pagkatao ko?? eto oh:

My photo
* weird. kasi sabi nila, haha!
* loner. mas trip ko minsan magisa talaga. :))
* emo (not physically). sabi ko at sabi nila.
* sarcastic. no comment! hahaha..

only few appreciates who i am. :)

Saturday, April 26, 2014

Grown-up reasons

10 days to go May 05 na, and on that particular day 11 years na din mula nung umalis kami sa La Union at iwan si papa. I am 11 years old that time and now I am twice of that age. Gaano kahaba yan? Well, that was a half of my life, an equivalent to 11 long years of asking why did they have to separate, kung bakit hindi sila nagkabalikan. I never failed to recall what happened on that date and no matter how long it has been, the feelings never changed. Siguro kaya ayoko ng goodbyes, siguro kaya ayoko ng iniiwan kasi I was able to experience one in my life. Para sa isang anak, hindi mawawala ung mga tanong na paano kung hindi sila naghiwalay, paano kung di kami umalis dun. Tanong ko yan noon na hanggang ngayon tinatanong ko pa din.  There were so many questions left na siguro  wala naman na talagang sagot. Maybe there are certain things that you have to understand not because you have the answers but because you have already accepted the fact. Maybe that’s what I come to realize nung umuwi kami ulit sa La Union, hindi na ako ung dating batang hindi naiintindihan kung ano ung dahilan at kung bakit kailangang mangyari un. I am now this 22-year old girl who has a better perspective about it.
Dati pag tinatanong ako kung bakit sila naghiwalay, ang alam ko lang kasi palagi silang nag-aaway. Kasi si papa ayaw ng ginagabi si mama sa pagseservice sa pagmamanicure. I have few memories of those, ung tipong ako lang mag-isa sa bahay dahil ung mga kapatid ko sinundo si mama then suddenly dadating si papa galing Baguio at magagalit siya kasi wala sila. Then ipapalock niya sa’kin ung mga pinto para di sila makapasok. Pag dumating na sila, start of those unwanted memories na naman sa buhay ko. For sure kasi mag-aaway na naman sila, sometimes there are physical one, and madami ung nagsasagutan sila, nagsisigawan. Madaming beses kong nakitang umiiyak ang mama ko, ang mga kapatid ko, ako? I really can’t remember kung umiiyak din ba ako nun o pinagmamasdan ko lang sila. I was really that type of person, palaging walang reaksyon sa paligid, weird isn’t it? I remember that one time na nag-aaway na naman sila at sasaktan ni papa si mama, sasampalin niya ata un and ung apat kong kapatid nagsuguran kay mama and they hugged her to protect her from papa and I was completely standing there doing nothing but to watch them. Ilan lang yan sa painful memories na meron ako. Minsan bigla nalang akong ginigising ng ate ko at sasabihin niyang nag-aaway na naman si mama at si papa. Minsan magugulat nalang ako na umalis akong okay pa sa bahay at pagbalik ko nag-iiyakan na sila. Dati hindi ko naiintindihan kung bakit sila nag-aaway palagi. Akala ko nagsawa nalang si mama sa palaging away na nangyayari, na napuno na siya kaya hiniwalayan niya si papa. Naaalala ko pa un, Monday yun e at si papa bumalik ng Baguio dahil dun ang work niya at nagulat nalang ako na iiwan na pala namin siya. I just can’t imagine the pain my papa felt when he discovered it. Alam mo ung tipong bago kami umalis, naiiyak na ako iniisip ko palang ung magiging reaksyon ni papa pagbalik nia ng Wednesday ng gabi only to find out na wala na siyang pamilyang uuwian sa bahay? Damn, that thought was really heartbreaking up until now. Ilang beses din sinubukan ni papa makipagbalikan kay mama, pinupuntahan niya kami dito sa Cavite para bawiin kami pero hindi pumayag si mama. There was a time na sabi ni mama babalik na daw kami La Union kaso may kumontrang epal na nilalang na hanggang ngayon sinusumpa ko, kung di dahil sa kanya siguro nabuo ulit kami. Can you blame me na pag nakikita ko ung taong un dati, all I feel is that hatred na dahil sa kanya nasira ung family namin? Pwede pa sana e, baka sana naging buo kami ulit. Hanggang sa hindi na talaga ginusto ni mama bumalik dun, hanggang sa napagod na din siguro si papa. Siguro kasi nasasaktan na din siya sa pambabalewala ni mama sa kanya dati pag dinadalaw niya kami at naiitindihan ko si papa kung bakit hindi na siya bumalik at dumalaw ulit sa’min. 2004un, new year nian nung huli siyang nagpunta sa Cavite and that was also the last new year in my memory that we celebrated together and after nun di na bumalik si papa dito. Sumobra din kasi si mama nun, never niya man lang kinausap o pinansin si papa. Nagkulong pa siya sa kwarto nung paalis na si papa at halatang ayaw makipag-usap. Ayaiii, ayoko ng memory na yan talaga, too painful to recall. Tanda ko pa nian, sa sobrang ayokong makita ung ginagawa ni mama kay papa nun, naghugas ako plato habang sila ng mga kapatid ko magkakasama dun, lagi kong nilalayo ung sarili ko pag ganyang moment kasi alam kong ako ung unang iiyak sa harap nila at di sila sanay na ganun ako. That was the last time na dinalaw kami ni papa dito and after 7 years dun ko siya nakita ulit. November 2011 nung pinayagan na ako ni mama sumama sa mga kapatid ko umuwi ulit dun. Seven years before seeing my papa again, and tumanda na siya at naiiyak akong isipin na ang tagal nung panahong hindi niya ako nakita, up to the point na akala niya galit ako sa kanya kaya di ako sumasama sa mga kapatid ko pag umuuwi sila dun. If he only knew how much I yearned to see him, kung gaano ako naiinggit sa mga kapatid ko pag nakakauwi sila at ako di pinapayagang sumama.
Then finally, this April nakauwi ulit ako, nakita ko ulit si papa at mas tumanda na siya, mas tumanda pa siya lalo, ampayat niya na din. Tapos sabi namin nung nasa Baguio kami kain muna kami sa Jollibee tapos ang sabi niya “mahal naman jan anak” and hinawakan ko si papa and told him “ok lang yan, ililibre ko kayo.” Naiiyak ako nun na those simple things in life hindi man lang niya naeenjoy, na parang on that very little way gusto kong mafeel niyang this time naman ako ang babawi sa kanya, na ngayong may pera na ako pwede na namin siyang dalawin dun kahit hindi niya sagutin ung pamasahe namin pabalik. Alam niyo ung no amount of money I spent could amount to the fulfillment I felt and that happiness we brought to him. Iba lang ung saya kapag nakakasama namin siya, ung parang napupunuan ung childhood naming nawala. Then pagdating naming La union, he asked us kung ano gusto naming kainin at siyempre puro gulay ang pinabili namin. Wala lang, I really find it sweet for him na pagbigyan kami sa mga gusto naming kainin dun. Nung andun kami ang lambing niya sobra, he kissed us before kami matulog na never niyang ginagawa dati sken. We know naglalambing siya nun, kahit nakainom siya nun at feeling ko talaga naglalambing siya sa’min lalo pag nakainom siya, we understand naman kung lumalakas loob niya talagang yakapin kami pag ganun. And I will never forget, April 16(Wednesday night) I kissed him on his cheek, that was the first time na ginawa ko un sa kanya. Wala lang masaya lang ako that I was able to, hindi talaga ako showy kay papa. Never akong nagging malambing sa papa ko. Then Thursday morning ginising niya kami and he kissed us again, sarap lang sa feeling na alam kong masaya siya na andun kami. Alam mo ung kahit dalaga ka na, ang sarap lang sa pakiramdam ng nilalambing at binibeybi ka ng papa mo. Every hug he gave me, ramdam ko kung gaano siya kasaya at kung gaano niya kami namiss. Although very observable na mas malambing talaga siya sa dalawa, masaya na ako na nilalambing na din ako ng papa ko, sa wakas. J Thursday din ata un nung binigyan ko siya ng pabango, mahilig kasi si papa sa ganun, eee wala lang I know napasaya ko siya dahil dun kahit simple things lang, alam ko naappreciate niya ng sobra.  Pinagluto niya din kami ng mga gusto naming kainin which is puro gulay haha!! Then aun Friday night na, uuwi na kami kinabukasan, we planned na ipagluto si papa. Dahil ang galing ko magluto pancit canton lang alam ko kaya un ang niluto namin, buti may gulay din, at habang nilalaga ko ung talbos ng kamote nagulat nalang ako nag-iiyakan na sila dun. Ok left out na naman ako nun haha! Then aun pala, nagserious talk sa loob nun, kasi nga uuwi na kami kinabukasan at alam kong nalulungkot si papa na aalis na naman kami. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila nun sa loob, but the moment na nakita ko si papa wiping his tears, hindi ko na napigilan ung sarili kong umiyak. Nagbiro pa nga ako nun na di pa sila artista nag-iiyakan na sila just to stop my tears from falling kaso wala e bumigay na din ako nun. My papa will always be my tear-popper, kaya umiiwas akong magkaseryosong usapan kasi alam kong iiyak lang ako. Tapos nung di ko na mapigilan lumabas ako ng bahay kasi baka di na ako tumigil at sinamahan ko ung mga kaibigan ko dun, kasama din kasi sila sa treat naming pancit canton haha! Aun niloloko pa nila akong pogi daw ako pero napakaiyakin ko. Ewan ko ba pero nasasaktan ako pag nakikita ko si papa na ganun, pakiramdam ko kahit di siya magsalita nararamdaman ko where he’s coming from. At the same time naaawa din talaga ako sa kanya, for all the times na wala ni isang anak niya sa kanya, na wala kami dun nung nadisgrasya siya, nung akala ko mawawala siya, kung gaano kahaba ung time na hindi niya nagampanan ung pagiging ama niya sa’min na kahit ganu niya itry bumawi we both know that it will never be enough, kung paano niya kami hindi nakitang magdalaga ganun din namin siya hindi nakitang tumanda.  Nasasaktan ako pag naririnig ko siyang magsabi ng thank you kasi dinalaw namin siya dun, kasi akala niya daw nakalimutan na namin siya, na balewala nalang siya sa’min. At the same time, I feel guilty din siguro kasi nasanay akong hindi magreach out sa kanya, ni kamustahin hindi ko ginagawa, na masyado akong naghold back ng feelings pagdating sa kanya, na hindi ako kasing expressive tulad ng mga kapatid ko. Ung parang it’s too late to realize what I made him feel and it’s really too painful to see it with my own eyes. I know sobrang nasasaktan si papa na pakiramdam niya nakakalimutan namin siya, I can’t blame him naman ‘coz the truth is he has the all the rights to feel that at ayokong dumating ung time na hindi man lang kami makabawi at hindi man lang maalis sa papa namin ung pakiramdam niyang un. I’m sorry papa kung naging selfish akong intindihin kayo dati, na nakaramdam ako ng tampo sa inyo nung hindi na kayo dumadalaw dito, inisip ko nun binalewala niyo kami e, na hindi niyo man lang punan ung responsibility niyo sa’min. Nakalimutan kong masakit din sa inyo ung ginawa niyo, na mas masakit sa inyong tiisin na hindi kami makita, na mas masakit sa pakiramdam niyo na akala niyo binabalewala namin kayo, na ayaw namin kayong makita. Hindi ko alam kung ano ung pinag-usapan niyo nila lala at yel nung nagkakaiyakan kayo dun sa loob, hindi dahil sa wala akong pakialam nun kaya hindi ako sumama pero kasi ayokong makita talaga kayong ganun, hindi ko talaga kaya un.  Then aun nga, Saturday na at uuwi na kami. Kung pwede lang sanang magstay pa dun, kung sana ang isang araw hindi lang 24 hours, sana mas mahaba pa ung time na makasama namin siya. Then nung hinatid niyo na kami sa loob ng bus nun, di na ako tumitingin sa inyo kasi ayokong makita ung muka niyo, I don’t wanna see that sadness in your eyes again kasi weakness ko un e. Ayoko nung pakiramdam na iiwan na naman namin kayo, at mag-iisa na naman kayo. Then pagbaba nio nun, sabi ko sa kanila “dapat dalasan natin pagdalaw kay papa e” then I wasn’t able to add more words kasi umiyak na ako. Para nga kaming tangang nag-iiyakan nun e. Then pinabasa ni yel ung part nung sinabi niyo sa kanya nung nagkakaiyakan kayo nung gabi nun, “mahirap lang kasi ako kaya ayaw sa akin ng mama niyo. Malalaki na kayo ngayon, mas naiintindihan niyo na…” That broke my heart. That caused more tears on us. Those simple words na anlalim ng ibig sabihin, that when you think of it, you’ll realize na jan lahat nagsimula kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami. Si papa kasi kuntento na sa simpleng buhay na meron kami dati, si mama naman hindi, kaya siya nagttrabaho pa ng extra which is hindi nagugustuhan ni papa. Si mama kasi. she wanted a better life for us, for our future, not like papa who’s contented kung ano ung status ng buhay namin. Hanggang sa naging ugat na din un ng mas malalim na dahilan para tuluyan silang maghiwalay.


