusto mo, tapos inamoy ko ulet pati ginamit. pag naaamoy ko yun, feeling ko pinipiga ung puso ko. Ang sakit sakit lang niya, nafifeel ko kasi ung aura dati, bumabalik lahat nung kwento sa isip ko. Bakit ganun?? Ikaw parang ang ok ok mo na?? Bakit parang di ka na apektado?? Bakit ako nalang magisa?? Nakakainis kasi kahit ung simpleng pabango lang na akala ko dedma na after ilang months na hindi ko ginamit, nung naamoy ko lang ulet bumabalik talaga lahat. Bakit feeling ko di ko pa din tanggap hanggang ngayon?? Bakit ganito pa din kasakit??
Naiinis talaga ako kasi parang di naman ako nakakamove on sayo. Bakit ganun, ganun pa din ung pain pag nakkwento kita sa iba o pag may nagtatanong. Bakit ikaw pa din ung naiisip ko pag nakakabasa ako ng mga quotes?? Bakit kasi ginawa mo sa'kin yun e?? Eto na naman ako, para namang kahapon lang nangyari lahat kung makapagEMO ako. Haaaayy, naiinis ako kasi naiisip na naman kita at napag-usapan ka na naman. Aun tuloy, nafeel ko na naman ung missing closure na hinahanap ko. Kasi naman hanggang ngayon di ko pa din naiintindihan kung bakit ganun ung nangyari. Kanina, nabasa ko ung mga sulat ko mula nung nde tayo maging ok. Nakakainis kasi nakasulat dun ung kwento mula nung makilala kita at kung ano lahat nangyari. Namimiss ko lahat yun sobra, Ung iba dun nakalimutan ko na, antanga ko lang kasi binasa ko pa ulet.
Ung notebook ko ng STAT nakita ko din ulet. Binasa ko lahat ng mga sinulat ko dun pati na ung nabasa mo sa likod nun. Ikaw talaga lahat laman nun kahit sinabi ko sayo dating hindi. Ung rose na ginawa at dinikit mo sa likod ng STAT ko, tinitignan ko kanina. Kapag nakikita ko yun dati ang saya2 ko, kinikilig pa nga ako na may mga ganun ka pang nalalaman para sa valentine. Ngayon pag nakikita ko yun super pain ung nafifeel ko, "rose para kyut >D " sabi mo yan pero hindi na siya kyut ngayon pag nakikita ko. It symbolizes na tapos na nga ung kwento. Pati ung balat ng chocolate na binigay mo sa'kin, ung mga sulat at scratch mo, ung balat ng burger na nilibre mo nung nagpunta at manonood dapat tayo fireworks sa PN nun, lahat yun pag nakikita ko, nakakapagpamiss sayo. Anduga mo kasi ee, nakakainis ka.
Kanina dapat isusurprise namin kayo. Nagpromise ako sa sarili ko na pag nakita kita titigilan ko na talaga, magmomove on na ako. Pero bakit ganun? kahit andun na kami, kahit andun na lahat ng chance na makita kita, hindi ka pa din pinakita ni papa GOD sa'kin?? Ano ba naman yun, maniniwala pa ba ako sa sign?? Saka bakit ba ganun talaga?? Ai naku, ansakit pa din talaga pag may nalalaman ako, minsan parang gusto ko nalang sabihing wag ka pag-usapan. Kahit ung simpleng PM mo sa kanila na bakit sa'kin di mo na ginagawa, lahat nun parang super sakit iaccept pag naririnig ko. Di ko naman masabi kasi ayoko na namang magEMO at parang wala namang nakikinig sa'kin. Ayoko din namang makita nila na in pain pa din ako pagdating sayo, kaya nga pag nasasabi nila ung name mo di ko pinapakitang affected pa din ako. Ano ba naman kasi 'to e, ang unfair ko sa sarili ko.
Ang unfair ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon ikaw pa din ung gusto ko. Until now naghohold on pa din ako kahit alam ko namang wala na. Ayoko kasing mafall sa iba e, ayoko na. Di ko maimagine ngayon na may ibang mas magiging better pa sa naging ano ka man sa'kin dati. Bakit ganun, di ko magawang ibaling sa iba ung attention ko. Bakit ikaw ung nagiging ideal guy for me na kung hindi din naman katulad mo wag nalang? Bakit hinahanap ko kung ano ka sa iba at bakit wala akong makitang tulad mo?? Nakakainis naman kasi bakit ba ang manhid manhid mo naman?? Bakit kung kelan kaya ko nang aminin sayo kung ano 'to saka ka naman nagbago?? Bakit kasi di mo man lang hinayaang umamin at magexplain nun para wala na 'kong regrets.
Haaayy, nakakainis! 8 months na akong nagmomove on sayo pero wala pa din. Lapit na mag2012, matatapos na ung year na nakasama kita. Ano ba yan, ang Oa ko kasi. Nakakainis kasi napakamatandain at sentimental ko kaya tuloy andami kong naaalala kahit mga simpleng bagay at dates lang. Kawawa ako kasi ginusto ko 'to. Naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa din malinaw ung kwento at until now hoping ako na one day mag-eexplain ka din. Ang hirap lang mafeel na ikaw lang naman ung nawala pero bakit parang anlaki nung emptiness na nararamdaman ko. Lalo na pag nafifeel kong wala akong masabihan ng lahat, feeling ko magisa na talaga ako. Minsan gustong gusto kong magsabi sayo pero iba na e, hindi na kasi tayo tulad nung dati at inaamin ako na namimiss ko pa din yun hanggang ngayon..
Yan ung confession ko kagabi na sana nasasabi ko sayo, kaso i need to keep it to myself nalang kasi wala namang makakaintindi kung bakit ganito ung nafifeel ko. Nasanay kasi ako na lagi kang anjan for me e, na lagi akong may nasasabihan at lalo kitang namimiss kapag malungkot ako kasi wala nang makikinig sa'kin tulad mo. Haaay! emo nga talaga ako. "KAPAG NARARAMDAMAN KONG IKAW PA DIN UNG GUSTO KO, NASASAKTAN LANG ULET AKO.."
Ouch naman yan, ramdam niyo??
this page is all about me, my life, my sentiments. This is just a personal page where i can post anything i want to, it's a sweet escape from every unwanted feeling i have. :) Writing has always been my coping mechanism, when no one seems to be there i just need my notes or any means where i could burst out everything. yeah, it doesn't speak but it does listen and for me it's more than enough. :)
pagkatao ko?? eto oh:
- emoL♥ve
- * weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..
only few appreciates who i am. :)
Thursday, December 29, 2011
Thursday, December 15, 2011
drafts sa facebook notes ko. :D
THE LAST UNSENT LETTER FOR HIM
don't know how to start this one.. this might be one of the most stupid things that i need to do just for me to feel alright..
don't know how to start this one.. this might be one of the most stupid things that i need to do just for me to feel alright..
it was really a damn but it makes me feel better..
THANK YOU's :
kung pede ko lng sabihin lahat super haba na nito..
- thank you sa lahat lalo na sa madaming FIRST TIMES, andami nian pramiz..
- thank you for being the best guy you could ever be, i really appreciate everything even the smallest things that you do.. Everytime i am with you it feels like i could be myself-- of whoever i am.. you make me feel that no matter what i do, no matter how awkward my actions are you're still there to be with me.
- thank you for all the concerns,for being a father-like image to me..
- for all the texting times and being my most active text buddy back then, kaya tuloy nasanay ako e.
- for the first ever rose i received thank you for being a part of that history . ;)) it's special, really coz you made it personally and everytime i see it, it brings back all the memories.
- for the "lamog na chocolate" =D. i appreciate it, the thought that you even remember to spare that for me (i just don't know if you really mean it. Ü)
- for checking me sometimes if i'm home or not.
- for appreciating me..(is it true???)
- for your family who's always been good enough for me. i've been there 12 times i always feel welcome.
- for letting me come to your house at weekends.. ;)))
- for the movie trip (baby shreks.. :))
- for the "libres" haha!
- for drinking everything i can no longer take.. haha!1 ung softdrinks, ung juice, ung tubig, ung milo..
- for all the "sundo at hatid sa sakayan." pcenxa na napagod kita...
- for waiting for me till i was able to ride a bus even if it means that you'll be going home alone..(twice lng nman to from school but it really means a lot.)
- for showing that you listen with whatever i say..
- for being with me (march 12) and for trying that we could be able to watch the fireworks display.. too bad we didn't make it, di tayo umabot.. :)
- for wasting your hours with me.. march 23 (huling hirit) i don't know but that's what i felt that time, i had the instinct that it would never happen again. ;)))
- for all the "kwentos" . you don't know how much i just want to listen with all your stories everytime we're together. you're my ultimate walkytalky..
- for the trust.. Ü
- for always answering my nonsense questions.
- for understanding my moodswings and isipbata mode.
- for making me happy and annoyed.. =p as i always say BUKOD-TANGI ka kasi..
- most of all for giving me some of the best moments of my life..
SORRY's
- for causing you sakit ng ulo.. ;))
- for being so makulit and matanong
- for that day. (january 24 2011) namura ka ng driver dahil sken.
- for all those tampuhan and petty quarrels we had.
- for being so hard-headed .. di ako minsan nakikinig sayo..
- for being sooooooooooooo childish.
- for being so masungit, sorry for the times na inaaway kita kahit wala ka ginagawa.
- for being a great fault-finder
- for the times na napupuyat ka kakatext.. haha!! lalo na nung nag-away tayo nun.. pcenxa na kung pinahaba ko pa..
- for being so maarte
- for being me------- i was really hard to handle.
- for eveything i had done even if i wasn't aware of it...
I MISS:
- everything about you..
- your face pag nakukulitan ka na skin.
- your smile, your laugh, your face(kahit oily)haha!, your nose, your eyes and the way they look at me, your voice,especially ung amoy mo.. ung alam kong ikaw lang tlga un.. hahai. i really miss you..
- ung pangungulit, pang-aasar pati pagpapaselos mo.. everything that i hate about you, i miss them all super! argh..
- ung ikaw dati.. ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh kainis, bakit ka ba kasi nagbago???
- ung pagpunta ko sa bahay nio. i'm gonna miss it pati sila lalo na si yoji
- ung super lakad moments natin
- ung paghawak ko sa siko mo everytime we're having walks..
- lahattttttttttttt nahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh..
- ung pagkurot ko sayo tapos pipitikin mo ko pag masakit na. hahai!
- ung mga text mo... kaasar ka, ba't ka ba ganyan.. ung mga PM mo skin dati..
- ung feeling na isa ako sa pinakaclose sayo..
its ridiculous how i try to be the worst i can be especially when you're around just for me to feel that i deserve everything you did and for you to prove that you did something right.
NOTE: after seven months nabasa ko 'to ulit at natawa ako. Ginawa ko 'to around MAY at actually nakalimutan ko na, nakita ko lang sa drafts ko at gusto ko lang ipost kasi natatawa ako. haha! ang oa ko pala talaga nun :))
laki na ng improvements ko mula nung ginawa ko 'to.
Wednesday, December 14, 2011
promise ko na...
nung isang araw may maarte lang akong naisip at yun ay never ako magpapagupit ulit ng hair unless nainlove ako muli. wala lang naisip ko lang, parang ang cute lang. Kadalasan kasi nagpapagupit ako pag sad ako so now mabago lang :)) Wala namang masama dun di ba?? Promise ko lang yan sa sarili ko, wag magpapaikli ulit ng hair hanggang di ko pa ulir nafifeel ang love.
ayan lang muna. weee!! maikli lang yan noh??
SHARE lang, may tumblr na din ako kaso don't be jealous my blogger. ikaw pa rin ang personal blog ko, :))
ayan lang muna. weee!! maikli lang yan noh??
SHARE lang, may tumblr na din ako kaso don't be jealous my blogger. ikaw pa rin ang personal blog ko, :))
Saturday, December 03, 2011
MOMENTOS :)
Pashare lang ng nafifeel na happiness ba 'to?? haha.. Kasi di ko alam e, lalalalaala!! kakanta nalang ako... :)) Kanina, andun na naman siya sa school (at di para lagi siyang nagpapakita, haha!! ). Bakit ba big deal na naman ung nangyari kanina?? E kasi naman e, napasaya na naman niya ako, haha! Si papa GOD talaga full of surprises, wee!! maxado ako pinapasaya naman. Happy na nga ako sa nangyari nung November 25 e, ung nakakapag-usap na ng normal, dun palang enough na tapos sinundan naman agad after a week, haaaaaaaaay ayoko na nga.. haha!
Actually di ko alam kung ano ba 'tong nafifeel ko e, kung kilig ba 'to o happiness at contentment lang sa nangyayari. Astang teenager naman ang dating ko nito, whehehe. Di ko daw alam panu ikkwento ung mga nangyari, enebeyen napaka kooooooooo naman.. :)) Muntanga lang si ako ba. Eto naaaaaaaaaa!!! Nasa eplace kami kanina at ayun nagpaka-kabute na naman siya---------- biglang lumitaw dun. Take note, for the second time, nawafuhan ako sakanya... haha!! Ang kyut lang ng aura niya kanina, stand out tuloy ung muka niya. First time na narealize ko na wafu nga din pala siya, February 14,2011 tapos ung kanina nalang ulit. haha! Basta ewan ko, wala ako sa ulirat to go into details. Ung kanina lang kasi, namiss ko ung ganung moment ung kahit anjan sila, kami nag-uusap at parang may sariling mundo. Nakakatuwa lang kasi talaga na nangyari un kanina. Miss ko yung attention niya na ganun, na kapag mejo loner ako lalapit at kakausapin niya ako. Kanina nafeel ko ung dati, kahit di niya sabihin i could see his effort na magreach out sa'kin. Sinamahan niya ako dun na nakatayo sa table kahit umupo na siya nun sa table nila. Tapos nakakatuwa pa sila kasi pinapaupo ako sa tabi niya, hindi naman sila obvious nun,haha! E di ko feel umupo nun at ayoko namang tabihan siya dun. At ayun magisa lang ako nakatayo tapos siya tumayo din. Basta di ko din tanda mga nangayari ee, pero alam ko masaya ko kanina kasi kahit panu parang bumalik kami sa dating kami, namiss ko siya makausap ng ganun. Andami naming pinagusapan, about lang sa buhay2. Tapos inasar niya pa ung nguso ko, arghh.. haha!! Nagtanong kasi siya kung anong oras ang pasok namin, tapos sumagot ako 2:30 tapos sabi "oh ba't nahaba na naman nguso mo." haha.. kainis, pang-asar nalang lagi.. weyyowoh!!! pasalamat siya namiss ko ung mga paggaganun niya sakin. :)) Nautu din siya kanina, ung proper pilit namin, ginawa niya ulit this time may variation pa, HIGH PITCH. Angkyoooooooooooot lang ng mga ganung trip namin, sobrang namiss ko. :D Basta andami naming makulit na moments at asaran kanina, ung kwentuhan, ung di maintindihan kong pagsasalita, ung boses niang unwanted sa pagkanta at yung mga kanta sa song book na naging subject matter namin kanina. Dun kami nagbonding habang nakatayo sa eplace, haha!! Laughtrip kami pareho dahil dun sa mali2 niyang alam sa kanta, at sabi nga namin "ikaw lang naman nakarinig :D" super namiss ko talaga ung mga ganung moments, ung feeling na "I don't care with these people around us ". May sariling mundo ang dating?? Dati kasi ganun kami, puro kulitan lang ang alam basta enjoy lang. May binigay pa siya gomang bracelet, haha!!! Sabi niya kasi trip niya daw yun tapos nun bumili pala siya, isang yellow tapos isang blue, then pinakita niya kasi tinignan ko(anu daw?haha). Tapos sabi nya sayo nalang tong isa, 'tong blue. Xiempre kanya ung dilaw, wushu!! Kainesssssssss, di pa naman ako nagsusuot ng mga ganito, e nakakahiya naman tumanggi, kaya kinuha ko na, sayang din. Saka ano ba. sa kanya na 'to galing e, choosy pa ba ako.haha!!! Ang bait niya lang, haha! sabi ko nga pamasko niya na ba yun. Binigyan niya din ako mentos, hiningi nga ng classmate ko e at siyempre di ko binigay, haha!! Sentimental much?? yamu na, minsan lang ee.