Siguro nga tama si papa, malalaki na kami at mas naiitindihan na namin. Masakit man na hindi kami lumaking may buong pamilya, pero siguro may purpose kung bakit. As simple as wala sana ako dito,at hindi niyo ako kilala kung hindi sila naghiwalay. Siguro hindi ako nakapag-aral at nakapagtapos ng college. Siguro hindi ganito ung naeexperience namin sa buhay, but if I could trade everything I have right now to have that complete family again, I probably will--- no buts and second thoughts. Pero eto ang reality, magkahiwalay sila at broken family kami. What important is to see what’s good in it, dahil hindi naman lahat nag nangyayaring pangit sa buhay mo ay para masaktan ka lang, lahat yan para matuto tayo and maybe this is God’s way of bringing his lesson to us. And I guess with what happened to them, they are both now a better person, a better parents to us, hindi nga lang sila magkasama. 

Tuesday, December 31, 2013

2013’s epiphanies


This year? It wasn’t the luckiest and happiest year for me but it will always be a memorable one. It was a year full of failures, pain, disappointments and of course realization. To be honest I’m a little hesitant of making this, not because it was quite a long time since I made a post but because I know I will end up talking about a specific chapter of this year, specific person rather.
How will I start this one? The thing is I don’t really have any idea how to, my fingers are just itching to make this and I hope my mind cooperates. :)  Okay I’ll start saying: This year changed me a lot, in many views of life I could tell.  I learned that sometimes doing the right thing doesn’t make you a good person, and being good doesn’t mean you’re doing it right. People will have something against you and no matter how I want things to just fall into places, maybe they just can’t be. Maybe I was forcing things so much that I end up disappointing myself for results. I tried to fix things up but they just got worse in the end. It was like trying to walk with a broken leg then realize that you have to take a pause, let it heal then stand and make your first step again. Are you getting the idea? To simplify the thought, never let yourself overdo the healing process, let time do it. It’s applicable in any kind of wound you have.
Second is, it was really true that people forgive but they will never forget what happened. This year I could say that I was freed from the guilt I have since 2012 (when I caused a break up). I was waiting for the time that I can personally apologize to the girl whom I know I had hurt so much and for all the people involved. I was just grateful that God gave me that moment this year. If you are reading this, thank you for accepting my apology, for forgiving me and for the friendship again. Well, how it feels like? It’s like letting go of something heavy you have carried on for a long period of time. You made mistake and so thus other people to you. Forgiveness, it wasn’t easy to give especially when you had been hurt so much by what they done to you but believe me, sometimes you will just find yourself forgiving them even without them asking for it. Like I said, you can forgive but you will never ever forget, and I guess that applies to me. I can’t fool myself that when I said I’m okay, that when I said I forgive you it means that I don’t remember the details of it. Forgiveness also take time sometimes, it doesn’t matter how long or short the time is, what important is how true that forgiveness is.
My third realization is that I no longer want to be the pitiful “oh-she-can’t-move-on” girl they think I am. The truth is I was full of hearing that, but when those words came from the people who caused you heartbreak, it strikes you the point of motivating yourself to show that self-conceited person that you can get over him. It was the worse feeling I ever felt ever, to be laughed on by the people who had hurt you and never took time to think of why I felt it in the first place. And the feeling when you know that they were talking about you, telling offensive words at your back, laughing at your situation, making you feel how pathetic you are for still being in pain, that all you can do is to stare blankly and think how the hell they have the guts to do that. I could tell you it could make you feel so little of yourself.
Fourth is that pain will always make you learn something about life. Sometimes you have to go through a lot of it to know who will be there during those times and how would you able to manage yourself. Pain will change you, and it’s in your hand if you want yourself better or the other way around.
Fifth and the last for now,  that I was loved by many people around me. For you who are reading this and understand everything I had written here even without specific details, I know you’ve been a part of my 2013 and for that I would like to say thousands of thank you to you all. I really appreciate all the concerns I had felt when I’m going through hard time and I won’t be able to surpass it without your supports in me. I appreciate everyone of you who had shared my every pain and tears. For my superheroes out there, you know I wasn’t that type of person who wants absurd arguments and foes, so I really appreciate all those times that you defended me when I chose not to speak, that you always spent time to listen with my unending emoments, that you all made me realize that sometimes it’s okay to stand for yourself when you think you had enough, that I have to speak up sometimes. I would never fail to recall that tough times when I felt that there are special people like you in my life, thank you.
Epiphanies, I know I have more in mind but I guess five are enough for now. Change are sometimes necessary and most of the time it happens unnoticeably. Sometimes, remembering something from the past make you realize how things have changed and how you have changed since then. The question is, how well had you survive the reality of getting hurt and learning from it?
                 


Wednesday, May 01, 2013

Too much pain, again.