Ung aura ng sitwasyon kanina, katulad talaga dati, nakakainis kasi nafeel ko yun. Happy kasi alam mo ung parang walang nangyaring ilangan, parang balik lang sa dati. Basta iba talaga kanina, thank you din sa mga friends ko na feeling ko binigay nalang sa'kin ung chance na yun para makapag-usap at makapagkulitan kami ng kami lang, ung walang epal. haha! Thank you din sa kanya kasi ewan ko ba, nababaliw ako ..haha! Thank you kasi naging masaya ako sa nangyari, lalo na sa effort niya kanina. Basta, i can't explain what i exactly felt, mixed emotions kasi. Siya kaya masaya sa nangyari?? Hmm... di bale na, feeling ko naman oo (feelingera lang) haha!! I won't mind whatever he felt kanina, dun nalang ako sa nakita at nafeel ko nun. Ah basta naenjoy namin ung time kanina, less than an hour lang, really short but sweet. :)) Pero siyempre, hanggang dun lang dapat yun, save myself from danger ang drama. haha! Wag nalang bigyan ng kulay kung anuman ung sudden "the way we used to be" namin kanina. Baka way lang yun ni papa GOD for me to know na ayan na ha, ok na kayo ulit. Wee, at alam ko matatagalan na ulit ang next naming pagkikita dahil nakuha niya na ata ung kelangan niya kanina. Siguro nga pinabaunan lang ako ni papa GOD ng sapat na happiness, ok na ako dun. Ok na nga yan, ang korni ko pala maging happy, di ako makapagblog ng matino. haha!!
Actually di ko alam kung ano ba 'tong nafifeel ko e, kung kilig ba 'to o happiness at contentment lang sa nangyayari. Astang teenager naman ang dating ko nito, whehehe. Di ko daw alam panu ikkwento ung mga nangyari, enebeyen napaka kooooooooo naman.. :)) Muntanga lang si ako ba. Eto naaaaaaaaaa!!! Nasa eplace kami kanina at ayun nagpaka-kabute na naman siya---------- biglang lumitaw dun. Take note, for the second time, nawafuhan ako sakanya... haha!! Ang kyut lang ng aura niya kanina, stand out tuloy ung muka niya. First time na narealize ko na wafu nga din pala siya, February 14,2011 tapos ung kanina nalang ulit. haha! Basta ewan ko, wala ako sa ulirat to go into details. Ung kanina lang kasi, namiss ko ung ganung moment ung kahit anjan sila, kami nag-uusap at parang may sariling mundo. Nakakatuwa lang kasi talaga na nangyari un kanina. Miss ko yung attention niya na ganun, na kapag mejo loner ako lalapit at kakausapin niya ako. Kanina nafeel ko ung dati, kahit di niya sabihin i could see his effort na magreach out sa'kin. Sinamahan niya ako dun na nakatayo sa table kahit umupo na siya nun sa table nila. Tapos nakakatuwa pa sila kasi pinapaupo ako sa tabi niya, hindi naman sila obvious nun,haha! E di ko feel umupo nun at ayoko namang tabihan siya dun. At ayun magisa lang ako nakatayo tapos siya tumayo din. Basta di ko din tanda mga nangayari ee, pero alam ko masaya ko kanina kasi kahit panu parang bumalik kami sa dating kami, namiss ko siya makausap ng ganun. Andami naming pinagusapan, about lang sa buhay2. Tapos inasar niya pa ung nguso ko, arghh.. haha!! Nagtanong kasi siya kung anong oras ang pasok namin, tapos sumagot ako 2:30 tapos sabi "oh ba't nahaba na naman nguso mo." haha.. kainis, pang-asar nalang lagi.. weyyowoh!!! pasalamat siya namiss ko ung mga paggaganun niya sakin. :)) Nautu din siya kanina, ung proper pilit namin, ginawa niya ulit this time may variation pa, HIGH PITCH. Angkyoooooooooooot lang ng mga ganung trip namin, sobrang namiss ko. :D Basta andami naming makulit na moments at asaran kanina, ung kwentuhan, ung di maintindihan kong pagsasalita, ung boses niang unwanted sa pagkanta at yung mga kanta sa song book na naging subject matter namin kanina. Dun kami nagbonding habang nakatayo sa eplace, haha!! Laughtrip kami pareho dahil dun sa mali2 niyang alam sa kanta, at sabi nga namin "ikaw lang naman nakarinig :D" super namiss ko talaga ung mga ganung moments, ung feeling na "I don't care with these people around us ". May sariling mundo ang dating?? Dati kasi ganun kami, puro kulitan lang ang alam basta enjoy lang. May binigay pa siya gomang bracelet, haha!!! Sabi niya kasi trip niya daw yun tapos nun bumili pala siya, isang yellow tapos isang blue, then pinakita niya kasi tinignan ko(anu daw?haha). Tapos sabi nya sayo nalang tong isa, 'tong blue. Xiempre kanya ung dilaw, wushu!! Kainesssssssss, di pa naman ako nagsusuot ng mga ganito, e nakakahiya naman tumanggi, kaya kinuha ko na, sayang din. Saka ano ba. sa kanya na 'to galing e, choosy pa ba ako.haha!!! Ang bait niya lang, haha! sabi ko nga pamasko niya na ba yun. Binigyan niya din ako mentos, hiningi nga ng classmate ko e at siyempre di ko binigay, haha!! Sentimental much?? yamu na, minsan lang ee.
Ung aura ng sitwasyon kanina, katulad talaga dati, nakakainis kasi nafeel ko yun. Happy kasi alam mo ung parang walang nangyaring ilangan, parang balik lang sa dati. Basta iba talaga kanina, thank you din sa mga friends ko na feeling ko binigay nalang sa'kin ung chance na yun para makapag-usap at makapagkulitan kami ng kami lang, ung walang epal. haha! Thank you din sa kanya kasi ewan ko ba, nababaliw ako ..haha! Thank you kasi naging masaya ako sa nangyari, lalo na sa effort niya kanina. Basta, i can't explain what i exactly felt, mixed emotions kasi. Siya kaya masaya sa nangyari?? Hmm... di bale na, feeling ko naman oo (feelingera lang) haha!! I won't mind whatever he felt kanina, dun nalang ako sa nakita at nafeel ko nun. Ah basta naenjoy namin ung time kanina, less than an hour lang, really short but sweet. :)) Pero siyempre, hanggang dun lang dapat yun, save myself from danger ang drama. haha! Wag nalang bigyan ng kulay kung anuman ung sudden "the way we used to be" namin kanina. Baka way lang yun ni papa GOD for me to know na ayan na ha, ok na kayo ulit. Wee, at alam ko matatagalan na ulit ang next naming pagkikita dahil nakuha niya na ata ung kelangan niya kanina. Siguro nga pinabaunan lang ako ni papa GOD ng sapat na happiness, ok na ako dun. Ok na nga yan, ang korni ko pala maging happy, di ako makapagblog ng matino. haha!!
Sunday, November 27, 2011
good for ONE YEAR :]
NOVEMBER 25, 2011 official one year na kami.. Official kasi NOVEMBER 25,2010, yun ung first time usap namin, sa chat pa nian at eto ung time na sure kaming kilala namin ang isa't-isa. As what I've said to him, eto ung simula ng lahat, ng buong kwento namin.
One year na pala yun, ambilis at andaming nangyaring changes, actually lahat nagbago. Sabi nga namin ni Dhine "nangyayari pala talaga yun." Relate natin sa LOVE CYCLE ang kwento kasi almost ganun naman talaga ung nangyari sa'min except sa naging bf/gf nga.
One year na pala yun, ambilis at andaming nangyaring changes, actually lahat nagbago. Sabi nga namin ni Dhine "nangyayari pala talaga yun." Relate natin sa LOVE CYCLE ang kwento kasi almost ganun naman talaga ung nangyari sa'min except sa naging bf/gf nga.
Within one year nagyari lahat yan, dumaan din kami sa ganyan, nakakatuwa. Stranger->friend->bestfriend/closefriend->love???->MU daw sabi nila-> heartbreak->strangers ulit. Akala ko yung cycle titigil nalang dun sa STRANGERS AGAIN ang drama, happy kasi natapos ung one year na friends ulit tayo. Pahabol pa talaga si papa god sa exact date na yun. Akala ko ung day na yun it would end up like that, yung tipong "start na ng one year ng lahat, ang korni ganito nalang pala lilipas ung araw na 'to" tapos surprises nga naman ni papa god nagpunta ka ng school tapos di ko alam pero nakaya kitang pansinin sa harap nila at nagawa nating magusap ng normal, walang ilangan, tumabi ka pa sa'kin sa upuan. Nakakatuwa na possible pa din palang mangyari yun, kahit panu di na tayo conscious na andaming tao who would watch our action. Namisss kita, namiss ko yung kaibigan ko. :)
Back sa love cycle, it quite funny na dati wala naman akong pakialam at wala din naman akong alam sa mga ganito. May ganun pala talaga sa buhay, ung kwentong napapanood ko lang, ung tipong ung taong nasanay ka na laging anjan bigla nalang magbabago tapos akala mong walang pinagsamahan. It hurts to feel dumped by someone you value so much, pero aminado ako na may nagawa din akong mali para umabot pa tayo sa ganun. Napakaimmature ko kasi, insensitive, at siguro nga I expected so much from you at hindi mo nameet yun kaya ganun. I never thought na magiging ok pa ulit tayo, andami na din talaga kasing nangyari, pero pwede pa din naman palang maging friend ulit, nangyayari din pala yun. Kailangan lang maging OK kayo pareho, pag wala na ung PAIN at anjan na ung ACCEPTANCE.
New phase na ng kwento, FRIENDS ulit. :)) Kahit di na tayo tulad ng dati, happy ako kasi the only thing that i wanted to keep, the friendship, was retained. Yun lang naman ung gusto ko kahit nun pa e. Naging special ka nga pero hindi enough yun para isacrifice ko ung friendship na meron tayo. Minsan natatawa pa din ako sa dahilan mo, nakakainis din kasi ganun kababaw para magbago lahat ng meron dati. Ang feeling ko nun, di ba enough na di ko pinansin kung anumang meron tayo dati kasi ayokong may magbago tapos ganun din naman pala. Sometimes, I still miss the way we used to be, pero alam mo ung alam ko na sa sarli ko na hanggang reminisce nalang ako, acceptance nga di ba? :] Kapag nakikita ko how much I've been better mula nung April, masaya ako kasi nagawa ko yun. Di na ako ganun ka-weak. Proud ako kasi nagiging matured na ako in dealing with things at utang na loob ko yan sayo at sa mga nangyari.
Advance anniversaries sa mga moments pa natin. :)) Naiisip ko nga, kung ganun pa din tayo, panu kaya? Siguro pag naalala natin mga pinaggagawa natin dati matatawa nalang tayo at mag-aasaran sa kakornihan natin, ansaya sana. Ayan nabubuhay na naman ang mga WHAT IFs ko, ikaw kasi talaga e, pinuno mo ako ng madaming first time nun. Bukod-tangi ka kasi, lahat ng nangyari at mga ginawa mo nun. Ung kwentong meron tayo na andami kasi atang nanguna sa kung anong mangyayari, telenobela ang dating? haha.
Sweet nga siguro ung kwentong nagsimula sa friendship, ung part na nagiging matino ung guy dahil sa girl, kaya ganun sila magreact nun. Sabi nga ni Kaye "pag anjan ka naman, nagbabago siya". Haaay, everytime i hear things like that, ung feeling na nakita din pala nila ung changes in you dati it made me feel fulfilled na kahit panu nagawa ko yun. Sabi nila nakakakilig daw ung kwentong friends-to-lovers pero pag ikaw ung nasa sitwasyon ang hirap din pala kasi nasayo ung options.
When you choose friendship over love tulad ng ginawa ko, mahirap din kasi kapag nawala andun ung regrets mo. Andun ung hindi ka clear kung naging ano ka ba sa kanya, kahit alam mong special ka, iba pa din talaga ung nagkalinawan kayo. Dapat may limitation ka din, at un minsan ung ayaw ko kasi un kadalasan ang simula ng mga tampuhan, nakakalimutan naming hindi kami magboyfriend. Minsan pinag-aawayan namin ung mga nonsense na bagay, na di naman dapat pag-awayan ng normal na magkaibigan. Ang awkward din na you both acting something special tapos di niyo pag-uusapan kung ano na ba meron kayo kahit alam niyong more than friends na kayo. Sabi nga nila MU daw.