       It's been 5 months and 7 days mula ng magbreak tayo, funny to think na ganun na pala katagal lahat. Honestly naiinis na ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon ganun pa din ung sakit na nararamdaman ko, naiinis ako sa sarili ko more than I hated you. Galit ako sa sarili ko dahil sa mga ginagawa ko, the truth is I don't blame you, I'm blaming myself more kasi naging ganito ako, kasi ganito ako at dahil dun iniwan mo ako. Naiintindihan mo ba un ha? Alam mo ba kung ano nangyari sken sa loob ng panahon na yan, siyempre hindi mo alam kasi wala kang pakialam. Isusulat ko lahat dito, hindi para isumbat sayo kasi wala ka namang kasalanan e, kasalanan ko kasi mahina ako para ihandle ung sitwasyon. Isusulat ko 'to para pag OK na ako at babalikan ko lahat ng epekto mo sken, masasabi kong proud ako sa kasi kinaya ko.
       5 months and counting, alam mo bang kinukulong ko ung sarili ko sa nangyari sten? Alam mo ung sabi sa breakeven, "I'm still alive but I'm barely breathing." Sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari, pakiramdam ko kasalanan ko. Ung mga unang buwan after the break up, hindi ako kumakain, palagi akong walang gana. I'm punishing myself, remember dati pag nag-aaway tayo at hindi ako kumakain, di ba ginagawa ko un para parusahan ung sarili ko kasi magkaaway tayo, kasi sinisisi ko ung sarili ko sa bawat tampuhan na meron tayo. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko lagi, kaya dapat hindi ako magtampo pero hindi ko napipigilan, sobrang bilis ko maapektuhan ng mga bagay na ginagawa mo.Sorry kasi ganito ako e, sobrang big deal sken lahat ng bagay, lalo na ung mga maliliit na bagay. Dumating ung time na ung baon ko ng lunch never ko nakakalahati tapos pagdating ng gabi hindi ako kumakain. Umabot ako sa pain na yan, at alam kong mali un. Alam mo ba kung bakit ngaun kumakain na ulit ako ng tama? Sinabihan ako ni mama na kumain daw ako, ang payat payat ko daw, para na daw akong losyang sa ginagawa ko. Tinatawag nila akong bungo kasi ang payat ko na daw. Gusto kong makarating sayo na ganun ung epekto ng ginawa mo, para makaramdam ka ng kahit konting guilt sa sarili mo, pero sino ba ang talo dahil dun, ako naman di ba? 
       Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko palagi, madalas tulala ako. Alam mo bang nadukutan ako ng tatlong beses dahil sa pagiging tulala kong yan, wala na akong pakialam sa paligid. Ung palaging ikaw ung naiisip ko, lahat ng nangyari sten. Alam mo ba na umiiyak ako sa bus pag naiisip kita? Hanggang ngayon di ko napipigilan ung sarili ko. Mukang tanga lang di ba, kaya madalas ako magsuot ng salamin nun, kasi para pag umiyak ako hindi masyadong mapansin. Ewan ko ba, lagi kasing pumapasok sa isip ko ung araw na naghiwalay tayo, at hindi ko din alam bakit ung level ng sakit e ganun pa din. Ung feeling na pareho ung pain nung nangyari un at pag naaalala ko, I admit hindi ko talaga mapigilan, ang sakit kasi sa dibdib e, ung ang hirap huminga, parang sasabog ung sa sakit. I know parang OA talaga pero alam mo ung feeling na tinigil ko ung mundo ko dahil sa nangyari. 5 months na napakaunproductive ko, wala akong improvement. Everytime na nagiging topic ka, umiiyak pa din ako. Alam mo ung walang nakakaalam kung ganu kalaki ung pain na nararamdaman ko, hindi ako sanay na sinasarili ko ung nararamdaman ko kasi sumasakit talaga ung puso ko, pero kailangan kong gawin kasi ayoko ng kaawaan nila ako. Kung pwede lang ayoko ng malaman nilang nasasaktan ako kasi ayokong di ka nila maintindihan, ayoko na ding magmukang mahina sa harap ng ibang tao. 
    Up to now, there's a part in me that's still holding on. Hindi ko maiwasang isipin ung what ifs, lalo na ung what if tayo pa.  Every ninth of the month, iniisip ko kung panu kung umabot tayo ng ganun katagal. Every 24th naman, I'm counting the days na wala ka sa buhay ko. It's easier said than done, totoo yan. Alam mo ung I keep myself on asking why am I still stuck here, samantalang ikaw you're enjoying your life without me. Minsan iniisip ko kung naiisip mo din ba ako, kung tinatanong mo din ba sa sarili mo kung kamusta na ako? Pinagdarasal mo din ba kayang makamove on na ako, na hindi na ako masaktan pa., kasi ako palagi kung pinagppray na sana maging masaya ka kahit alam kong hindi na ako ung isa sa mga taong makakapagdulot sayo nun. 
      Alam mo bang iniiwasan kong gawin ung mga bagay na nakasanayan ko kasama ka, minsan ayokong manood ng GGV pag sunday kasi naaalala kita. I know ang lakas makatanga pero pag nasa kwarto ako at nakikita ko ung gate namin, winiwish ko na nandun ka tapos hinihintay mong pagbuksan kita. Ang tagal kong inimagine na mangyayari un ulit, at nasasaktan talaga ako pag nagsisink in sken ung truth na wala ng Macky Maudi na dadalaw sa bahay every Sunday. Lahat ng Sunday na dumaan, kung pwede lang ayokong magstay dito sa bahay, gusto ko lumabas palagi kasi ayokong maalala ka. Dati nga parang ayoko na umuwi dito e, kasi mula sa labasan hanggang dito sa bahay naalala kita, pinapaalala ka ng mga tao dito.
     May time na nagmemessage ako sa luma mong FB account para masabi ko lang ung mga tampo ko sayo, o pag di ko na kinakaya ganun. Pinigilan ko magblog dito, baka sakaling mabawasan ung pain but I guess mali ako. Sabi ko dati, hindi na ulit ako magpopost dito ng tungkol sayo pero wala e, mas mahirap pala na ideny mo sa sarili mong nasasaktan ka pa din. .Ung feeling na sinasarili ko nalang lahat ng nalalaman ko, tama nangg ako nalang ung may alam, wag na sila kasi alam kong mas magagalit sila sayo. Siguro nagtatanong ka kung bakit naman sila magagalit sayo, well dahil nakikita nilang nasasaktan ako, at alam mo bang mas mahirap sken un kasi kelangan kong ipakita sa kanila na kaya ko para hindi na sila magalit sayo.Ayokong magbago ung tingin nila sayo kasi tinanggap ka nila for me, pero ngayon pakiramdam ko lahat ng tao iisa lang ung gustong gawin ko--- ang kalimutan ka na.
       Andami kong nalaman about you, salamat sa i love you dre mo, at alam mo bang bawat revelation ng kaibigan mo e umiiyak pa din ako. Kasi hindi ko mafigure out bakit mo nagawa sken un.
Siguro isusumbat mo na mas pinapaniwalaan ko pa ung kaibigan mo kesa sayo, pero kasi hindi lang naman siya ung basis ko e. Ok I admit, the first month, nabubuksan ko pa din ung facebook mo at nababasa ko lahat dun, kasama na ung sa debut, sa charm na un. Pero dumating ung time na hindi ko na inopen ung FB mo, nilog out ko na para di ko mabuksan pa. Tapos magugulat ako na may nagchat sa friend mo gamit ung FB account mo at iniisip mong ako yun, bakit ako? Ok lang e kung ako talaga, pero hindi naman talaga ako un e. Malalaman ko pa na galit ka sken dahil dun, did you ask me if that was really me? Na ang tanong daw sa friend mo ay tungkol lahat sken, do you think I am that stupid enough para itanong ung sarili ko? At dahil pinagbintangan mo na ako, sinubukan kong buksan ulit ang FB mo, e di tototohanin ko nalang para may sense naman, aun nga iba na ung password mo pero panu ba yan nahulaan ko e. Bakit kasi un kadali ang password mo. So pag nababasa mo 'to magpalit ka na ng password mo ngayon, okay?
   " ah. ung sa ex ko wala masyado sya mahigpit e tpos di mawala ung sa loob ng 1 week di maari di kami mag aaway ganun, e di ko na kinaya kaya nakipag break ako." Nabasa ko yan sa facebook mo kanina, grabe, yan ba talaga ung totoong dahilan mo? Meaning ba tama lang pala na sinisisi ko ung sarili ko dahil sa nangyari?? Tama ba ung pakiramdam ko na kasalanan ko nga? So deserve ko lang pala lahat ng 'to :( Alam mo bang hindi ko maintindihan ung part na sinasabi mong pinaghihigpitan kita. I know never kitang ginanun, paranoid lang ako at matampuhin pero hindi sa point na naging mahigpit ako. Pinagbawalan ba kita na gawin ung mga bagay na ginagawa mo nung single ka pa mula ng maging tayo ha? Hindi naman di ba, ganun ba ung pakiramdam mo? Minsan nga pakiramdam ko ang hirap sumingit sa oras mo e, na kahit paglalaro mo ng NBA kaagaw ko pa. Ano ba naman ung breaktime nalang tayo nagkakatext at sa gabi after work para masabi mong pinaghigpitan kita.  Ang hirap din kaya mag-adjust, ang hirap hatiin ng oras ko para hindi ko lang maparamdam sayo na nawawalan ako ng time. Alam mo ba kung ganu kahirap sken na maghintay o bumangon ng 12-1 AM pag night shift ka para lang makatext kita kahit saglit lang, para lang patunayan ko sayo na kahit may work na ako e may time pa din ako sayo. Sorry kung nakakatulog din ako agad minsan pag ganyan ha? Akala mo ba ikaw lang ung naiinggit sa mga lovers na hindi lang once a week magkasama, ako din naman e, kung pede nga lang sana araw2 kitang kasama kaso hindi pwede. Ung 6 na araw na di tayo nagkikita,kuntento na ako pag nakakatext kita ng 5 hours a day. Sorry ha, kung nahirapan ka talaga dahil sa ugali ko. Kaya siguro hindi ko magawang magalit kahit ano pa ung malaman kong ginawa mo, kasi  I instilled in my mind that it was all my fault, lahat un kasalanan ko. Alam mo bang tinatanong ko lagi ung sarili ko kung ano ung nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito, para iwan mo ako ng ganun2 lang. Sobrang naguguluhan na ako, bakit hindi mo sinabing yan ung dahilan mo, bakit iba ung sinabi mo sken? Akala ko ba ayaw mo lang muna ng commitment, gusto mo munang magenjoy sa single life mo. Bakit magkakaiba? Bakit iba ung alam ko sa pinapakita mo, sa mga nalalaman ko, sa mga ginagawa mo, at sa nararamdaman ko. Ang hirap na hindi ko alam kung ano ung mas paniniwalaan kong dahilan. Gets mo ba un? Alam mong kapag nagkakatampuhan tayo at masama ang loob ko sayo dati, sarili ko pa din ung sinisisi ko dahil dun, at ngayon ganun ulit ung nararamdaman ko. Sorry kung tingin mo nageexpect ako ng sobra from you, hindi ko alam bakit sinasabi mo yan sken, pero feeling ko kasi maliliit na bagay lang naman un e, ung mga simpleng bagay na pangarap ng babae sa first niya. Ung feeling na kinatampo ko na bigla mo akong natulugan nung first monthsary natin, sorry ha? kasi un ung first monthsary ever na mararanasan ko sa buong buhay ko e, gusto ko lang naman na salubungin natin xa sabay e, un lang feeling ko perfect na. Naghintay ako mag12 nun kahit tinulugan mo ako para mabati ka lang. Alam mo namang I'm not into gifts e, mas appreaciated ko ung mga messages mo. Ung sa pagiging paranoid ko naman, sorry dun ha? Kasi naman alam ko kung ano ka at hindi mo maiaalis sken na mathreatened, sorry kasi ang gaganda nila at insecure ako, at naman alam mo ung totoong selos sa keme lang di ba, at alam mong sa lahat ng un kay Charm lang talaga ako hindi naging secured.  Nung birthday ko, oo nagtampo ako na hindi mo ako pinagbigyan sa request kong sumayaw ka ng gangnam style nun. Pero di naman kita inaway di ba, sinarili ko nga lang ung tampong un e pero tinandaan ko un, kasi big deal sken ung effort. Wag mo na akong bigyan ng kahit anong regalo dahil di ko un maaappreciate, basta pagbigyan mo lang ako sa mga simpleng request ko mas masaya ako dun. Sorry kung dahil sa pagseselos ko kay Charm , inaway kita. Un talaga ung aminado akong inaway kita, the rest tampo lang un. Pero mas maganda nga ata na inaway kita nun e, atleast di ba nagkaron ka lalo ng dahilan para makipaghiwalay sken. Gusto kong sabihin sayo na effective ung ginawa mo, kasi hanggang ngayon ung sarili ko ung sinisisi ko at hindi ikaw, at kahit kelan naiintindihan ko ano man ung tunay mong dahilan.
       You know what, if there's a thing I wanna wish, un ung sana sinabi mo nalang sken ung totoo. Tanggap ko naman e, hindi ung ganito na andaming anggulo. You know me, hindi ako tumitigil hanggang di ko napapatunayang tama ako, at masakit na sobra. Andami ko ng alam pero jan ako pinakanasaktan talaga. Kasalanan ko pala talaga, at sorry dun ha? Sorry sa pagiging ganito ko. Sana maintindihan mo, hindi ko gustong iparamdam na wala kang ginawang tama. Sa totoo lang ang sama ng loob ko pero hindi dahil sayo, dahil dun sa naparamdam ko sayo. My whole life sanay ako na special ung tingin ng lahat sken. Sa school, nakakaramdam lang ako ng pang-aasar sa mga kaclose ko, ung iba hindi ako inaasar kasi matalino daw ako, alam mo ung andun ung respeto nila sayo. Pag nagsalita ka, alam mong pakikinggan ka, alam mong may worth ka. Masarap sa feeling un, na kilala ka ng karamihan kasi matalino ka, advantage un kasi hindi ka nila babasta-bastahin. Sa pamilya namin ako ung tinatawag nilang "star", ako ung achiever, ako ung palaging bida, ako ung ganito, ako ung ganyan. Feeling ko nga kung idescribe ako ng mama ko sa iba ay ideal child. Ako ung palaging kinocompare sa mga mga kapatid ko. My whole life, sanay akong nasa akin ung favor ng lahat, na sken ung attention, ung special ako, ung feeling na swerte sila na may tinamarie sa buhay nila. Sabi nila ang swerte daw ng magiging boyfriend ko kasi almost perfect daw ako, kaya siguro nasasabihan ako na high standards daw kasi ako pagdating sa mga lalaki, naiintimidate ba talaga sila? Honestly wala naman akong standards e, hindi lang ako nagmadali. Gusto ko kasi pag dumating ung time na sinubukan ko na, gusto ko almost perfect, hindi ako sanay sa failure. Masarap sa feeling na andaming taong alam mong sobrang ingat na wag ka masaktan kasi they know your worth as a person, pero hindi nakita ng taong un kung ano ung nakikita ng ibang tao. When everybody's treating me like the best,  he treated me ordinarily at sorry kung hindi ako sanay sa ganun. Minsan naiisip ko kung kasalanan ko bang maging matalino para mangyari un. Sorry kung hindi ako marunong tumanggap ng simpleng sorry, kasi naniniwala akong lahat may explanations, and honestly hinihintay ko un mula sayo. Sana one day magexplain ka, kung ano ung totoo. Wag mo na ako hayaang magconnect-the-dots sa mga nalalaman ko. Pagod na akong maghanap ng sagot on my own. Ung side mo lang, ung totoo lang--- that's all I wanted to know, alam mo naman na kahit anong mangyari panghahawakan ko ung sinabi mo.
Sorry kung nagblog na naman ako, sinubukan ko namang pigilan kaso I know mas gagaan ung pakiramdam ko pag ginawa ko 'to. Actually andami kong gustong sabihin sayo but they just can't come out into words. Kakaiba ka talaga e, alam mo bang ikaw na ung taong pinakanasaktan ako. I know hindi mo ginusto yan, kasalanan ko kasi e, ayaw ko pa kasing tumigil, ayan tuloy. Naiisip ko na ding i-unfriend ka, pero ayokong sirain ung promise ko, at gusto ko pagdating ng time, you'll see that kinaya ko. One day I know makakasalubong kita and sana pag dumating ung time na un, kaya ko na. Siguro nga hindi na tayo pwedeng maging friends ulit, at ikaw ng pumili nian hindi ako, pero sana pag naalala mo ako, sana kahit pano masaya ung mga memories na maalala mo kasi ako kahit ganu kasakit ung nararamdaman ko, kahit sobra pa ung pain kesa sa happiness, I'd still choose to remember those happy ones, kasi once in my life nagmahal ako ng taong alam kong minahal din ako. Sabi nga ni Papa Jack, "kung ang tanong ay kung minahal ka ba niya, of course he did. But if that love is enough for him to stay, the answer is no." We may not have the happy ending but I thank you for giving me the chance to spend a little of my lifetime to be loved by you. 
       
       