When you choose love over friendship, pag nagbreak, sayang lang lahat ng pinagsamahan niyo at damay na dun ung friendship. Siguro eto din ung dahilan kung bakit nakuntento nalang kami sa kung anong meron kami dati, no assurance, pero andun ung commitment, un nga lang limited kung ano pwede mong idemand. Andun lang kami sa comfort zone, kumbaga playing safe. Saka andami kasing nakaabang sa kwento nun, sa dami ng mga boto sa kwento nakakapressure gumawa ng moves.
When you choose to give up both like what he did, in my perspective lang yan sa ginawa niya, unsure kung ganun nga. Eto siguro ung pinakamahirap na choice kasi aware ka na may mawawala sayo. Ang selfish ko nga kasi nung nangyari yun, bonggang tampo at super sama ng loob ung nafeel ko. Feeling ko kawawa ako that time, so damn stupid na ganun2 nalang. Ano yun ganun ba ako kaunworthy, nakakaloko lang kasi. Pero nung tumagal naisip ko mas mahirap sakanya kasi di niya din naman ginusto yun---na masaktan ako at alam ko nasaktan din yun. Makapal na muka ko pero may right naman ako para sabihin yun, di naman ganun2 lang ung nangyari para di siya maapektuhan. Worst,nasakanya ung burden kasi siya ung pumili ng path nung kwento. Ang unfair ko pa na dinagdagan ko lng ung guilt na nafifeel niya kasi nakikita niya na hindi ako ok sa nangyari.
Kahit madami pa ding questions kung ano ba talaga ung nangyari. Malayo man 'to sa happy ending na tulad ng ibang kwento. Kahit andaming nanghinayang na hindi nga tayo naging ganun. Hindi man eto ung expected ng iba na mangyari sa'tin, happy ending pa din naman di ba?? kasi friends na tayo ulit. This time pure friendship, nothing less, nothing more. :))
Saturday, November 19, 2011
para po sayo 'to :)
- Anne Sexton
Ang papa ko? Hindi siya ung ideal father na tulad na nakikita sa mga palabas.Siya ung tipong super strict at seryoso, nung bata ako tanda ko lagi akong takot sakanya lalo na pag meron akong nakakalimutang gawin sa mga utos niya. Ako yung lagi niya inuutusan magpakain nung mga alaga niyang manok (take note, alam niya kung nagskip ako ng pakain at pagpapainom sa kanila), maghanda ng susuotin niyang pambahay pagtapos maligo, magsindi ng sigarilyo niya, magtimpla ng kape, magbunot ng puti niyang buhok pati baby balbas at bigote, pati na din magtanggal ng balakubak niya sa ulo, kumbaga ako ang kanyang secretary. :) Pag lasing yun ako din ung nagpupunas at nag-aasikaso sakanya, minsan tinatawag niya pa pangalan ko, pag lasing siya kinakabahan na ako baka kasi mag-away na naman sila. Madalas pa nian pag nagsuka siya pati ako nakikisabay din, arte ng sikmura ko e. Madalas din siya makatulog kapag pinapalaro niya ung ulo niya, at dati naiinis ako kasi di ako makapaglaro kahit tulog na siya kasi nakahiga siya sa lap ko. Hindi ako malapit sa papa ko, loner na kasi ako bata palang ako. Madalas nun ako pagalitan pag sobrang gabi na tapos gising pa ako at nanonood kasi nga ako nalang naiiwan sa sala namin. Sasabihin nun "Rhea patayin mo na yung tv, bukas hirap2 mo na namang gisingin." ako sasagot lang ako ng oo, pero di ako nasunod kasi trip ko talaga magpuyat kahit noon pa lalo na pag friday ng gabi. Minsan pa magigising siya ng magigising kasi ang ingay ko kakatawa sa pinapanood ko, bubble gang yun. Madalas din gawin ni papa dati, bubuhatin niya ung higaan ko tapos ibibilad na ako sa arawan nun, kasi ang hirap ko talaga gisingin dati. May dalawang way lang para magising ako, una pag tinatanggalan ako short at pangalawa pag naiinitan na ako sa labas. haha!
Ang childhood ko, wala akong memories na super malapit ako sa kanya, kasi ang childhood ko di naman tulad ng typical na bata na puro laro ung ginagawa. Kaya din siguro ganito ako ngayon kasi madalas ako mag-isa dati. Ang dalawa kong ate magkasunod sila kaya sila lagi magkasama, ung dalawang kasunod ko magkasunod din kaya sila din yung madalas kasama nila mama at papa. Ang tanda ko, mula grade 4 ako naging ganun na. Highschool na kasi ung dalawa kong ate nun. Tuwing uuwi ako nun galing school may nakasulat na agad sa pinto namin "Rhea, dito kami ng papa at mga kapatid mo sa laud(sa baba yan, dun sa lola at mga pinsan ko) ung baka nasa abagatan(kanluran yun, mejo gubat na bukid dun) ipastol mo, painumin mo din ng tubig." Ganyan ang welcome note sa'kin lagi, medyo nakakainggit din na sila magkakasama tapos ako ayon kapiling ng aming baka. Ganun halos lagi kong gawain pag pauwi, kaya madami akong memories na ako lang at yung baka nakakaalam. :)) Kailangan pag ganun mabusog ung baka dahil kung hindi patay na naman ako, ilang beses kaya akong nasaktan dahil sa ganun. Madalas din ako maiwan sa bahay mag-isa lalo na pag nagmamanicure mama ko at gagabihin siya, lahat ng mga kapatid ko susunduin siya at ako ang maiiwan sa bahay. Wala ang papa ko nun kasi nasa work sa Baguio. Dahil sa mga ganun, madalas akong ma-out-of-place sa bahay. Meron pa nun umaga tapos dinala ko muna ung baka sa abagatan, tapos habang pauwi ansaya ko pa nun, nakanta pa nga ako e. Pagdating ko ng bahay antahimik nilang lahat tapos ako walang idea kung bakit, kanta pa din ako tapos inaya ko pa sila kumain nun. Yun pala nag-away na ung mama at papa ko, sinampal pa daw ni papa tapos binasag ung mga gamit niya sa pagmamanicure at ewan ko pa kung anong klaseng commotion ung naganap kasi pagdating ko mejo kalmado na ang lahat. Meron ding nakita sila nun ni papa sa bahay ng pinagmamanicuran ni mama, e biglaang uwi ni papa, ayon galit much si papa, ayaw nia kasi ung ginagawa ni mama nun. Pagdating niya bahay e di gulantang much ako,yun pala gulo na naman ung nangyari, pinasarado sa'kin ni papa lahat ng pinto nun at wag ko daw papapasukin sina mama at siyempre patay ako pag nakapasok sila. Minsan ipit ako sa sitwasyon. Madalas ko makita na magkaaway si papa at mama. Si papa feeling ko dati lagi magagalit kaya takot ako dun. whew! ilan lang yan sa dahilan kung bakit di normal ang childhood ko.
Balik na kay papa ang topic, despite naman sa pagiging istrikto nia nun may ilang bagay akong di makakalimutan sa kanya. Dati binigyan niya ako alagang manok, PANDAKA ung name niya kasi hindi siya nalaki kahit lahi siya ng mga malalaking manok, binigay niya sa'kin yun kasi kasing liit ko daw. :) Ako lang meron nun kasi ako naman nag-aalaga sa mga manok niya. Nakarating pa dito sa Cavite si pandaka kaso si mama binigay dun sa magbobote :( Pinagmamalaki niyang kakulay niya ako, kasi saming magkakapatid ako ung pinakamaiitim at pang-asar niya yun skin lagi. Kahit di active yun sa school, siya lagi umaakyat sa stage para sabitan kami ng medal. Meron pa nung nagkatampuhan sila ni mama nun, siya ung namalengke, natuwa ako nun kasi nakita ko ung soft side ng papa ko at ang kyut niya lang mamalengke, bingo tuloy ulit kay mama.
Isa sa pinakasweet na bagay na ginawa ni papa, nung una naming uwi ulit dun magkakapatid na hiwalay na sila, Christmas vacation yun year 2003, isang araw lang kami dun. Tapos siyempre limas na pera nun pamasahe palang namin pauwi nun pati binigyan pa si mama. Nung andun na kami nagrequest sila nun gatas kaya ayun ung 40 pesos pinambili niya ng gatas namin. Then dumating ung maniningil ng kuryente, 70 pesos ung bill e nsa 50 pesos nalang ung natira sakanya nun. Sabi niya nun "pambayad ko sana kuryente ung natira kong pera e, nabawasan pambili ng gatas." Super touched ako nun kasi di niya sinabing pambabayad niya pala dapat ng kuryente un pero binili nia pa din kami ng gatas. ayai, nakacrylalu naman ako tuloy. At yung summer vacation namin dun, almost one and a half month, un ung last na punta ko nun na bata pa ako. April-May 2004. At yun ung last moment ko as a child sa province namin. Eto ung tumakas kami nun kasi ayaw kami pabalikin ng Cavite, I understand why my papa had done it, kasi walang matitira sa kanya that time, all he wanted was kahit man lang sana may matira sa kanya dun. December 31, 2004 dumalaw siya sa'min dito and i would never forget how my mother ignored him at un ung pinakamasakit na part sa'kin. Imagine we celebrated new year na parang wala lang siya dun,binati niya kami lahat except kay papa at alam ko kung gaano kasakit for him na balewalain siya ni mama nun and i admit na galit ako nun kay mama, ang unfair lang kasi. Nung natulog nun, tinabihan ko pati ni lala si papa sa sala, we don't want him to feel alone kasi that time. Then nung morning nito, it was the last time that i saw him cried. Babalik na nun siya ng province tapos nagpapaalam na siya kay mama tapos si mama ni ayaw man lang siyang harapin at labasin, andun lang siya sa kwarto at nakakainis yun. Ako naghugas ako nun, alam ko kasing iiyak lang ako pag nakita ko ung nangyayari, kahit boses palang ni papa naririnig ko nun naiiyak na ako at iniiwasan ko siya makita pag aalis siya kasi di ko talaga kayang pigilan ung iyak ko. Ayoko kasing makita niya na umiiyak ako. Ako yung huli niya nilapitan nun, niyakap niya ako habang naghuhugas ako ng baso, hinayaan ko lang siya nun tapos iyak na ako ng iyak at ayoko na siya tignan nun tapos binulong niya sa'kin "alis na ako ha, mag-aaral kang mabuti." Di ako sumagot nun, never ko siya nilingon nun kahit alam kong paalis na siya kasi iiyak lang ako lalo. bakit ganito, same pa din ung sakit pag naaalala ko at di para nakikisimpatya ang mata ko ngayon. )):
Then this year, after almost seven years, nakita ko ulit si papa. Anong pinagbago niya, tumanda na siya at pumayat pero mas masaya na siya ngayon. Nung andun kami, napansin ko na malambing siya kina lala pero sa'kin distant siya kasi di naman talaga siya close sa'kin dati. Si papa joker din pala, lagi siyang nagjojoke nung andun kami, siguro kasi masaya din siya. Sa kanya pala ako nagmana ng pagkanta ng wagas, kasi pag kumanta siya damang dama din kahit di maganda boses, at ganun daw ako sabi ng mga kapatid ko. Madami na akong hindi alam sa papa ko,at siya din naman samin. Di niya na alam kung ilang taon na kami pero alam niya bday namin. Ung simpleng di ko pagkain ng seashells di niya din alam. It made me think, gaano kaya kadami ung hindi niya pa alam. Ni hindi niya kami nakitang magdalaga lahat, nakakasad na wala siya nung mga time na yun. Ako particularly 13 years old ako the last time i'd seen him, tapos 20 years old na ako nung makita niya ulit. Yung anak niya dalaga na.
Kung kaya ko lang sana sabihin 'to ng personal:
Papa, si rhea po dalaga na.Di na po ako ung batang lagi niyo napapagalitan kasi pasaway, level up na din po pagkatao ko. Andami niyo pong namiss na mahahalagang events sa buhay ko at lahat ng yun lagi ko winiwish na sana andun kayo. Nung sinabitan ako ng medal nung grade 6,pati nung high school, sana kayo pa din ung kasama kong umakyat sa stage. Nung graduation ko nung high school, sana po nakapunta ka para narinig mo magspeech ung anak mo sa harap na madaming tao. Sa lahat po ng mga simpleng achievements ko sana isa kayo sa naging proud sa'kin at siguro pag nafeel ko yun, dun ko masasabing fulfilled ako. :)
Sa lahat ng pasko, new year, birthdays, father's day, sa lahat po nung time na di ko kayo nakasama para icelebrate yun, gusto ko lang po malaman niyo na never ko kayo nakalimutan. Sana dumating pa ung time na magkakasama ulit tayong icelebrate yun.
Alam niyo po ba, naiinggit ako lagi pag nakakakita ako ng ibang tao kasama ang papa nila, feeling ko ang swerte nila. Sana andito kayo nung teenager pa ako. Sana andito kayo para pagsabihan ako na umuwi na maaga, wag magpapagabi, at mag-aalala kapag gabi na tapos wala pa ako. Sana andito kayo para pagalitan ako kapag mali na mga ginagawa ko. Nung nainlove at nabroken ako sana anjan kayo para bigyan ako ng father's advice. Sana may nagtatanggol sa'min, kahit ung feeling lang na safe kami kasi andiyan kayo.Sana po andito kayo kapag nagdala ako sa bahay ng first suitor ko. Wish ko yun e, na kayo ung haharapin niya, at gusto ko po pag nagkafirst boyfriend ako andito kayo at sayo ko siya unang ipapakilala. Pag grumaduate ako ng college, punta po kayo ha?? Ung sinabi nio sa'kin nung huli na bumalik ako, gagawin ko po yun at sana this time mas mahaba pa ung time.