Saturday, January 12, 2013

End of the Road


It’s funny how can someone push you to the point where it is no longer possible for you to continue understanding them. I think andito na ako. Sa lahat ng nalaman ko, eto palang talaga ung breaking point, ung napuno na ako, ung  napasabi na ako ng “gago siya”, ung hindi nalang basta pain, may anger na, ung umiiyak ako hindi na lang dahil sa masakit pero dahil sa naiinis na ako sa kanya--- that’s exactly how I felt a couple of weeks ago.  Ung mas malala pa pala ung malalaman ko kesa sa ineexpect ko lang. Honestly it washed everything that was set on my mind, nabalewala lahat ng valid reasons na meron ako bakit nangyari un. Tama talaga si Papa Jack e, pag inubos mo ung pasensya niya sayo mauubos din pati pagmamahal nian, so I guess you know what I mean with the title alone.
Dahil masama loob ko, gopo ka sa’kin sa post na ‘to, makabawi man lang sa mga ginawa mo. Dahil ako si Tinamarie, magdusa ka sa kakadrama ko, wala kang magagawa nasaktan mo ako e or should I say sinaktan mo ako? Haha, ang mean ko . :D Haaay, sana pede nalang ‘to tawanan palagi para di ko feel masyado. Di ko na sasabihin pa sayo lahat ng nalaman ko, baka pag ginawa ko un magulat ka tapos mahiya ka sken bigla kasi you have no idea na alam ko ung totoo. Feeling mo ba naniwala ako sa mga dahilan mo, tsss sabi mo nga di ba researcher ako, bakit di mo naisip un nun, sana sinabi mo nalang ung totoo hindi ung pinaganda mo pa ung dahilan mo.
Imagine kung pede idemanda ung mga taong nanloloko ng bf/gf nila, tingin mo guilty ka? Siyempre for you hindi, kasi nga ano ba namang ginawa mo? E ang reason of breakup natin according to you is ayaw mo muna ng commitment, wala kang time for me, gusto mo maenjoy ung single life. So hindi nga naman, but try to put yourself in my shoes, ano sa tingin mo, siguro maawa ka din sken dahil sa ginawa mo. Ayan andito na ako sa point na nakakaramdam na ako ng inis sayo, kasi naman sinagad mo ako e. Aish, andami kong gustong isumbat sayo which I know hindi naman tama pero for once gusto ko lang isampal sayo lahat ng hard feelings ko for you. Kung pwede nga lang e, pasapak lang ng isa alam mo un.
Am I the type of a person who’s worth to be cheated on? Hindi ko maexplain, pero nakakainis sa pakiramdam na niloko mo ako. Actually normal lang naman sa panahon ngayon ung kahit in a relationship e nakikipagflirt pa sa iba. Bakit nga ba naman big deal sken ‘to?  I failed, nakakadisappoint sa feeling na pinatunayan mo lang sken ung perspective ko sa ganyan, it will always be a sudden hello and goodbye. One more thing,I trusted you enough, you’re my first tapos ganun gagawin mo sa’kin. Nagkulang ba ako sayo o sumobra ako ng tiwala para wala akong kaalam-alam na ganun katagal na pala nagsimula un? Kung hindi mo ako ganun kamahal para di ka magloko sana naawa ka nalang sken , sana inisip mo what would be the effect of doing that to me. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa ginawa mo, bakit ba hindi ko agad nalaman, tsss.. epic fail ako. Akala ko nung debut lang nagsimula ung sa inyo nung girl na un, November  11,2012. Alam mo ung kaya di ko magets bakit ganun mo nalang ipagtanggol un kung dun lang kayo nagkasama ng ganun. Akala ko ang malalaman ko lang e kung ano talaga nangyari nung debut, un pala mali ako.  Kung nababasa mo man ‘to at naiinis ka na sa mga sinasabi ko at iniisip mong nagjump into conclusion na naman ako mali ka dun, you know me, I always have supporting details bago maniwala. A friend of yours, told me this: “yung si charm, chinichiks nya yun kahit nung kayo pa tapos nung debut naman nakita nya si karmia, yun naman next na tinarget nya.. bale pinagsasabay nya yung dalawa.” Ano ba dapat ko mafeel nung sinabi yan sa’kin? Di ba nakakaloko sa pakiramdam. Ano gwapo ka para gawin un samin? Naisip mo ba ung pakiramdam pag ginawa sayo yan ha? Kulang pa nga yan sa lahat ng nalaman ko at di para ishare ko ng buo dito, kahit panu naman ayokong mag-iba ung tingin ng iba sayo.  Two months lang naging tayo nagawa mo pa yan, grabe naman. Masakit na nga yan e, kamusta pa ung nalaman kung August 23,2012 pala nagstart ung “charm thing” na un. Nakasama mo lang sila sa panonood ng UAAP, natripan mo na kaya pinahingi mo number agad number. Wow naman, di pa nga tayo pala nun, September pa naging tayo e, so meaning lang that early pa pala. I remember pa, sinabi ko sayo nun behave ka lang, aish!! Sana pala sumama nalang ako nun, para di ka nakapaglandi. Masama pa palang bigyan ka ng time to be with your friends. Bakit di mo nalang sinabi agad para sana hindi ko giniveup ung NBSB title ko sayo, feeling ko kasi hindi na worth it. Nakakainis, bakit ba hindi ko nalaman agad na nagloloko ka nun, kaya pala iba nararamdaman ko pag nakikita ko sa inbox mo ung pangalan na un dati, I should have listen to my instinct, kaya pala di ako ganun kacomfortable with it kasi siguro there’s something going on. Ok let’s just say nung naging tayo naman di ko agad nafeel na may iba na, I’ll just give you the benefit of the doubt about it. Feeling ko di naman nagtuloy na nung naging tayo at nagbalik lang ulit nung nagkita kayo sa debut. Sana ganyan nga, para hindi masyadong masakit  sa part ko. Hindi ko alam kung bakit ba ginawa mo yun, for keeps naman ako di ba? Kahit pano naman alam ko na there’s something to be thankful for by having me, bakit di mo nakita un?
Sabi nila never regret the things that made you happy, pero minsan nafifeel ko yan dahil sa ginawa mo. Alam mo ung feeling na andun pa ung love pero wala na sa point na pag gusto mo may babalikan ka pa. Nung una, I still hope na marealize mo kung ano ung pinakawalan mo tapos bumalik ka at ngaun mas eager ako na mafeel mo yan, but this time I don’t  want you back in my life, I just want you to be sorry for yourself for not having the chance to have me again. Tinamarie Baldemor ‘to oh tapos pinakawalan mo pa, tsss.. sana nakikita mo ung value ko, kaso sino ba naman nga ako compared sa mga girls na un, they’re a lot more prettier, ano pa laban ko. Sana mas pinapahalagahan mo ung pinagsamahan natin, kesa sa mga ganda nila. I hope one day it strikes you how it feels not having me around and regret it. Sana ganun kadali yan pero masaya ka naman sa ginawa mo, at di ko nafeel that you ever cared for me mula nun at siguro enough na un para mapamuka ko sa sarili ko na you’re not worth crying for.
Sometimes andun ung feeling na sana nagstay ka nalang sa anong pagkakakilala ko sayo back then, na hindi ko nalang nakikita ung ganyang side mo. Sa totoo lang ang selfish mo sobra, siguro bata ka pa nga, there’s a lot of time for you to be matured for at makakita ka din ng katapat mo at sana pag dumating ung time na un, marealize mo na kung bakit hindi tamang manloko ng taong nagmamahal sayo. Hindi options ang mga babae, hindi rin ginagawang reserved.  Hindi lang naman kasi ako ung niloko mo e, niloko mo din pati ung family ko who trusted you so much para ipagkatiwala nila ako sayo. Kung hindi mo man gets kung bakit ganun sila kaconcern sken pagdating sa love, intindihin mo nalang kung bakit naiinis sila, kasi sinaktan mo ako e. Sabi nga ni mama sa mga kapatid ko, “Alam niyo namang sa inyong lahat yan ung pinaka ayokong nasasaktan sa ganyan.” Si mama kahit di ako tinatanong nun alam niyang in pain ako at alam ko masakit din sa kanya na ginawa mo un sken. Sana pinahalagahan mo muna ung tiwalang un ni mama, bago ka gumawa ng ganun siguro kahit panu nakonsensya ka, kahit un nalang e kahit wag na ung trust ko sayo. Kung hindi ka nahihiya sa akin mahiya ka nalang sa kanila, kasi kahit sila ramdam ko ung disappointment nila dahil sa nangyari. Isipin mo ung happiness nila nung finally nagboyfriend ako, see how supportive they are? Pagdating sa ganyan ako ung baby nila dito, kaya ganun sila kaconcern kung ano nangyayari,kung ok ba tayo, nakita mo namang masaya sila for us di ba? Kasi it was my first try at actually di ko gets bakit ingat na ingat sila, pare-pareho lang naman kaming girls, siguro ayaw lang nila akong masaktan kasi alam nilang weak ako. Yan ung gusto kong marealize mo dati pa, na kapag sinaktan mo ako sinaktan mo na din sila. Don’t worry di nila alam ung buong kwento, dahil alam ko na pag nalaman nila maaawa lang sila sa’ken at ayoko nun, at dahil ayoko na ding masira ka pa sa kanila, tama ng sken nalang atleast kahit panu kaya pa kitang intindihin. I wonder what if magkita tayo ulit or makapag-usap, sasabihin ko pa ba sayo na alam ko na ung totoo o hahayaan nalang kita na maniwalang nakalusot ung mga dahilan mo. 
 After all, kahit sobrang sakit pang malaman na ganun nga thankful pa din ako kasi it pushed me to the limit,kung saan alam kong tama na. Ung feeling na when I look back, there's no hanging question on my mind kasi alam ko na ung sagot. There would be no "what if we made it that day?" only "That's why we never made it."


Monday, December 31, 2012

balik-tanaw sa 2012 ko :)