Alam ko akala niyo ayaw ko na kayo makita, sorry po kung yun ung naramdaman niyo nung di ako nakakasama sa kanila pag nauwi jan. Hindi po talaga ako busy, ayaw lang ni mama na umuwi ako jan dati, sorry po kung nafeel niyo ayaw ko na sa inyo. Gets ko po kung bakit ganun kayo nun, medyo distant sa'kin, di niyo lang po alam kung gaano ako naiinggit sa kanila pag nilalambing niyo sila pati pag niloloko. Sorry din po dahil di ako showy, mahirap po talaga sa'kin na magpakita ng emotions sa iba. Sorry po kung minsan nagtatampo ako sa inyo, feeling ko kasi nakalimutan niyo na kami. Sorry dahil wala po kami jan para alagaan ka, at wala kami nung time na kailangan mo kami. Ang hirap po lumaki ng walang papa, may part po sa 'kin na alam kong kulang at alam ko pong mas mahirap ung sitwasyon niyo kasi nawalan ka din ng chance maging father di lang sa'kin kundi sa'ming lima. Minsan iniisip ko, kung andito kayo hindi siguro ganito kalaki yung emptiness na meron ako pero alam ko pong mas malaki yung nawala sa inyo. Thank you po kasi lahat ng ginawa at tinuro niyo dati, part po yun kung bakit ganito ako ngayon. Thank you po sa love at higit sa lahat thank you dahil kayo ung po ung naging papa ko, hindi din ako magiging ganito kung di dahil sa inyo. Proud po ako kasi si Romeo Baldemor ang papa ko. :)) Miss ko po kayo lagi.
pic namin ni papa |
naglambing lang ako nian :) |
Thursday, November 17, 2011
after 7 years :))
OCTOBER 30,2011
- sa wakas pumayag na din si mama na umuwi ako ng province. Nung nagpapack ako ng damit, super excited ako talaga. Makakauwi na ako ng province after 7 years din tapos makikita ko na din yung mga tao dun na i admit naman di ko na tanda mga mukha. 8:46 pm nakasakay na kami ng bus going to La Union, wee!!!8:53 pm gora na ung bus, nung time na yun iniisip ko lang ano na kaya itsura ng La Union, ung papa ko kaya magiging happy ba siya pag nakita na ako, mga ganyan kaya siguro di din ako nakatulog sa byahe nun. :D
OCTOBER 31, 2011
picture namin sa loob ng jeep :) |
- ayun, nakarating na kami La Union around 2:13. Eto na yun 2:19 AM nakita ko na si papa. Malayo pa siya nung nakita ko, tapos tinuro ko pa siya sa mga kapatid ko. Ako huli nun tapos si papa sinalubong kami tapos unang-una niya akong nilapitan tapos niyakap niya ako mejo tapos pinisil niya ung tenga ko. That time naiiyak na ako nun, xiempre pigil lang, di para lumabas ang kadramahan ko that time. Then ayun sumakay na kami jeep at umakyat na kami ng bundok. ang happy ko lang nun, ung feeling na nandun ako ulit sa place kung san kami lumaki, basta!! tapos ayun nakarating kami bahay, nalito pa nga ako nun e, di ko nakilala ung bahay namin, nag-iba kasi itsura nung labas, tumaas ung lupa. Pagpasok ko ng bahay alam mo ung feeling ko lumiit lahat ng bagay dun, pati ung bahay. Nakakatuwa kasi anliit ko pala dati at antagal ko pala talagang di nakauwi dun para ganun kalaki ung paninibago ko, iba kasi ung naiwang image sa isip ko e.
pic namin papunta sa baba |
ung manok na kinatay namin |
NOVEMBER 01, 2011
Araw ng mga patay. Nakadalaw ulit ako kay lolo after 8 years at nakasama ko ulit mga kamag-anak namin dun. Naglakad din kami nun pababa ng bundok. wehehe!! ayun paguwi namin nun sumakay kami jeep, tapos ung mga tao nalilito na sa mga muka namin, twice pa ako napagkamalang bunso, tapos ung ibang tinuturo ni papa di ko na kilala. waha!! Bago pala yun nagpunta kami dun sa public restaurant dun at natikman ko ulit ang halo2 nila na super gusto namin dun.
lakad pababa |
sa cemetery |
halo-halo,yumminess |
Then ayun nakauwi na nga kami nun. kain ulit sabay2.. tapos bangdang hapon nun, nagpunta mga pinsan ko sa house tapos nag-inuman sila. Bandang pagabi na nun, gumala pa kami magkakasama.. Sabi ni papa nun " wag kayo masyado pagabi ha" natuwa ako nun, naisip ko kasi sana nasasabi niya yun samin lagi. Then kinagabihan natulog ung 2 kong pinsan sa bahay, wee ganun kasi sila dati.. Tapos natulog na kami.
NOVEMBER 02, 2011
Pumunta kami nito ng BAGUIO. First time ko yan. kasama sina papa, ate pinsan, kapatid, saka stepmother namin. Super ganda ng sceneries papuntang Baguio, super fascinated ako as in. Then ayun nagpunta kami sa lourdes grotto muna. Nagpray kami dun, that time wala si te bernz( stepmom) nagluto siya for our lunch, sweet noh?? :)) Then next stop BURNHAM PARK wee!!! ayun dun kami nagpicnic.. Para lang siyang normal na park maliban sa nasa Baguio siya, haha!! hinintay lang namin nun si te bernz tapos kumain kami dun sa damuhan, pwede kasi dun yun.. ang enjoy ko nun, alam mo ung feeling na ansaya ng family namin. Dati never nangyari samin yun. Iniisip ko nga kung ganun kaya kasweet si mama maghihiwalay sila?? Nakakainis kasi feeling ko nabubuo ung childhood ko sa nangyari, un lang naman ung kulang sa'kin e ung feeling na happy family kami, yun nga lang sa ibang tao ko pa nafeel ung ganun kaasikasong mama. Pagtapos nun, MINES VIEW.. eto ungsuper enjoy dahil sobrang lakad ung inabot namin at nagkandalito pa kami kung saan ba talaga.. laughtrip kami niyan e, buti nalang super cold nun, di ako pinagpawisan kahit anlayo at pataas ung daan. Dito na din kami bumili ng souvenirs. :)) Then ayun balik na kami La Union, this time kami nalang nila ate saka ung pinsan namin umuwi, sina papa naiwan na sa Baguio, may work na daw kasi siya.