Dahil malapit na mag2013, gagawa muna ako ng sarili kong year end special. :D Few hours nalang new year na, goodbye 2012, super love ko ang year na ‘to kasi favorite ko ang twelve at madaming life-changing  events na nangyari and of course madami na naman akong natutunan lahat un utang na loob ko kay papa God. Sama ka? Tara at maglook back tayo sa 2012 ko.
January, nagstart kami ng work sa Jollibee. Hmmm. Eto siguro isa sa di ko makakalimutang part ng buhay ko, kasi once in my life nafeel ko maging working student oha! Mahirap pero masaya kasi enjoy ung ginagawa ko, at kaibigan mo lahat, di mo mafifeel na work ung ginagawa mo at importante un. Madami akong nakilalang tao xiempre kasama na siya(the who? E di si first ex. hoho) Saka madami ako natutunan dun, hindi lang panu magSS basta madaming-madami. Cute pa nento may crush ako sa JB dati ka-aura kasi ni JCFL(initial yan xD!) at ang twist nian di ba dun ako nadevelop sa tito nia. Hoho! Irony of life nga naman. Note: hindi this month ako nainlove kay MMTG ah.
February, hindi ko masyadong tanda mga happenings pero sure ako na may Valentine’s day nento haha! This month ko ginawa ung “dear future boyfriend” letter ko na ngayon e nasa kamay na ni MMTG. Hoho! Ano pa ba? This month ko na din pala naging crush si MMTG, kasi mejo nakakaclose ko na siya e mabait at kasundo ko pag duty haha! This month din ung nabasa nia ung letter na yun kaya siguro gumaan loob ko sakanya kasi kahit weird ung ginawa ko hindi naman niya ako pinagtawanan. Note ulit: hindi kami this month naging mag-on, nabasa niya lang ung sulat na un. Oh di ba who would thought nung una na siya ung unang nakabasa nun at sa kanya ko din pala talaga ibibigay yun.
March, dahil graduating na ayon super busy nento dahil sa mahal na mahal kong thesis. Hoho! This month din ung di na ako nakapasok sa JB, mga last week of March siguro un, mas priority ko kasi nun ung thesis at nawawalan na ako ng time. Di ko sila pwedeng pagsabayin kasi pag ginawa ko un pano ako gagraduate? Ayon so give up ang career :D Meron ding Gen.Meet ang JB nento, ewan ko pero sabi nila dun daw kami nadevelop, feeling ko naman hindi, matagal naman na kaming close sa counter area. Haha! Pero it opened the door nga siguro into something. Kasi magkateam kami nun at kami ung magkatabi sa upuan so ayon tapos naging partner ko siya sa game haha! Un lang naman.
April, wala ako ginawa ng month na ‘to kundi magpakabusy sa thesis. So much as in. Graduation din namin ‘to hoho!! Xiempre masaya ‘tong month na ‘to for me kasi nakaakyat ako ng stage na suot ang itim na toga :D ok lang kahit hindi naging cum laude, masaya na ako sa running lang haha!! Pressure pa kaya pag nangyari un. Hoho! At eto din siguro ung “guilt month” for me. Why? Kasi may umiyak na girl dahil sa’kin. Ansama ko kasi noh? Nakipagbreak si MMTG sa girlfriend niya dahil sa’kin. :[ Nung nangyari un, I was supposed to be distant to him. Sabi ko sakanya nun itigil niya na, stay with her ex-girlfriend kasi kahit panu mo tignan kasalanan ko din kasi. Pero kinausap ako ng pamangkin nia(ung crush kong una), pinagsabihan ako nun as in, ung sabi niya maging matapang naman daw ako kasi si MMTG pinangatawanan ako. Basta madaming pangongonsensya and whatsoever ang nangyari.  Siguro din may feelings na ako for him that time. Siyempre madaming nagalit nung nangyari un kahit panu kasi tignan ako ung lumabas na nang-agaw, meron din namang nakaintindi at sabi nga nila “prove to them na hindi pagkakamali ung pinasok niyo.”Akala ko kasi nun tropa lang talaga, un pala as days went by hindi na, dumating ung time na mas madalas ko pa pala siya katext kesa katext niya girlfriend niya. Di ko yun alam. Yes lumabas kami kahit sila pa ng girlfriend niya nun, ung una was April 04, wala lang naman un sken, nagpalibre lang ako ng sundae kaya ganun. Saka ka-JB din namin ung girlfriend niya nun kaya for me ok lang, walang malisya sken un. Tapos nun nakita daw kami ng ate ng gf nia, so sabi niya sken dati wag daw ako maingay na ako ung kasama niya. So ayon walang nakaalam nun. Mula nun parang napapaisip na ako na oo nga mali na ata ung ginagawa namin. Naulit pa ung pagSm namin, April 09 sa SMB naman, that time kakausapin ko dapat siya na itigil na kung anuman ung meron kami, kasi nun palagi na kami magkatext, constant caller ko na nga din siya e at ramdam ko iba na din talaga. Ang problema hindi ko din nasabi, di ko alam kung bakit pero siguro pinagana ko kasi ung emotion ko kesa sa utak, pfft >.< Kung ginawa ko siguro un wala akong nasirang relationship. Pagkauwi namin nun, sa phone ko lang siya kinausap nun kasi he told me nga na what if hindi na daw siya masaya sa relasyon nila ganito ganyan, so ako ramdam ko na ko kung  bakit niya nafeel un, tinanong ko siya kung isa ba ako sa dahilan bakit nararamdaman niya un at he finally said na ako nga daw dahilan kung bakit. Kamusta naman di ba na ang payo ko sakanya nung una makipagbreak siya kung ayaw niya na talaga, bago ako pa pala dahilan. That day din ung first ever “I love you” na sinabi niya sken. Alam niyo ung nakakapanghina marinig hoho! Anlandi ko ba? Ok un nga, they broke up April 11. Sinabi niya dun sa ex niya na ako nga daw ung dahilan, mahal niya na DAW kasi ako kahit naman DAW nung nasa JB pa, di niya lang DAW masabi kasi sila na nung GF niya. Note once more: wala pong indication ung capslock na DAW jan, pero xiempre sarcastic ako :D. Nung una talaga parang ayoko na, muntik na ako maggive up sakanya nun pero siguro dahil sa dami ng mga sinabi ng iba at dahil siguro sa guilt ko tinuloy ko na xiempre dahil meron na din akong nafifeel.
May, ano ba? Eto naman ung first time ko siya ipakilala dito sa bahay. The first time, ayaw ni mama sa kanya honestly, haha!! Pero nung nagtagal, welcome na siya. As in welcome na welcome na, siya ba naman magpunta dito every week. If I’m not mistaken from May to November, 4 times lang ata siya hindi nakapunta dito ng Sunday. This month din nangyari ung selos thing about JCFL. Alam niyo un, hoho! Great love ko un e, tapos siya nun ano nga ba naman laban niya dun. May time na nagpunta kami ng  PN last week of April, ayon di ba ang bukambibig ko nun sa kanya si JCFL. Ang insensitive ko sa feelings niya, sorry naman for that. Siguro this month nagsimula ung pagkainsecure niya dun, hoho! 60-40 ba naman ung ratio na sinabi ko sa kanya nun.
June, eto na!!!  MU na kami nento I must say, ung kulang nalang ung official date. Hoho! One thing I’ll never forget: first kiss(umiyak ako nian promise at nanghina ung tuhod ko). Sa mga nagtanong po kung kelan ung first kiss namin at sinagot ko ng hindi ko tanda sorry po, e kasi di ko alam panu sasabihin na nauna ung kiss kesa sa official OO (pffft, kasi naman aggressive un, bigla di ba, e di natulala ako.) Kahit di kayo naniniwalang di ko talaga tanda kasi nga ang memory ko pag ganyan e active. sorry pa din kasi nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi ko tanda.hoho! June 03 po yun. Birth month niya nento, Masaya nian may nabasa ako sa FB nia that exact date na super kinasama ng loob ko. Sinabi nia sa kachat niya PROSPECT niya ako, take note hindi lang isa pero dalawang tao ung nakachat niya na ganun ung sinabi niya. For a girl, ano mararamdaman mo pag nalaman mong prospect ka lang ng isang guy, offensive di ba, nakakagago sa feeling. Kung may makabasa man nito, sorry dahil di ko nasabi sa inyo ung part na yan. Ewan ko ba, disappointing na kasi un sa part ko, ayoko nang mafeel na pati ibang tao mafeel un for me. Prospect niya ako, at mukang may gusto din naman daw ako sakanya kaya kayang-kaya niya daw. Promise nung nabasa ko un nanliit ako sa sarili ko, pakiramdam ko kasi gago ‘to pinaglalaruan lang ba ako nento.  That time talaga hindi ko siya tinext nun at dapat patitigilin ko na siya. Dapat pero hindi ko ginawa, mas lamang kasi ung nagpadala ako sa mga salita niya saka sa mga effort niya. Kahit kelan talaga tanga ako pagdating sa love.
July, hmm wala ako masyadong tanda. Basta alam ko lang 3 months na silang break nento, at dapat this month ko gagawing official ung sa’mim pero hindi pa kasi hindi pa ako sure sa nafifeel ko sakanya, honestly kasi anjan ung JCFL thing  na ewan ko ba kung bakit hindi ko maletgo un. Ayon I remember na, this month umalis si JCFL pumunta siya Malaysia at bago siya umalis nun tinanong ko siya kung pwede na ako magmove on sakanya(baka kasi sabihin niyang wag muna di ba, charot!!) haha! Seriously, gusto ko kasi ng closure ung samin, un talaga ung missing part bakit di ko kayang iletgo ng ganun nalang at hindi ko maicommit ung sarili ko sa iba.Note once again: hindi po naging kami ni JCFL, maarte lamang po ako siguro kaya may ganun.  Finally JCFL say sorry sa nangyari sa’min, nagkalinawan kami kung ano ba talaga ung nangyari sa’min at masaya na ako na once pala e we both have the same feeling :]. Un nga sabi ni JCFL nun “oo magmove on ka na, antagal na nun ngayon mo lang ba papakawalan ung sarili mo sken.” Umiyak ako nian, lagi naman basta si JCFL pinag-uusapan. Hoho! So ayon nga, mula nun I decided na ibabaling ko na lahat ke MMTG. Nakatulong din siguro ung pagpunta niya sa ibang bansa nun, that time nagfocus naman ako kay MMTG at alam ko naman na totoo ung nafeel kong love sakanya nung naging kami na, naging loyal ako sa kanya.
August, ano ba nangyari nun? Hoho! Eto ung malapit na maging kami, oo nalang ung hinihintay. Dapat talaga this month ko siya sasagutin e, ewan ko ba bakit hindi. Siguro kasi hindi pa ako ganun kasure sa nafifeel ko,ayokong magsisi, ayokong madaliin kasi ayokong magfail ung unang try ko sa ganun. I admit takot akong pumasok sa relationship kasi alam ko na it all ends with goodbyes at ayoko nung iniiwan ako, ayoko talaga nun promise.
September, official 09/09/12. :] Gets naman na kung ano yan, bago ko siya sagutin nun nagsimba ako sa Baclaran, humingi ako ng guidance kay Papa God pero siguro di effective ung dasal mo kapag sa tao na walang initiate para magwork. Pano ba nangyari nun? Ayon bago siya umuwi nun, inabot ko sa kanya ung “dear future boyfriend” letter na ginawa ko ng February at given the point na slow siya nun, di niya nagets agad so sinabi ko din na kami na. haha! Nawala ung element of surprise dun. So ayon nga may boyfriend na ako, for the first time haha! Masaya ‘tong month na for us. Pinakilala niya din ako sa kanila e mahiyain pa naman ako haha!! This month din ung nagkawork na ako, yiee!!
October, maliban sa nagbirthday ako ayon at ano pa ba nangyari nento? Xiempre andito ung first monthsary namin, never ko un makakalimutan kasi nagtampo ako sa kanya nun kasi nakatulog xa, Kainis di ba, first ever pa naman un bago ganun nangyari. Hoho! E basta gusto ko kasi mga ganung bagay special dapat, kahit hindi kayo magkasama basta andun ung effort mo to make it special somehow. Ganun!! Haha! Masyado kasi akong nanonood ng TV, akala ko tuloy ganun karomantic ang lovelife pero hindi sa totoong buhay. Ayon mula nun, naniwala na akong walang special sa monthsary. :D Nung birthday ko din, pinagtampo ko ung di nia ako pinagbigyan sa request ko na sumayaw siya ng gangnam style. Ang babaw noh? pero ewan ko ba ganung bagay talaga kinatatampo ko sakanya. Di naman kasi ako more on material things, ayoko nga ng binibigyan niya ako ng kahit ano e, mas gusto ko ung ganun. Ewan ko kasi alam ko kasi na pede naman ung ganun, effort lang para mapasaya ako. Siguro kasi andun ung comparison between him and JCFL sa isip ko, kasi nasanay ako na spoiled kay JCFL sa mga ganung usapan, gets niyo ba? Ung taong sasamahan kang gawin ung mga weird things na naiisip mo, ung pagbibigyan ka sa mga simpleng requests mo na ganun. Ayon, kaya mabilis ako magtampo kay MMTG pag ganun kasi lagi ko naiisip na pag si JCFL for sure gagawin niya un kahit magmuka siyang tanga. Dun sila magkaiba, ung isa maeffort kahit hindi magsalita, ung isa sinasabi pero hindi ginagawa. Alam ko mali naman na icompare ko sila pero sorry naman I can't help it. Eto pa, 2 days before my birthday bumalik si JCFL. Gulat ako nung tinext ako ng kapatid niya “he’s back”, gulantang mode ako nun swear. Alam niyo ung napaGM ako sa mga close friend ko ng college na bumalik na nga siya. Ayon napagsabihan pa ako nun ng isa kong friend bakit daw ganun reaction ko kung bumalik man siya, wag daw ako malilito, baka naexcite lang daw ako na bumalik na siya. May nagsabi pa na un pa din daw talaga, pero di ba once you love someone di na mawawala un. Ano nangyari? Wala naman, di naman naging issue ung pagbabalik ni JCFL, loyal naman kasi ako kay MMTG hoho!
November, ayon masaya to at half niya ayon malungkot na, puro iyak na nangyari. Haha! Kainis e, umiyak na naman ako, iniwan na naman ako ng guy na mahal ko. Wooot!! Second monthsary at break up month hoho! At ung details nasa ibang blogpost ko na. So ayon, very heartbreaking month ‘to for me.
December, xiempre eto na ung ramdam ko na ung emptiness nung space na iniwan nia. Nung una di talaga agad nagsink in sken na wala na, siguro nung 3rd week na kasi umiyak na ako dahil namimiss ko siya, andun na ung sayang things sa isip ko. Eto din ung uso ang katangahan sa’kin. Kasi nagtry pa ako at ano napala ko,nganga! Haha! So ayon di ako papayag na matapos ang 2012 na tanga pa din ako, kaya ayon kinausap ko na siya at dahil muka namang wala siyang balak makipag-usap sa personal, sa chat nalang hoho! Ako ung taong gusto ng confirmation kahit pa ramdam ko na. So ayon nga, sinabi niya na nga mga dapat sabihin at sa totoo lang hinintay ko lang naman na sabihin niya un. Sabihin mo lang na tumigil na ako promise gagawin ko, ganyan ung sinabi ko. E di ayon nakuha ko gusto ko. Umiyak ako nun, umiiyak ako habang nangyayari un, kakatanga ng sarili di ba. After nun ayon hindi ko maexplain pero feeling ko free na ako, siguro kasi alam ko sa sarili ko na wala akong dadalhing tanong sa sarili ko kasi ginawa ko na lahat. Ayon, magaan lang sa feeling na tanggap ko na agad ung nangyari at ngayon hindi na ako nasasaktan kahit pag-usapan pa siya, lamang ung masaya na ako kasi I’m strong enough para iconfront siya for the last time. Wala akong bitterness at what ifs na dadalhin sa 2013, learnings lang.
Bakit puro lovelife review ang nangyari? Hahaa! Pabayaan niyo na, blog ko naman ‘to e .:D yan lapit na magnew year, abot pa ‘to haha!  