OTW to Baguio |
Lourdes grotto |
mine's view |
burnham park |
NOVEMBER 03, 2011
- time to say goodbye na!! ayai ansad ko nito. Kulang pa ung time, gusto ko pa magstay dun. Sa baguio na kami sumakay kaya ayun nakita pa kami nila papa. Dun ulit kami sa Burnham park nun, 12 pa kasi ung biyahe ng bus going to Cavite nun e around 9 andun na kami. Waitng din kami ke ate bernz nun kasi pinagluto niya daw kami foods para kahit yun lang naman daw mabigay niya, haaay ewan ko ba pero nakikita ko answerte ni papa sakanya tapos super niya din kami alagaan nun. Then ayun pagdating niya kumain ulit kami sabay2, wee family picnic ulit ang dating. Tapos nun nasasad na ako nung papunta kami bus station, alam mo ung last minute na naman na kasama ko si papa. Pagdating namin Bus station sabi kakaalis lang daw nung bus, ang happy ko nun kasi kahit panu extended pa ung time. Iniwan muna namin ung mga bagahe dun tapos ginawa ni te bernz pumunta muna kami simbahan, nagpray kami :) tapos punta SM Baguio.. Dun kami nagpalipas ng time tapos bandang 2 bumalik na kami, eto na ung saddest part. ayun meron na ulit bus going to Cavite. Pagpasok ko ng bus nun happy kunwari pero pigil luha na tlaga ako nun as in. Tapos si papa pagkahatid nila ni te bernz samin sa loob bumaba na sila. Tinitignan ko lang sila nun while they're waiting na umalis ung bus. you know what's running on my mind that time, kung kelan kaya mauulit yun. Akala ko it will just end up like that, ung tipong aalis na lang tapos i'll just wave my goodbye. Naririnig ko nun yung konduktor nagkacountdown ng time, 15 minutes nalang aalis na, 10 minutes, 5 minutes na.. ayon na nga!!! lalalalalalalalala, the most hated part of it. Bumili sila nun softdrinks tapos si papa pumasok ulit sa bus at alam ko na ang susunod na scenario. Una xa lumapit kay ate, inabot ung softdrinks tapos i saw him hugging bunso, tinginan na kami ni lala nun tapos sabi ko "ayan na naman si papa" tapos both of us teary eyed na. ako pala umiyak na as in, di ko na mapigilan nun. Tapos niyakap niya na si lala, tapos nung ako na, tinignan ko pa siya masama nun, kasi di ko na talaga mapigilan ung iyak ko nun ee sabi ko pa kayo kasi ee tapos sabi pa niya, translated in tagalog na " bakit ka naiyak? bumalik ka ha." tapos niyakap niya ako narinig ko pa sabi nila Lala nun "antagal niya kasi di umuwi e." Bumaba agad nun si papa tapos ako di na mapigil ung iyak ko nun, nagbbye din ako kay ate bernz tapos halata ko nun naiiyak na siya kasi di na makatingin samin. 2:36 pm umalis na ung bus, muka akong tanga nun as in, di ko mapigilan ung iyak ko nun tapos nagtext si papa kay ate pinabasa samin, sabi umiiyak nga daw si te bernz tapos kaya daw siya bumaba agad kasi naiiyak na siya nun, e di iyak ulit kami ni lala nun. Grabe talaga ung iyak ko nun, kahit nasa byahe na tapos maaalala ko naiyak ako almost two hours sa biyahe.
ung church |
yan lang naman ung nangyari.. ung four days na yun, super saya ko talaga. Nung mga time na yun wala akong naisip na kahit anong nakakapagpasad sa'kin, ni hindi ko namiss ung Cavite. Yun lang naman ung antagal ko hinintay e, ung makauwi ulit dun tapos makita si papa, masaya na ako dun. Alam mo ung feeling na parang kumpleto ka ulit, na kahit panu ung missing part na yun sa buhay mo kahit panu hindi na empty,. :))
next blog. all about kay papa lang. PAHABOL: sabog noh?? haha.
Tuesday, October 25, 2011
the NOTEBOOK... ÜÜÜ
Hindi 'to drama, kilig moment ko 'to this day. hahaha! i'll show some pictures.
As the title implies, about nga sa notebook. hahaha!! hmm..
DESCRIPTION: Corona notebook ang brand nito, manufactured by Paper Products Mfg,Ent.,Inc. 1829 Donata St., Pasay City, Philippines, 80 leaves, color blue, 102x152 mm ang size nito. haha!
Paano ko nakuha? Ganito yun, pumasok ako mga 11 na tapos nagtext ako sakanya, sabi ko magtago n siya kasi papasok na ako. haha! tapos ayon sabi niya kunin ko daw sa guard house, iniwan niya dun, umalis na ata kasi siya school. Tinablan ako ng hiya nito,haha! Akala ko nga hindi niya tinotoo e, expected ko di niya ginawa. Pagdating ko ng school kinapalan ko na muka ko dun kay manong guard. ayun sabi ko "kuya may notebook bang iniwan dito?" (kaba much) sabi sa'kin kaninong notebook daw sabi ko kay DHEEJAY po, tapos ano daw itsura , describe ko daw. Sabi ko gwapo tapos matangkad. Niloko pa ako sabi ni manong gwapo ba yun? tapos kinuha ung notebook tapos binuklat may pic pala nga sabi eto gwapo? hahaha! Ayan ang 2x2 picture niya, pagkaabot sa'kin sabi pa ni manong, crush mo yan noh. hahaha!! Pag-abot sa'kin grabe ung kaba ko, hahah! diretso nga agad sa bag ko e.
Niloko niya pa ako ng umaga nito, kasi sabi niya bago siya matulog nung gabi paalala ko daw tapos sabi ko magaalarm ako ng maaga para maremind ko. Ayown di tumalab ung alarm ko, lapit na mag9 nung nagising ako tapos pagbasa ko may GM siya sabi 8 daw dapat nasa school na sila, tapos bumati gudmorning 6:30 ata yun. E di tinext ko siya nun, tinanong ko kung nasa school na siya sabi niya oo daw., tinanong ko agad ung notebook, expected ko di niya dinala e. Sabi skin "nadala ko ata, nadala ko nga ba? :P" haha. tapos ayon sabi niya na nadala nga daw niya.
Expected ko wala siyang message, as in plain na notebook lang niya talaga. Sabi ko kasi nung gabi nito pakilagyan nia message kahit hu u lang, pang-asar niya kasi yun sa'kin. tapos sabi niya tinatamad na nga daw siya magsulat tapos message pa daw. haha! Sabi pa kasi niya nung gabi yung lecture niya nalang daw basahin ko,haha! Saka may lettering naman daw sa likod saka picture nga ata para daw pag nawala maibalik sa kanya. haha!
Tapos kanina, ayown pagtingin ko may message naman pala. haha! Ayan ung simpleng message na nakasulat sa notebook niya. Di ko pa yan napansin agad. Baka di nababasa, ang nakalagay: OCTOBER
---------
MARAMING SALAMAT AT BELATED HAPPY BIRTHDAY SAYO! MS. TINA MARIE "TM" BALDEMOR
(curly arrow? haha)
DHEE-JAY CARBONEL tapos may pirma niya. :))
wee!! haha.. Ewan ko ba, ansaya lang. haha! Tinutubuan ako ng kilig sa nangyari. haha! Sarap kaya sa feeling na may gamit yung crush mo na binigay sayo.haha! Ayan ang itsura oh, haha! sa baba ng pic niya nakalagay yung message.
Eto ung nasa likod ng notebook niya:
lettering niya :) |
pirma saka info niya. haha! |
Eto siya, baka kasi malabo yung 2x2 niya e. hahaha!
Siya si DHEE-JAY "MC" CARBONEL. bakit mc? short for mycrush yun. haha! yan ang tawag ko sakanya at xiempre alam nia yun. Nagstart 'to ayon sa pagkakatanda ko May 2010 ata, May 10 nga kung di ako nagkakamali. haha! kaya ayon tawag niya sakin TM short for tinamarie lang yun. haha! Crush ko 'to mula second year ako hanggang ngayong fourth year na ako. haha! Two years na din pala, haha!! April 19, 2010 nakuha ko number niya sa facebook (pinaalam ko yun bago ko kunin at pumayag siya.) that date ko rin siya una nakatext. haha! Tagal ko na din pala nakakatext 'to at minsan sa sobrang kulit niya katext nakakalimutan ko ng crush ko siya. haha! Kahit mukang mayabang ang aura niya, pag nakilala mo hindi naman pala. haha! Siyempre thankful ako na ganito siya kabait sa'kin. :)) Minsan lang ang ganitong opportunity, haha! Tulad nga ng sabi ko sa Gm ko kanina "SALAMAT ulet sa pinakamabait kong crush, DHEEJAY CARBONEL." Kahit di mo to mababasa tulad nung GM ko. haha! The end na :D
Subscribe to:
Posts (Atom)