Saturday, December 22, 2012

Taste of Bitterness


"Pagtapos ng lahat, eto tayo ngayon parang hindi MAGKAKILALA." Bakit kaya dumadating sa point na kelangan mangyari yan? Is it because of pride or pain? Bakit kailangan mong iwasan ung taong napasaya ka din naman minsan? Part din ba yan ng moving on schema? Honestly, I couldn't get the reason why or I just don’t want to understand things out, maybe it’s a part of my denial.
      Andami kong gustong sabihin sayo, ung harap-harapan para ramdam mo. Gusto ko ng confrontational scene with you, mailabas ko lang ng all-out. I wish I could say all the things I wanted to but I can’t, and if I had will it still makes sense?
Siguro tama ng dito ko nalang ilabas lahat ng bagay na gustong-gusto kong sabihin sayo. Kahit dito lang, kahit ngayon lang, pwedeng magcomplain? Ano bang issue ko na naman? Kasi ganito yun e, naiinis ako sa nangyayari sten ngayon, ayoko ng mga nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa mo, namimiss pa din talaga kita kahit feeling ko wala ka naman ng pakialam, bottomline is: ang sakit na.
Ayokong manumbat pero sabi mo diba, wala namang magbabago? Magkakatext pa din tayo, tatawag ka pa din pag may time, pupuyatin mo pa din ako pag unlicall ka, friends tayo. Asan na po lahat ng yan, kahit man lang isa jan? Siguro nga tama ung ginagawa mong yan but do you have to make me feel you don’t care anymore? Magkaiba naman ata ung umiwas lang sa walang pakialam di ba? Ung stupidity level ko nagincrease na, alam mo ung nagrereachout pa din ako sayo kahit alam ko namang walang response. Hindi naman ako nagdedemand ng reply pag tinetext kita, pero wag naman sana ung ramdam na ramdam ko. Ung dahilan mo childish pa din, nakakaloko pa din ung dating. Ok lang naman magkamustahan di ba, or we can be civil naman, pero bakit ganun kung dedmahin mo ako pakiramdam ko anlaki ng kasalanan ko sayo? Bakit kasi masyado kang nakikinig sa payo ng iba, minsan naman isipin mo kung nasasaktan na ba ako. Hindi ko maexplain dito exactly how i feel at kung ano talaga ung nangyayari basta alam ko lang ang sakit mafeel na wala kang pakialam. Feeling ko you're pushing me away from you, bakit parang ang dali lang sayo lahat? It hurts to see that you're doing perfectly fine without me, and it seems that you don't even have a second thought about your decision. All of a sudden totally stranger ung treatment mo sken, sobra naman ata yun di ba? Siguro coping mechanism mo yan, I don't know if that's your way to handle things pero un nalang ung iniisip ko kesa isipin kong sadyang di ka lang talaga affected.
       December 03,2012 ginamit ko pa ung pantawag ko sayo nun tapos di ba di ko kinaya ung feeling, sobrang iba na, agad2? You even asked me bakit gusto ko tumawag, sabi ko di ba e kasi namimiss kita. C'mon katangahan 101, gustong gusto ko talaga ata ng sinasaktan ung sarili ko. The pain of hearing your voice, the way how i felt the changes in our conversation, the way how i need to stop saying a word coz if I don't,my tears will speak for me, and the way how i force myself not to cry that time, it was a total torture. Ung feeling na kelangan kong magpigil kasi alam kong ayaw mong naririnig na umiiyak ako at ayokong magmukang kawawa na naman. Ang awkward ng time na un, hindi ko alam kung panu ako magrereact sa situation kasi hindi mo na ako girlfriend, di na pwede ung mga nakasanayan ko. Topic pa nga si girl di ba. hahai, talagang sayo pa pinasabi ung reply nia ah. "Wala at hindi totoo" so sino nagsisinungaling siya o ung mga picture at statement ng mga taong andun sa debut nun? Parang mali pa ata na humingi ako ng apology dun sa girl dahil nadamay xa sa issue, tanga kasi ako e dapat pala inaway ko nalang un, may basis naman kasi ako para magalit sa totoo lang. Thank you nalang at mejo matino pa ako at hindi pa dumadating sa level where I need to snoop down to the level na kelangan kong makipag-away dahil lang sayo-- thank god rational pa ako mag-isip. And ikaw pa ung hihingi ng sorry sa kanya dahil damay xa, buti pa nga sa kanya nagsorry ka e. Panu naman ako? Don't I deserve it, kahit isa lang? "Alam ko hindi ako dapat nagpapicture ng ganun, wala na akong magagawa nangyari na un e, nakita mo naman na un di ba" muka bang sorry ka sa mga statement mo jan? Honestly hindi, feeling ko nga mas sorry ka pa sa kanya e. Hanggang sa huli  pinagtanggol mo pa din siya, pinagtanggol mo pa din ung ginawa mo.
Buti pa nga bestfriend mo nagagawa akong kamustahin e. Alam mo ung masakit dun? Ung nalalaman kong di ka man lang affected at mukang masaya ka. Kahit bestfriend mo hindi magawang idefend sa'kin ung ginawa mo, kahit xa aminadong malandi ka, kahit siya alam niang mali ka at buti pa siya sinabi sa akin kung ano talaga ung nangyari nung debut kahit alam niang masakit para sken kahit alam ko pinagtatakpan ka pa din nun kahit pano. "Wag mong hayaan na siya ung magdown sayo kasi siya ung nang-iwan", see how your bestfriend cheers me up, he tell me things kahit alam niang masakit atleast totoo, buti pa xa may pakialam sa nararamdaman ko, he takes time para magtanong kung kamusta na ba ako e ikaw? Parang di mo ako kilala ah, kung makapagreact ka parang ikaw pa ung bitter, the way you treat me parang ako ung nakipaglandian sa debut at hindi ikaw, parang ako ung nagpakasingle habang tayo pa. Dapat ako ung nasa posisyon mo e.
Nakakapagod na umintindi sa totoo lang, parang lahat ng nangyari nilagyan ko na ng magandang explanation, ung justifiable sa part ko pero minsan ramdam ko pa din ung totoo e. Minsan kahit ako hindi na din kayang pagtakpan ung mga ginawa mo. Minsan nga feeling ko mabait pala ata ako at ganito lang reaction ko sa lahat2. Hindi ko man mailagay dito kasi pag detailed baka novel na 'to at di ko na talaga maexplain sa word, ung alam ko lang masakit pero di ko masabi in what extent. Sabi nga ni Angelica "ang pera natin hindi basta2 mauubos, pero ang pasensya ko konting-konti nalang!" Dahil di pa ako mayaman, rephrase ko konti, ganito: "ung love ko sayo hindi basta2 mauubos pero ung pasensya ko konting-konti nalang!" Korni noh? just to make the feeling light, segway konti. Pero aminado ako nakakaubos pasensya ka na, konting konti nalang anger na. Feeling ko hindi pala dapat kita intindihin ng ganun kasi nagiging insensitive ka, maiisip mo ok lang ung ginagawa mo kasi naiintindihan ko. In that case I don't help you to grow, I'm just giving you more reasons to think that there's no wrong doing it. Magiging katulad lang din nila ako, hanggang may mga babaeng sasalo sayo kapag iniwan mo ung isa at hanggang iintindihin ka nung taong iniwan mo, hindi mo marerealize na mali ka. So I guess let's just be both a LESSON LEARNED for one another. :)
Minsan lang ako magmahal ng ganito, kaya sulitin mo na. I've done so much stupid things,all because of those little hopes i have but I got paid with nothing but pain, pain, and more pain. I won't promise na hindi na ako gagawa ng more katangahan 101, but I guess alam ko naman sa sarili ko kung kelan enough na. Ayoko lang din na dumating ung time na pag naisip kita madami akong what ifs, atleast alam ko sa sarili ko ginawa ko naman na lahat ng pede kong gawin. Inuubos ko lang lahat ng bagay na pede kong pagsisihan na hindi ko ginawa at lahat ng natitirang katangahan sa katawan ko at pag nangyari yun there's no turning back. Hintayin mo lang ako, makakaya ko din ung ginagawa mo. Dadating din ung time na kahit ako WALA NG PAKIALAM SAYO.


Saturday, December 15, 2012

Dear first ex,


                 Sabi ni Papa Jack, for you to move on say sorry, thank you and goodbye. So say those words para makapagmove on ka na, chos! :D Seryoso na nga, I need to do it na ba? Feeling ko kasi wala na e, hindi na kita hihintaying bumalik pa ha? As if namang babalik ka nga, ewan ko ba, di pa din talaga ata nagsisink in sa akin na wala na talaga tayo.  So magmomove on na ako ha? Kasi pag di ko ginawa un madami silang babatok saken. Sabihin nalang nila ung katangahan ko apaw na saka kelangan kong gawin un para sa sarili ko.
                It’s been 456 hours since the last time I saw you, alam mo ba kung ganu katagal un, 19 days na. Kung totoong it takes 21 days to form a habit, 2 days nalang kelangan ko. Sana ganun kadali noh? Kamusta ka na kaya? Ni wala na akong balita sayo. Kahit mukha akong dedma lang, araw2 pa din kita naiisip. Minsan nga iniisip ko din kung naiisip mo din ba ako kahit panu o masaya ka na talaga para di na ako maalala? Namimiss mo din ba ako tulad ng pagkamiss ko sayo? Siguro hindi, kasi pakiramdam ko hindi mo nga ata ramdam ung absence ko sa buhay mo e, anduga! Bakit ako ramdam na ramdam ko? Andaming happenings sa buhay ko na sana sayo ko pa din unang nasasabi, alam mo un. Nakakapanibago pa din talaga, minsan nageexpect pa din ako makareceive man lang kahit isang PM mo. Ung pag may free call ako di ko din ginagamit kasi sayo ko lang naman tinatawag un. Ung phone ko alarm clock nalang ulit xa, kasi hindi na kita nakakatext. May time na ok lang talaga ako, may time na ramdam na ramdam ko siya, tulad ngayon. Kasi naman very good ako, tinignan ko pa profile mo, naalala lang kita, namiss ko lang ung dati :[
                Oi,tinamarie move on letter to di ba?? Bakit saliwa ung topic mo? Eto na nga:

  •     THANK YOU

Para san nga ba? Sa lahat. Di ko un kayang isa-isahin dito. Sobrang laki ng part mo sa buhay ko, ikaw si first e. Thank you una sa LOVE, minahal mo naman ako di ba? Di nga lang siguro enough for you to stay. For  UNDERSTANDING me, alam mo na yan di ba?? Lagi ko sinasabi sayo yan kasi alam ko naman ung ugali ko at salamat talaga kasi tiniis mo naman un.Ilang beses ba ako nagthankyou sayo jan, at lagi mo sinasabi “hindi ako mapapagod intindihin ka tinapotz.” What happened? Ok, nevermind.  Sa lahat ng MEMORIES natin, lahat yun lalo na ung mga special first time moments. Sa HAPPINESS na nafeel ko because of you. Sa lahat ng EFFORTS at CONCERN mo, namimiss ko lahat un. Salamat sa TIME hindi lang un two months, 7 months yan. Sa lahat ng TAWAG, TEXTS, pati pag KINAKANTAHAN mo ako pag nirerequest ko, as simple as that. Sa PAGPUNTA dito sa bahay every Sunday, sa mga MOVIE DATES natin. Sa EXPERIENCE kung ano ung feeling ng may boyfriend, history ka na e. di ko man mailagay lahat ng bagay na kailangan ko ipagpasalamat sayo, sana alam mo na kahit ganun thankful pa din ako. Sa bagong LESSON na ikaw siguro ung ginawang way ni papa God for me to learn. Last na siguro ung CLOSURE, salamat dun.

  • SORRY

Dito ata madami e. pakiramdam ko kasi kasalanan ko talaga bakit umabot sa ganun. Hindi ko na alam, pero mas madali kasing isipin na ako ung may mali kesa paniwalaan ung dahilan mo. Sorry kasi NAHIRAPAN ka dahil sken. Sabi mo nga di ba, “ayoko muna ng love, ang hirap pala. Nahihirapan ako sayoooooo.” Ouchy naman sa part ko un di ba? Feeling ko ganun ba talaga ako kahirap ihandle para masabi mo un.  Kaya nga tinanong kita nun kung mas lamang ba ung nahirapan ka kesa sa naging masaya ka sa relationship natin. Para sa pagiging SELOSA ko, aminado talaga ako dun, kasi naman, ung mga babae sa paligid mo. Sa pagiging MATAMPUHIN ko, ung konting bagay na kinakatampo ko, sorry dun. Siguro nga sumosobra ako, ayoko lang kasi ng feeling na hindi mo ako naaalala minsan o kaya parang nababalewala ako ganun. Sa pagiging PARANOID ko, kung ano2 man ung mga naisip ko dati, kung palagi man ako nagtatanong sayo, sorry, di mo talaga maaalis sken un, kasi andun ung fear na baka mamaya bigla mo nalang ako makalimutan pag sobrang enjoy ka na sa attention ng iba. Hindi ko naman alam na isa un sa magiging dahilan, bakit kasi inipon mo lahat e, sana inisa-isa mo para hindi mabigat, baka nasave pa, baka siguro tayo pa. Sa pagiging TOPAKIN at MOODY ko, given na un sa babae. Hindi ko alam kung sobra ba ung sa’kin o nagsawa ka lang talaga? Sa lahat ng PANG-AAWAY ko sayo, sorry para dun.  Sa pagiging MAKULIT ko,  kung matanong man ako, o kaya lagi kita kinukurot o minsan iniinis, lahat un way ko lang para lambingin ka, minsan lang siguro hindi mo nagegets. Sa PAIN?? Kung nasaktan man kita, sa kahit anong paraan, sorry. Dun sa mga joke ko minsan na hindi ko alam may effect pala sayo, sana di ko nalang sinabi. Kung dumating ung time na feeling mo WALA KANG GINAWANG TAMA, I really want to apologize because of that. Hindi ko alam panu mo naramdaman un pero sorry kung FAULT-FINDER ako. Sa pagiging PASAWAY ko, kung hindi man ako nakikinig minsan,kung pinapasakit ko minsan ung ulo mo. Saka sorry kung naiinis sila sayo, hindi ko alam kung pano ipaliwanag sa kanila in a way that I see things.  Di ko maexplain, di kita medefend sa kanila, sorry.

  •     GOODBYE

Pwede ba wag muna ‘tong part na ‘to?? Kasi ayoko talaga ng goodbyes, kasi ayoko ung feeling na naiiwan ako. Pero  tapos na ‘to e, ikaw na nga ung gumawa, ang part ko nalang is to accept things, to let go of the thought that we could still be together. Sinasanay ko na ung sarili ko na wala ka sa buhay ko, wala ng mackypotz, MMTG,lalabz, boyfriend ko. Pinipilit kong maging busy para di ka maalala minsan. Ang weird lang ung iniiwasan kong magkaroon ako ng time na isipin ka. Pano ba kasi ‘tong part na ‘to?? Hmm… alam mo naman un,  kaya ko ‘to, magiging ok din ako ulit. Konting time lang, di na kita ganito kamiss, di na kita maaalala, makakaya ko din ung ginagawa mo. Tanggap ko na ung nangyari, once again someone special left me. Dati pa naman di ba, napanaginipan kong iniwan mo ako tapos super iyak ako hanggang paggising ko tapos sinabi ko sayo wag mo ako iiwan ng ganun2 lang, sabi mo pa hindi dadating ung time na yan. Ano nangyari na po?? Taste of bitterness again, pffft. Sabi nga nila, “promise,promise ka pa IIWAN mo din pala ako.” Siguro talaga tama si Papa Jack, naimbento ang salitang BROKEN PROMISES dahil sa inyong mga lalaki. Ok enough na nga, san na napupunta e. Basta aun, I gotta move on, at sana pag nakita ulit kita kaya na kitang tignan at ngingitian nalang kita without wanting to have you back again.

Kung mabasa mo man ‘to, counterpart yan ng “dear future boyfriend” letter ko na binigay ko sayo nung naging tayo. Ambilis ng panahon, dati boyfriend lang kita ngayon ex na.Wala naman akong regrets na ikaw ung una, kung meron man un ung mga nagawa ko para maramdaman mo un at para magkaron ka ng dahilan para makipagbreak. Siguro nga I wasn’t born to be lucky in love.  Ingat ka palagi ah, wag mo pababayaan ung sarili mo, kumain ka lagi para tumaba ka para pag nakita kita hindi ka na tikling. Sana magmatured ka na din kahit konti. Wag kang tongekz ah, sa pagpasok sa work, sa paglalaro niyo ng basketball, basta palagi. Dito ko nalang sasabihin yan. Nasaktan mo ako pero wag mo sana iisiping galit ako sayo, tulad nga nung sabi ko naiintindihan kita at iintindihin pa din kita.


NOTES sa CP ko.

December 02,2012
       Gising pa ako. First week,ang hirap. Di talaga ako sanay na. Super namimiss kita. Ung dati super saya  ko pag Sunday ngayon hindi na. Pakiramdam ko lahat dito sa bahay pinapaalala ka sken, miss na kita sobra. Kaya ayaw ko ng nakakapagisa ako e kasi ganito. Wala na ako ihahatid pagtapos ng GGV, wala na ung palagi ko kasama manood nun. Ung mga simpleng texts mo, tinatry kong masanay na wala na ulet ung mga ganun.Nakakainis kasi ako ganito pero ikaw parang ang ok mo lang. 
         Sabi mo madami pa tayong monthsary na dadaanan, bakit dalawa palang sumuko ka na? Sa totoo lang di ko inexpect na you’d give up on me that easy, kc never ko inisip na ganun kababaw. Ang weak mo, 10 days lang tayo nde nagkita ganun na. I trusted you enough not to break your words pero wala I end up disappointed at eto ako ngaun iniwan na naman ako ng taong mahal ko.
       Ano ba talaga mali sken? I can’t help to blame myself about it. Kung di ba ako ganun andito ka pa din? Sana di nalang ako naging makulit kakatanong minsan, sana di nalang ako naging matampuhin, sana di nalang ako nagpalambing sa fb ng simpleng status o wall post, sana di nalang ako naging selosa, sana di ko nalang naparamdam sayo lahat ng naparamdam ko, siguro ngayon masaya pa tayo, mahal mo pa ako at ako pa din ung tinatawag mong "girlfriend ko".

Sunday, December 09, 2012

For the sake of WHY...


Why did we broke up, that’s  simply the most heard question I had to answer when it happened.  That feeling when you have to deal with it so many times , it sucks, it’s like you’re going through it over and over again. Once and for all I have to write this,  “isang bagsak” as what I called it.
It was November 24, when he finally said it, actually sa text lang ung una. Arggh! I deleted his messages, can’t remember the exact words but it goes like “basta tinapotz parang ayoko muna ng relationship, ung walang magagalit, magtatampo,ganun. Gusto ko muna ung enjoy lang.” Imagine the scenario that I was on my work that time, ung iiyak ka na pero kelangan mo pigilan kasi muka kang tanga. Pffft! Honestly I expected it to happen, you know the intuition we have, mostly us girls. Totoo pala ung kahit gano ka kaprepared iba na pag actual. That day, after work nagpunta ako sa kanila just to make things clear, I don’t want to end up things like that.  Gusto ko lang naman ung personal break up, and knowing the fact that it came from him, masakit pala. Alam nio ung iba pag naririnig mo ng personal, ung pain di mo maexplain, ung iiyak ka nalang kasi sobra na. I cried in front of him, where’s the pride in me that time? I asked him kung ayaw nia na ba talaga, and he was so sure about it, he already made up his mind.  Actually I’m not crying, I sobbed, sobra. I guess I asked him for seven or more times, ganun ako kakulit that time kahit pare-pareho lang naman ung naririnig kong sagot. “Ayaw nia na, he want his freedom, he missed his single life, he enjoys no one to worry about, no one to think about when he’s with other girls, nahihirapan daw siya, ayaw nia daw muna ng love,  and his love lessened, ouch.”  For nine days lang narealize niya ung ganun, pede ko bang sabihin na kami pa nagpapakasingle na siya? Tss.
Why did it get there? I must say he stopped trying.  Ung feeling mo wala na siyang effort na ayusin coz he finally made his decision. Kahit sabihin niyang he tried, I know he didn’t. Its not being close-minded but I know when he is and when he’s not. Panu nga ba nagsimula un, could I say mula nung galing siya sa debut? Yes it was. Sabi nga ng mama ko, kahit di nia sabihin dun nagsimula un. November 11, he attended a debut,anong meron sa debut na un, well it’s another story.  Weekly we see each other, every Sunday then that time hindi, kasi nga nagpunta xa ng debut, at ok lang naman sa’kin un. November 09, nagpunta naman siya dito. That time,Sunday, ok naman kami, ok pa kami although nagtatampo na ako kasi di xa nagunli, kasi naman nagbigay xa ng oras tapos hindi naman pala, ayoko pa naman ng ganun parang naghihintay lang ako. I’m the type of person na pag nagbigay ka ng time, do it or go die. Haha! Hmmm.. I don’t know how to elaborate things more, basta it started there, feeling ko ha. November 12-19, a week na ramdam ko iba na, ewan ko pero nararamdaman ko talaga I have something to worry about. Accidentally I saw a picture, group picture pa nga ung una and dun palang tumaas na kilay ko, why that close to that girl? As in lahat kelangan sila magkadikit, ung temper ko nun di ba… woot!!! Then ok lang e, kaya ko ung palampasin kahit alam ko sa sarili kong big deal sa’kin un at nagseselos ako pero group picture nga naman un, consideration nalang J. But the next pictures I saw, just the two of them, ano yun pictorial, loveteam at ganun magpapicture, ampness!! If I could only post those pictures, but for their privacy nalang and my remaining respect for them wag na. As a girlfriend that time may dahilan naman siguro ako para ikaselos un, not being defensive pero alam ko normal lang ung reaction ko dun. Ano ginawa ko, I confronted him about those pictures and ano sagot niya, wala lang un.Then tinulugan nia pa ako that time with that issue unresolved at paggising niya parang walang nangyari, ok lang ganun, I don’t know kung umiiwas ba siya sa issue o  ganun nalang xa kainsensitive para di mafeel na he must do something about it to prove na wala lang un. I just need assurance and I don’t get it from him that time, what would you expect me to do hahayaan ko nalang na ganun, paranoid na siguro ako but I know may pinanggagalingan ung worries ko. Alam ko may mali, the way he reacted about it and the way he reacted with other selos thing at un ung di ko makuha that time, ung assurance na wala lang talaga yun. 19, sabi ko maguusap kami, gusto ko kasi maayos na kasi super di na kami nagkakaintindihan(sabi nia un), ung ako na ung nagpunta sa kanila para lang maayos pa. What happened? We talked about the cause of chaos(chaos talaga ang term xD!) and ano, just the same lame excuses, wala lang un, lesshe lang nakakaloko. Sila lang daw kasi magkasama that time, so asan ang tropa nia, kainesss!! ung iyak na ako sa super inis atsama ng loob, muntanga lang.Ung mejo valid reason naman ung kayang iaccept ng utak ko. And one thing he said na super di ko maaccept, sobrang higpit ko na daw kasi, oh my! Mahigpit daw ako? What part? Kung mahigpit ako  di sana di ko nalang xa hinayaan magpunta ng debut at kami nalang magkasama nun, kung alam ko lang na ganun mangyayari sana pala pinaghigpitan ko nalang siya. Wala naman ako maisip na bagay na di kita hinayaang gawin mo, kaya nga sinasabi ko sayo di ba, nde mo kailangang magpaalam sa’kin kasi di mo naman ako magulang. You still have your own life with your friends, grabe pinagdamot ba kita? SELOSA ako, yan ung alam ko and I won’t have to deny it.  At insecure ako sa lahat ng babaeng nakapaligid sayo, kasi naman andun ung fear na mangyari nga un. Sabi mo paranoid ako, e kasi I have reasons to be, ung sinabi ko sayo na what if history repeats itself pala? Bakit ko nasabi un kasi ung mga times na kahit sa text na nga lang alam kong wala ka ng time, sasabihin mo pa wala ka ng masabi kaya ganun, konting sensitivity naman sa feelings ko di ba, alam ko may ibang nakakatext ka na. Seems like ganun ung nangyari sten di ba? You left your ex for me, and is this what happened to us? Seemingly karma ko na ba ‘to? Anyway I don’t want to jump to conclusion wala pa nga naman akong napapatunayan o I have enough na?? ;) After that ok na, kahit di pa clear sakin ok nalang, matapos nalang maayos nalang, masave nalang. Sabi nga ng quote, minsan kelangan mo nalang xa paniwalaan para matapos na. Then I thought ok na, OK na hindi ayos na. I know may something pa din, ung pagkauwi ko uh-oh, parang walang nangyari..  Ganun ulit, parang hello po napagusapan na di ba, ok na nga e tapos ganun agad2? Tss… From that time, let’s just say November 20 na, I prepared myself na papunta na dun . Alam nio ung nagpray pa ako sa Baclaran and asked God for guidance na kayanin ko kasi alam ko malapit na, hinihintay ko nalang na sabihin niya. For those times, I pretended na hindi ko ramdam ung coldness niya, dedma nalang, pinigilan ko din magtumampo ever. Pero suko ako, ang hirap pag ganun so ang ending I want to make things clear, ikaw na mukang tanga na push pa ng push kong ramdam mo ng ayaw niya na. Then November 24 came and it ends there.
Why did I stop trying? Feeling ko ginawa ko na ung dapat, parang feeling ko tama na ung effort ko. Nakikita ko din na masaya na talaga siya and I don’t want to be selfish naman. Higit sa lahat siguro enough na ung pain para tigilan ko na. November 25, he went to our house at ang plano ay sabihin namin kina mama ung totoo, atleast alam nila kasi ako hindi ko kayang sabihin sa kanila un ng ako lang. Alam ko kasi maaawa sila sken, ayoko pa naman nun and I know how concern they are, ganun nila ako kamahal. Oh anlayo na ng issue, balik. xD!!! So ayon nga hindi din namin nasabi so paguwi nia nagusap pa kami sa labas, kung ano gagawin namin. Kung panu ipapaalam kina mama. So clear na di ba, wala na talaga. That time, ang ok namin, nagkukulitan pa nga kami e, ung parang wala lang, and I must admit I don’t feel the same way as what I showed him. I even asked him if hindi na ba talaga kaya, kasi may little hope pa ako na kaya pa pero wala final na talaga so aun, I can’t do something but to accept it. Naghiwalay kami ng ok, pero masakit sakin xiempre.  Then Monday, I received messages from him telling me that I don’t need to tell them na wala na kami kasi tama daw ako kaya pa daw isave yun, he even called me girlfriend again. So ako naguluhan pero siyempre natuwa din about dun, but andun ung doubt ko na teka totoo na ba ‘to . kaya nung tinanong ako nila nun kung ano dapat ung sasabihin namin di ko na sinabi kasi nga kami na daw ulit. Then around 9 nagising xa,  sabi nia kung naguguluhan na ba daw ako sabi ko oo naman, clear na ung usapan na wala na e tapos magtetext siya na kami na ulit, then I asked him what changed his mind? You know his answer? “hindi naman sa nagbago ung isip ko tinapotz, wag mo na isipin ung sinabi ko, break na talaga tayo.” Oh di ba, isn’t it that insulting on my part? Grabe, ung natitirang pagintindi ko sa part nia naubos bigla, he might don’t understand how things like that could hurt me. Wala ba siyang idea ganu kasakit sa part ko ung ganun, boys will never understand how little things they do could hurt us.  Because of that, and sa nakikita kong masaya na siya, at sa mga nalaman ko pang alam kong hindi ko na kelangan pang sabihin dito, I know I should stop. Let go of him or still hold on, both hurts but that’s the only option I have and I guess this time I should learn to give up when things aren’t meant for me. Someday, you’ll realize, ikaw ung naiwan at hindi ako.

Friday, July 13, 2012

kinikilig ako, swear :'>

oh my!!!! speechless ako bigla.. hoho!!! all i know is happy ako ngayon.. He could still make me smile like before. Kahit saglit ko lang siya nakachat, imba!! alam ko masaya ako.. I've been thinking about him pa naman this past few days. heartbeat duhhh... feeling teenager again... Buti nalang talaga nagonline ako, at buti nalang nagsend ako ng message sakanya last night.. Kanina, i thought di man lang niya rereplyan ung message ko, akala ko dedma but ung moment na nag pop out ung name niya. oh my gosh!!! ung smiles ko sunod2 na, nakakawala sa ulirat ee.. Kahit one year higit na, iba pa din talaga ung effect niya skin, siguro di pa talaga ako nakakamove on sa kanya, at siguro siya pa din talaga... No words can explain what i'm feeling right now... Basta masaya ako kahit alam ko hindi naman na dapat. Ikaw pa din talaga e, wala ka pa ngang ginagawa napapasaya mo na ako.. End na muna. i love this night---- with smilessssss!! :)))

Saturday, February 04, 2012

biglaan

katext ko ung kapatid niya ngayon2 lang. Kainis naman, sabi ko pa naman nakakamove on na ako sa kuya niya, na namimiss ko maging bitter.. Bigla ba naman akong nireplyan ng "bestfriend ka nga daw niya e." Alam mo ung napiga ung heart ko dun, imba naman ee, bakit ako apektado?? Sinabi niya yun sa family niya?? i wanna cry, bakit di ko yun alam.. Nakakainis naman.. wooh!! nakakainis, naiiyak ako!!! Alam mo ung super bitter ako nun na bigla nalang sila naging magbestfriend ng friend ko nung time na hindi na kami ok, na sabi niya dun "ikaw nalang bestfriend ko ha, wala na kasi ako napagkkwentuhan ee." Iniisip ko nun, ano pala tingin niya sa'kin nun, ako ung close nia tapos ganun sasabihin niya sa friend ko, ano un hindi kami close, nakakainis kaya ung bigla nalang parang di kayo magkakilala pero all through out kayo ung laging magkasama.. Tapos alam mo ung narinig ko from his mouth na tinawag niyang "best" ung friend ko dati--- ung time na super fresh pa ung pain ng unexplained goodbye niya, alam mo ung ansakit2 nun sa part ko na parang do i need to hear it pa ba?? Ang feeling ko nun, wala ba talaga akong worth sakanya para ganun2 nalang..Waaah!! imba talaga e, naiiyak na ako, muka akong tanga, tanghaling tapat pinapaemo ako. SHIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! nakakainis bakit ganito ung epekto nun sa'kin, nakakapanlumo naman. alam mo ung sinasabi ko dati na sana pala binestfriend niya nalang ako, baka hindi dumating ung time na naging ganun pa at para atleast may role ako sa buhay niya, hindi ung hindi ko alam kung naging ano ba talaga ako at kung naging ano ba talaga kami. Tapos malalaman ko ngayon he treated me as his bestfriend pala, bullshit naman talaga oh, bakit ansakit sa puso?? E di sana pala, ngayon pwede ko sabihin na bestfriends kami, hindi ung pag tinatanong ako kung naging ano kami hindi ko alam sasabihin ko, MU ata, basta close kasi kami dati?? Gusto ko umiyak, nakakapika talaga e. bullshit naman talaga, hindi dapat ako ganito kaapektado e.

Thursday, December 29, 2011

confession

           "nag-away kami ni mama at naiinis ako kasi wala akong masabihan ng sama ng loob ko. Lalo ko lang tuloy nafeel na malungkot ako. ikaw kasi e!! Sana andito ka pa din . ;( "
TEXT ko sakanya nung gabi ng December 26, 2011. Ewan ko ba, feeling ko lang kasi sana andito ka pa din, sana may nasasabihan ako ng lahat. Siguro akala niya GM ko yun pero text ko lang sakanya yun, gusto ko lang sabihin sa kanya kahit wala naman na siyang pakialam.


Eto naman, laman ng texts ko sa sarili ko kagabi na gusto kong sabihin sa kanya. December 27, 2011.


             Sinasaktan ko lang ulet ang sarili ko sa ginagawa ko, :[ Naiinis ako kasi ganto pa din ung nararamdaman ko. Sa tuwing nararamdaman ko na ikaw pa din ung gusto ko, nasasaktan lang ulet ako kasi alam kong wala ng chance at kahit paulit-ulit kita mamiss wala ng magbabago. Gusto ko na maging ok, ung di ka na umeeksena sa utak ko, ung di ko na gustong maging ganun ulet tayo. pero bat ganun?? Sa tuwing sinusubukan ko bumabalik ka ng bumabalik?? Sana kasi tinuloy mo nalang ung di pagpaparamdam dati e, para ubos na lahat ng hopes ko na pwede pa. Bakit kasi bumalik ka pa e?? Nakakainis naman, ang unfair ng life. Bakit ganyan ka?? Nakakainis kasi lagi ko nalang nafifeel na mula nung mawala ka, anlaki ng nawala sa'kin. Nakakainis kasi walang nakakaintindi sa'kin tulad ng ginagawa mo, o siguro kasi sayo ko lang nafeel ung ganung understanding.


            Naiinis ako kasi wala ka na para pagsabihan at paglabasan ko ng lahat ng nararamdaman at nangyayari sa'kin. Feeling ko tuloy ngayon magisa nalang talaga ako. Naiinis ako kasi sa panahong ganito mas lalo kitang namimiss at mas lalo ko nafifeel ung emptiness nung space na iniwan mo. Kanina muka na naman akong tanga, nilinis ko ung mga gamit ko, tapos nakita ko ung pabango ko na gustong gusto mo, tapos inamoy ko ulet pati ginamit. pag naaamoy ko yun, feeling ko pinipiga ung puso ko. Ang sakit sakit lang niya, nafifeel ko kasi ung aura dati, bumabalik lahat nung kwento sa isip ko. Bakit ganun?? Ikaw parang ang ok ok mo na?? Bakit parang di ka na apektado?? Bakit ako nalang magisa?? Nakakainis kasi kahit ung simpleng pabango lang na akala ko dedma na after ilang months na hindi ko ginamit, nung naamoy ko lang ulet bumabalik talaga lahat. Bakit feeling ko di ko pa din tanggap hanggang ngayon?? Bakit ganito pa din kasakit?? 


           Naiinis talaga ako kasi parang di naman ako nakakamove on sayo. Bakit ganun, ganun pa din ung pain pag nakkwento kita  sa iba o pag may nagtatanong. Bakit ikaw pa din ung naiisip ko pag nakakabasa ako ng mga quotes?? Bakit kasi ginawa mo sa'kin yun e?? Eto na naman ako, para  namang kahapon lang nangyari lahat kung makapagEMO ako. Haaaayy, naiinis ako kasi naiisip na naman kita at napag-usapan ka na naman. Aun tuloy, nafeel ko na naman ung missing closure na hinahanap ko. Kasi naman hanggang ngayon di ko pa din naiintindihan kung bakit ganun ung nangyari. Kanina, nabasa ko ung mga sulat ko mula nung nde tayo maging ok. Nakakainis kasi nakasulat dun ung kwento mula nung makilala kita at kung ano lahat nangyari. Namimiss ko lahat yun sobra, Ung iba dun nakalimutan ko na, antanga ko lang kasi binasa ko pa ulet.


            Ung notebook ko ng STAT nakita ko din ulet. Binasa ko lahat ng mga sinulat ko dun pati na ung nabasa mo sa likod nun. Ikaw talaga lahat laman nun kahit sinabi ko sayo dating hindi. Ung rose na ginawa at dinikit mo sa likod ng STAT ko, tinitignan ko kanina. Kapag nakikita ko yun dati ang saya2 ko, kinikilig pa nga ako na may mga ganun ka pang nalalaman para sa valentine. Ngayon pag nakikita ko yun super pain ung nafifeel ko, "rose para kyut >D " sabi mo yan pero hindi na siya kyut ngayon pag nakikita ko. It symbolizes na tapos na nga ung kwento. Pati ung balat ng chocolate na binigay mo sa'kin, ung mga sulat at scratch mo, ung balat ng burger na nilibre mo nung nagpunta at manonood dapat tayo fireworks sa PN nun, lahat yun pag nakikita ko, nakakapagpamiss sayo. Anduga mo kasi ee, nakakainis ka.


           Kanina dapat isusurprise namin kayo. Nagpromise ako sa sarili ko na pag nakita kita titigilan ko na talaga, magmomove on na ako. Pero bakit ganun? kahit andun na kami, kahit andun na lahat ng chance na makita kita, hindi ka pa din pinakita ni papa GOD sa'kin?? Ano ba naman yun, maniniwala pa ba ako sa sign?? Saka bakit ba ganun talaga?? Ai naku, ansakit pa din talaga pag may nalalaman ako, minsan parang gusto ko nalang sabihing wag ka pag-usapan. Kahit ung simpleng PM mo sa kanila na bakit sa'kin di mo na ginagawa, lahat nun parang super sakit iaccept pag naririnig ko. Di ko naman masabi kasi ayoko na namang magEMO at parang wala namang nakikinig sa'kin. Ayoko din namang makita nila na in pain pa din ako pagdating sayo, kaya nga pag nasasabi nila ung name mo di ko pinapakitang affected pa din ako. Ano ba naman kasi 'to e, ang unfair ko sa sarili ko.


           Ang unfair ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon ikaw pa din ung gusto ko. Until now naghohold on pa din ako kahit alam ko namang wala na. Ayoko kasing mafall sa iba e, ayoko na. Di ko maimagine ngayon na may ibang mas magiging better pa sa naging ano ka man sa'kin dati. Bakit ganun, di ko magawang ibaling sa iba ung attention ko. Bakit ikaw ung nagiging ideal guy for me na kung hindi din naman katulad mo wag nalang? Bakit hinahanap ko kung ano ka sa iba at bakit wala akong makitang tulad mo?? Nakakainis naman kasi bakit ba ang manhid manhid mo naman?? Bakit kung kelan kaya ko nang aminin sayo kung ano 'to saka ka naman nagbago?? Bakit kasi di mo man lang hinayaang umamin at magexplain nun para wala na 'kong regrets.


            Haaayy, nakakainis! 8 months na akong nagmomove on sayo pero wala pa din. Lapit na mag2012, matatapos na ung year na nakasama kita. Ano ba yan, ang Oa ko kasi. Nakakainis kasi napakamatandain at sentimental ko kaya tuloy andami kong naaalala kahit mga simpleng bagay at dates lang. Kawawa ako kasi ginusto ko 'to. Naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa din malinaw ung kwento at until now  hoping ako na one day mag-eexplain ka din. Ang hirap lang mafeel na ikaw lang naman ung nawala pero bakit parang anlaki nung emptiness na nararamdaman ko. Lalo na pag nafifeel kong wala akong masabihan ng lahat, feeling ko magisa na talaga ako. Minsan gustong gusto kong magsabi sayo pero iba na e, hindi na kasi tayo tulad nung dati at inaamin ako na namimiss ko pa din yun hanggang ngayon..




            Yan ung confession ko kagabi na sana nasasabi ko sayo, kaso i need to keep it to myself nalang kasi wala namang makakaintindi kung bakit ganito ung nafifeel ko. Nasanay kasi ako na lagi kang anjan for me e, na lagi akong may nasasabihan at lalo kitang namimiss kapag malungkot ako kasi wala nang makikinig sa'kin tulad mo. Haaay! emo nga talaga ako. "KAPAG NARARAMDAMAN KONG IKAW PA DIN UNG GUSTO KO, NASASAKTAN LANG ULET AKO.."
 Ouch naman yan, ramdam niyo??